It was Sunday!
Nakatayo sa harap ng salamin si Yasmin at sinusuot ang singlet para sa fun run. She was wearing the singlet, naka-shorts at rubber shoes na pink. Naka- ponytailed ang buhok niya at talagang kaakit -akit ang itsura niya kahit na sasali lang siya ng fun run.
At the waiting area, naroon na sina Marga at Xian para magpa - register. Naka -shorts rin na maikli si Marga at nakajogging pants naman si Xian. Malapit nang magsimula ang event. Dumating na rin sa wakas si Yasmin.
" Sorry, ngayon lang ako. Na-traffic," sabi ni Yasmin na hinihingal.
"Magpa-register ka na," sabi ni Marga.
"sige," sagot ni Yasmin na saglit na tumingin kay Xian.
Nagpa-register na rin si Yasmin.
Habang naghihintay sina Marga at Xian, lumapit si Arthur sa kanila.
" Ms. Marga!" tawag ni Arthur habang papalapit sa kanila.
Napatingin silang dalawa kay Arthur.
" You're so pretty today," nakangiting sabi ni Arthur na nakatingin kay Marga.
Ngumiti si Marga sa kanya at napatingin siya agad kay Xian na katabi niya. Napaka -serious ni Xian na nakatingin kay Arthur.
" Sir Arthur, thank you!" hindi maipintang ngiti ni Marga na may halong kaba.
" By the way sir, fiance ko po si Xian," pakikilala ni Marga kay Arthur.
"Ahhh.. You are Xian,her fiance. Nice to meet you bro! I'm her boss," sabi ni Arthur at nakipagshake hands siya.
Nakangiti naman na seryoso si Xian habang nakikipagshake hands kay Arthur.
"It's nice na nakasali ka sa aming fun run," sabi ni Arthur. " Bonding time ninyo!"
"Tama, bonding time namin," sagot ni Xian. Hinawakan ni Xian ang bewang ni Marga.
Sa may likod nila, naroon ang kasamahan ni Marga sa department kasama rin si Odette.
"Ang cute at napakagwapo ng fiance ni Marga. Ang swerte niya!" sabi ni Karen na kinikilig habang pinagmamasdan si Xian.
" Oo nga! So handsome!" sabi ni Dara.
" Siya pala ang fiance ni Marga? He is handsome. But .. Tsk tsk .. poor guy.. Naaawa ako sa kanya," nakataas ang kilay habang sinasabi ito ni Odette.
Napatingin sina Karen at Dara kay Odette.
Natapos na rin sa wakas si Yasmin at bumalik na siya sa kinaroroonan nila Marga.
" I'm done!" sabi ni Yasmin.
" That's good!" sabi ni Marga.
Napatingin si Arthur kay Yasmin at napatitig ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Napatahimik siya bigla.
"Oh my.. She's a goddess.." pabulong na sabi ni Arthur sa sarili.
Napatingin rin si Yasmin kay Arthur at nagtataka dahil sa kinikilos nito na nakatingin sa kanya na para bang tutunaw sa kanya. It was awkward.
" Kaibigan mo Marga?" tanong ni Arthur.
" Yes sir, she's my friend," sagot ni Marga.
" Ahhh"
Pinatawag na ang lahat na mag - ready dahil magsisimula na ang fun run.
" Tara na!" Marga said at hinawakan ang kamay ni Yasmin.
Naiwan si Arthur sa kinatatayuan nila kanina. Hindi siya sumali sa pagtakbo dahil siya ang isa sa organizer and sponsor ng event.
Nagsimula na ang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...