Chapter 35.3

1.3K 33 5
                                        

Nabigla si Arthur ng tamaan siya sa binato ng isang bata.

"Anak ng..." Mapapamura pa yata ito.
Napatigil ang dalawa sa paghahalikan. Nakita nila ang isang bata na nasa dalawang taon ang naglalaro roon at siyang nagtapon sa kaniya.
Tumakbo pa ang bata na masaya na paikot ikot sa buhangin at nilalaro ang mga paa nito. Wala yatang pakialam ang bata sa mga pinaggagawa nito.

"Kaninong bata ba iyan?" Napatanong si Arthur.

May lumapit na isang babae sa bata na mukhang ina yata nito. "Pasensya na kayo."
Hinawakan niya ang kamay ng bata at humarap sa kanilang dalawa. "Pasensya na talaga.. "

Sumagot naman si Yasmin, "Okay lang iyon.." nahihiyang pagsagot ni Yas. Panay paghingi ng pasensya ang babae dahil sa ginawa ng anak.

Pabulong na sinabihan ni Arthur kay Yas, "masakit ang pagkakabato ng bata.."
Napatingin si Yas na nakasalubong ang mga kilay sa asawa at sinabing, "Okay lang iyan. Para ka namang bata.."

"Haist.." reaction ni Arthur na talagang nabitin sa ginawa nila. Hindi sa masakit ang tama niya kundi sa naudlot na paghahalikan.

Hanggang may dumating at tinawag si Arthur.
"Arthur!"
Napatingin sina Arthur at Yasmin sa taong tumawag kay Arthur na lumapit sa babae. Laking gulat ni Yas ng makita niya ang lalaki.

"Honey.." wika ng babae sa lalaking tumayo sa tabi nito.

"Mr. Arthur, long time no see.." sabi ng lalaki.

"Ikaw pala, Mr. Leam.. "

Napatingin si Yasmin sa asawa ng malaman niya na magkakilala sila. Si Leam ang lalaking kamukha ni Xian. Pagkatapos ay tumingin siya kay Leam.
"Magkakilala kayo Hon?" Tanong ng babae sa asawa na si Leam.
"Yes. Magkakilala kami sa mga negosyo. Isa nga siya sa investors sa isa sa ating kompanya."

"Ah, ganoon ba!..pasensya na.."ulit humingi ng pasensya si Emily, asawa ni Leam.

"May ginawaba si  Nathan?" tanong ni Leam.

"Tinapon niya ang laruan nito at natamaan siya...at nadistorbo namin kayo.."

"Wala iyon.. Don't mind it." Sagot ni Arthur. "Itutuloy nalang namin mamaya."

Natawa sila Leam at si Emily habang nakangiti si Arthur. Mas hinigpitan ng hawak ni Arthur ang bewang ni Yas pero walang kibo ai Yas. Nakatiitg lamang siya kay Leam na nasa harapan nila.

"Oo nga pala, nabalitaan namin na ikinasal ka na. Congratulations sa inyo!" Bati ni Leam.
"Congratulations!"bati rin ni Emily.

"Sana magkababy kayo agad.." wika ni Leam.

"May nabuo na nga. I will be a daddy soon.."sagot nito.

"Really? Congratz!" masayang reaction ni Leam.

Tahimik lamang si Yasmin at hindi na kumikibo habang nag-uusap sila. They just stayed there for a night para makapagrelax.

He really looks like Xian. Nakasando lamang ang lalaki kaya kita ang maskuladong katawan nito at may tatoo ito sa may balikat. Kung hindi mo lang siya kilala, aakalain mong si Xian ito sa itsura niya. May kambal ba siya?

"Siya pala ang asawa ko na si Emily at anak kong si Nathan. He is turning 3 already."

Ngumiti si Arthur at ipinakilala rin si Yas sa kanila, "My wife, Yasmin.."

"Hello Yasmin, nice to meet you.." bati ni Emily at ibinuhat niya ang kanyang kamay para makipaghandshake kay Yas.

Mukhang sapilitan lang ang ngiti ni Yas at nakipaghandshake siya sa asawa ni Leam.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon