Chapter 51.2

789 21 6
                                    


Ang pinagkakaabalahan ng mag-asawang Yasmin at Arthur ay ang pag-aalaga kay baby Pia. Habang wala ang bagong kasal ay nasa kanila Yasmin ang baby. Nag-eenjoy naman si Yas na alagaan ang baby. Pinapadede niya ito ng inihandang breastmilk at pinapatulog. Siya rin ang nagpapalit ng diapers kapag basa na at may popo. Inaalagaan niya ito na parang tunay na anak. Si Arthur naman ay pinagmamasdan lang asawa na busy sa pag-aalaga. Ano ba naman ang alam ng isang businessman tungkol sa baby? Nakaupo lang sa couch si Arthur na naka-cross ang paa at ang mga kamay ay nasa may baba. Hindi ito nagsasalita bagkos ay nanonood lang ito.
Nasa kama naman si Yas na pinapalitan ng diaper si Baby. Napansin nito na walang imik ang asawa.
Lumingon siya at niyaya ito, "Hon, gusto mong subukang palitan ng diaper si baby?"

"Huwag na!" Seryosong sagot ni Arthur.

"Sige na.. madali lang naman.." pamimilit ni Yasmin.

"Ayoko! Ang baho kaya!"

"Sos, ang arte nito. Huwag mong sabihin kapag baby na natin ang papalitan ng diaper, hindi mo gagawin!" Nakangusong sabi ni Yas sa asawa na pinapakonsensya.

"Ibang usapan na kapag baby na natin.."

"Haist.. nag-alibi ka pa. Ayaw mo lang talagang madumihan ang mga kamay mo!" Ani ni Yasmin habang tinatapos ang pagpapadiaper ng baby.

Hindi napinilit ni Yasmin ang asawa. May dahilan si Arthur kung bakit ayaw nya.

"Hayan tapos na!"

Kinarga ni Yasmin si Baby Pia. Natutuwa siyang makita ito na malinis na. Pangiti-ngiti naman ang baby kahit nakapikit ito kaya mas lalong naaliw si Yasmin.
Nakasimangot naman ang mukha ni Arthur na parang batang nagtatampo. Agad namang napansin ito ni Yasmin kaya napatingin siya sa asawa.

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Yas.

"Wala!"

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

Napabulong sa sarili si Arthur,"Sana kunin na siya ng mga magulang niya. Nasaan ba ang yaya nito?"
Tumayo si Yasmin na karga si baby. Lumapit siya kay Arthur at tumayo sa harapan nito.

"Gusto mo bang kargahin si baby? Try mo!" Alok ni Yas na pinapalapit ang baby sa asawa.

"Huwag na dahil ayoko!"

"Bakit naman? Bakit ayaw mong kargahin si baby Pia?

Sinagot na ni Arthur ang asawa kung bakit.
"Alam mo ba kung bakit? Dahil gusto ko na ang unang baby na kakargahin ko ay ang aking anak. Kaya ayoko sa ibang baby! Hanggang hindi mapapanganak at makakarga ang anak ko, hindi ako kakarga ng iba."
Natahimik si Yasmin nang marinig niya ang paliwanag ng asawa at napahinto ang pamimilit niya. Tumayo si Arthur at lumabas ng kwarto. Iyon pala ang dahilan ni Arthur. Hinihintay nito ang pagsilang ng baby nila ni Yasmin at excited rin siya na makakarga ng baby pero pinangako niya sa sarili na ang unang baby na kakargahin niya ay ang anak nila.

Pumunta sa may balcony si Arthur. Napakalayo ng tingin nito na tila may iniisip. Malungkot ang kanyang mga mata at napapabuntong hininga. Naghihinayang siya sa anak nilang nawala pero wala na siyang magagawa. Kung buhay pa ito, siguro ay sabay na inaalagaan nila ni Yas si baby.
Sinundan siya ni Yasmin sa balcony. Pinabantayan niya muna si baby Pia sa yaya nito. Mukha kasing kailangan suyuin ni Yas ang asawa.
Niyakap ni Yasmin si Arthur mula sa likod at sinandal ang ulo sa likuran ni Arthur.

Medyo nagulat si Arthur sa di inaasahang pagyakap ni Yasmin.

"Galit ka ba Hon?" Tanong ni Yasmin mas sinusubsob ang mukha sa may likuran ng asawa.

"Ano ba ang ginagawa mo?"

"Nagtatampo ka yata.."

"Huh?" Nagtatakang reaction ni Arthur.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon