Chapter 56.1
Nagising nalang si Yasmin sa isang kwarto. Ramdam niya na nanghihina ang buong katawan niya. May dextrose din na nasa may gilid ng kama. Tahimik ang paligid at puro kulay puti ang nakikita niya maliban sa kumpol ng pulang rosas na nasa plorera."Nasaan ako?"
Nilibot niya ang mga kanyang paningin sa buong paligid. Kahit nanghihina ang katawan ay pinilit niyang bumangon at maupo."Bakit ako narito?"pagtataka niya.
Napansin niya ang dextrose at nalamang nasa isang kwarto ng hospital siya. Napakunot noo si Yas at inalala ang nangyari.
Nang maalala niya ay namilog ang kanyang mga mata at kinabahan. Naaalala niya na nasa panganib ang anak nito."Si Aya!"
Tinanggal ni Yas ang mga karayom na nasa braso niya. Hindi niya inalala ang sakit ng bawat pagtanggal niya sa balat. Mas ramdam nya ang sakit sa dibdib habang nag-aalala sa anak.
"Aya!" Tawag nito.
Kinaya ni Yasmin na tumayo at lumabas ng kwarto room 302. Kahit mahina ay nagkalakas siya para pumunta sa information desk at itanong kung saan na ang anak niya. Wala na ito sa operating room sa mga oras na iyon.
Kinakabahan si Yas habang kausap ang nurse. Hindi na siya mapakali dahil baka ano na ang nangyari sa anak niya."Nalipat na po ang anak ninyo. Nasa isang private room po siya sa second floor. Room 205." Sabi ng nurse.
"205?"
"Opo. Successful po ang operation niya."
Napatakip ng bibig si Yas at naluha. Ang saya niya na di mapaliwanag. Nagpapasalamat siya na okay na ang anak nito. Sa mga oras na iyon, para siyang nabuhayan at nabigyan ng lakas.
"Thank you. Thank you."
Tumakbo si Yas para puntahan ang anak. Hindi halatang nanghihina ito kanina dahil sa sigla niya. Ginamit niya ang elevator para makababa sa 2nd floor.
"Aya.."
Excited siyang makita ang anak.
"Narito na si mommy!"Agad namang nakita ni Yas ang kwarto ni Aya. Pagpasok niya ay nakangiti ito na abot hanggang tenga. Naluluha rin siyang pinagmamasdan ang bata na nakahiga sa kama. Hindi pa nagigising si Aya mula ng ilipat siya sa kwarto.
"Salamat naman.." sambit niya na dahan dahang lumalapit sa kama. "Aya.."
Masaya na si Yasmin na malaman na successful ang operation ni Aya. Akala niya talaga na mawawala rin ang anak niya ulit dahil mapagbiro ang tadhana sa kanya. Tinitigan niya ang mukha ng anak na nakapikit ang mga mata.
"Nandito na si Mommy Aya.."
Napalingon si Yasmin sa may mesa sa kaliwa at nakita ang isang malaking teddy bear. Napatingin siya rito at natahimik.
Pumasok ang isang nurse.
"Ang swerte ng anak ninyo madam! Malayo na siya sa kapahamakan."Naalala ni Yas na bago siya nahimatay ay nagkaproblema sa pagkakaroon ng donor. Nagpapasalamat siya na magiging okay ang lahat.
Dugtog ng nurse," Salamat sa donor at compatible sa anak ninyo."
Napalingon si Yas sa nurse at tinanong. "Sino ang donor? Nakita ninyo po ba siya?"
"Isa pong lalaki. Dumating siya kanina at nagpasuri. May mga kasama rin siya na para bang mga assistant." Paliwanag ng nurse.
"Lalaki?"
"Gwapong lalaki po madam. Kakilala niyo yata siya.."
"Kakilala ko? Sino?" Pagtataka ni Yasmin. "Hindi naman siya iyong kasama ko hindi ba? Hindi sila compatible."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...