((warning.. spg alert! Kunting spg!!))Pinuntahan ni Yasmin si Fara ng makita niya itong naglalakad sa park.
"Fara!" sigaw ni Yasmin.
Napahinto si Fara at napalingon sa kanya.
"Ate Yasmin?"
Malungkot ang mukha ni Fara kaya kinabahan si Yasmin.
"May itatanong lang ako.." malumanay na tanong ni Yasmin sa dalaga.Napayuko si Fara at natahimik.
"Totoo ba?"
Napapaluha si Fara habang nagtatanong si Yasmin. Hindi na niya napigilan at napatakip na ito sa kanyang bibig.
Samantala, dumating na si Leo sa opisina para magbigay ng mga informasyon.
"Ano na? Ano ang nakuha mong impormasyon?" seryosong tanong ni Arthur.
"Ang totoo po sir ay sinasabi nila na patay na si Xian. Lahat po na mga records nito ay patay na po siya. Sa katunayan may death certificate na po siya at ang nakasulat ay ang kanyang pangalan."
Ibinigay ni Leo ang copy ng death certificate ni Xian. Napakaseryosong tiningnan ni Arthur ang certificate nito."Totoo pala..."
"Sabi nila ay nakalibing po siya sa St. Luke Memorial.."
"Possible pa bang buhay siya?"
"Po?" nagulat si Leo sa tanong nito.
"Maaari pa kayang buhay siya at ang lahat ng ito ay kasinungalingan?" Hindi maalis sa isip ni Arthur na baka buhay pa ito dahil sa mga pangyayari na biglaan.
"Huh? Uhm, hindi ko po alam."
"Di ko lang siguro akalain na mamamatay siya ng ganoon nalang."paliwanag ni Arthur.
"Hindi po ba kayo masaya sir, wala na po ang karibal sa asawa niyo!" pabirong sabi ni Leo sa boss nito.
Napatingin agad si Arthur na nakasalubong ang mga kilay kay Leo. "Ano ba ang pinagsasabi mo! Wala akong karibal sa asawa ko!"
"Di ba po he is a threat?"
"Wala na sila ni Yasmin at siya ay nakaraan niya!" Naiinis na wika ni Arthur.
"So bakit niyo po pinapaimbistigahan?" Nakalimutan yata ni Leo na boss niya ang tinatanong nito.
"Leo! Lumabas ka na nga!" galit na pasigaw ni Arthur. Tinuro rin niya ang pinto ng paalisin niya si Leo sa silid. Umalis naman si Leo pagkautos ni Arthur.
Naiinis si Arthur sa pinagsasabi ni Leo. Pero sa mga sinabi ni Leo, may tanong na bumagabag sa utak ni Arthur.
"Bakit nga ba? Bakit ko nga ba pinapaimbistigahan kung patay na ba siya o hindi? Ano ba ang bumabagabag sa akin? Haist!"
------
Pumunta sina Fara at Yasmin sa St. Luke Memorial.
Naiiyak si Fara habang pinagmamasdan ang lapida sa lupa na may nakasulat na pangalan ni Xian.Naroon rin si Yasmin pero hindi na ito umiiyak.
"Totoo pala na wala na siya.."nakatulalang sabi nito.
"Opo ate.. nalaman ko lang nang sabihin ng doctor na hindi naging successful ang operation niya." Paliwanag ni Fara. "Pumayag si Kuya na magpaopera pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari."
"Sa huling pagkakataon, ginusto niyang makita ang liwanag.." wika ni Yasmin.
"Gusto niyang makita kayo ate Yasmin kaya pumayag siya. Hindi ko lang matanggap na wala na siya ng ganoon nalang!"
"Gusto ko rin na makakita siya. Ayokong tuluyan siyang mabalutan ng kadiliman. Pero hindi natin ginusto ang nangyari."
Umiyak si Fara at humagolgol pa. Niyakap niya si Yasmin.
"Wala na si Kuya! Wala na siya! Hindi man lang siya nakakita bago siya namatay!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...