Updated
Chapter 52.1
"It's a girl!"
Nalaman na rin ng mag-asawang Yasmin at Arthur ang kasarian ng kanilang magiging baby. Parang kailan lang nang unang nalaman ni Yasmin na buntis siya sa di inaasahang pangyayari. They never expect dahil sa mga nangyaring mga bagay sa mag-asawa. But they believe, hulog ng langit ang little angel na ito.
"Hyacinth ang magiging pangalan niya hon!" Masayang sabi ni Yasmin sa asawa. "Tatawagin natin siyang Aya!"
Napahimas ng baba si Arthur na tila nag-iisip. "Hmm.."
"Ayaw mo ba?" Naka-pout lips na tanong ni Yasmin. "Cute naman.."
Ngumiti agad si Arthur at niyakap ang asawa. "Kailan ba kita hindi pinagbigyan. Ang lakas mo sa akin!"
"Really? So, payag ka na sa pangalang Hyacinth?" Paniniguro ni Yasmin.
Paamoy amoy naman sa may leeg ni Yasmin si Arthur habang nakayakap sa asawa. Napakalambing ni Arthur sa mga oras na iyon.
"Ikaw bahala. Kahit anong pangalan. Okay na ako!""Thank you hon. I love you!" Ani ni Yasmin.
"I love you more babe!" Sagot ni Arthur. "Dalawa na kayo ang baby ko! My Queen and my little princess!"
Hinawakan ni Arthur ang tummy ni Yasmin at napaluhod ito sa harapan ng asawa. Hinalikan din ni Arthur ang tiyan ni Yas."Be a good girl, my little princess. I am so excited sa paglabas mo.. hindi na ako makapaghintay."
Natutuwa naman si Yasmin sa asawa habang pinagmamasdan niya ito. Abot langit yata ang kasiyahan niya na mabubuo na rin sa wakas ang inaasam nilang pamilya. Sa dami nilang pinagdaanan, they were hoping na tuloy tuloy na ito.
Mas ma-ingat na si Yasmin at over protective naman si Arthur para sa mag-ina nito. Ayaw nilang maulit ang mga nangyari noon. Iniiwasan din nila na ipapastress si Yasmin kaya buhay reyna ito. Lahat ng gusto nito ay binibigay ni Arthur gaya sa pagkain na kahit anong maisip ni Yasmin ay binibili nila para sa kanya. Pinapayagan siyang magshopping, pumunta sa spa at parlor basta kasama ang isang bodyguard at personal assistant niya.Habang tumatagal at lumilipas ang buwan, lumalaki na rin ang tiyan ni Yasmin. Kaunting tiis nalang at babati na ang baby ng hello world!
"Hon, mataba na ba ako?" Tanong ni Yasmin na nakaharap sa salamin. Pinagmamasdan ang sarili habang sinusuot ang damit.
Si Arthur naman ay nakahiga sa kama na naka-boxer shorts lamang at walang saplor pang - itaas. Nagbabasa ito ng magazine habang nakahiga."Hon, tinatanong kita!"
"Hmm?"
Napatigil ito.Nakakunot -noong lumingon si Yas sa asawa na nasa kama.
"Tinatanong kita kanina kung mataba na ba ako! Ang pangit ko na, di ba?"Napatitig si Arthur mula ulo hanggang paa ng asawa at umangat ang tingin mula paa hanggang ulo.
"Malaki ang tiyan mo, pero sexy pa rin!""Binibiro mo naman ako!" Naiinis na tugon ni Yasmin.
"Ang sexy mo.. walang biro. You are f*cking hot babe!"
Tumayo si Arthur mula sa kama at pinuntahan ang asawa na nasa harap ng salamin. Niyakap niya ito mula sa likod.
"My wifey, ikaw ang pinakamaganda at pinaka-sexy na buntis na nakita ko. Ang mga mata ko ay nakatingin lang para sa iyo. Buong - buo na para lang ako sa iyo."Nilalambing ni Arthur si Yasmin. Ang sweet nilang dalawa na mukhang lalanggamin na.
"Sige na nga.. naniniwala ako sa iyo. Paki-taas nga ng zipper ko sa likod, di ko kasi maabot!" Utos ni Yasmin na pilit inaabot ang likuran.
Kitang - kita ni Arthur ang makinis na balat ni Yasmin sa likod. Tila wala itong balak na itaas ang zipper ng asawa at pinagmasdan lang niya ito.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...