Lahat ay mahimbing na natutulog pero maliban lang sa isa at iyon ay si Xian. Nasa kanyang kwarto si Xian at nakahiga sa kama na gawa sa kahoy. Nag - iisa lang siya sa kwarto.
Nakatingin siya sa kisame at ang lalim ng iniiisp. He placed his hands sa may noo nito habang nagiisip at inalala ang pag -uusap nila ng tita Zita niya
Flashback---
Sa labas ng bahay..
" Ano ang aaminin mo?" tanong ni Tita Zita.
" Ang totoo po.." nagdadalawang -isip siyang sabihin sa kanyang tita.
" Sabihin mo lang at makikinig ako," napakamalumanay ng boses ng kanyang tita na hindi ka talaga matatakot.
" Mahal ko po si Yasmin higit pa sa pagmamahal ko sa fiancee ko." napakaseryoso ni Xian ng sabihin niya ito. " Mahal namin ang isa't isa!"
Napangiti ang kanyang tita.
" Kahit hindi mo aminin.. Halatang may gusto ka sa kanya.."
Nabigla si Xian sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na ganito ang reaction ng tita niya. Mas lumapit ang kanyang tita sa kanya.
" So ano ang binabalak mo? Alam na ba ng girlfriend mo?" tanong ni Tita.
" Hindi pa po.. "
" Kailan mo sasabihin?"
Natahimik si Xian. Napayuko ito.
Hinawakan ni Tita ang mga balikat ng pamangkin niya
" Xian, kailangan maging honest na kayo. Kailangan ninyong sabihin sa kanya sa lalong madaling panahon. Huwag na ninyong hintayin na maging kumplikado na ang lahat. Kung mahal mo si Yasmin, ipaglaban mo siya. Ikaw ang nasa gitna, ikaw ang lalaki... Ikaw ang dapat gumawa ng paraan at ang first move ay nasa iyo. Ang mga babae ay naghihintay lamang. Hindi mapipilit ng babae ang isang lalaki kung hindi na sila gusto ng lalaki. Minsan, nadedesperada na sila but then at the end, the desisyon will be from the guy, they don't have choice,.unless may ibang reason.. Between two girls, nasa lalaki kung sino ang pipiliin niya. Ikaw, sino ang pipiliin mo? Sino ang gusto mong manatili sa tabi mo?" sermon ng tita Zita niya.
"si Yasmin po.."
Napangiti ang tita niya. " Kung ano ang desisyon mo ay susuportahan ka namin."
Nagpatuloy siya sa pagpapayo, " Kailangan mong magpakatatag. Kahit iwasan mo pa na may masasaktan sa kanila.. kahit ano man, meron talagang masasaktan.. Kung iniiisip mo ang pagkakaibigan nila, hindi maiiwasang may mangyaring hindi nila gusto but it will still depends on them to save their friendship. Kung talagang magkaibigan sila, maiintindihan nila angisa't isa."
----end of flashback---
Gumaan ang pakiramdam ni Xian ng sabihin niya ang tungkol sa kanila ni Yasmin. Wheew. Sabihin rin kaya ni Xian sa tito niya at iba pa?
" Handa na po ate.," sigaw ni Kikay na dala ang isang basket na may lamang mga pagkain at gamit.
Pupunta sila sa may talon para maligo at magbonding roon. Dala-dala rin nila ang kanilang bag na may damit at towel.
Kasama nila sina Tikoy, asawa ni Dorara, Mang Mario at Manang Gie,sila ang kapamilya nila Dorara. Isa itong family get together. Masaya lang sila na dumating at bumisita si Xian. Matagal tagal na rin na hindi kasi siya nakakabisita simula noong namatay ang kanyang ina. Ang lupang sinasaka nila Mang Mario ay pagmamay-ari nila Xian.
------
Tumakbo ang mga bata patungo sa talon. Naka t-shirt at shorts sila at excited na tumimpasaw at bumabad sa tubig.
Grrr.. Ang lamig!
Masayang naligo na ang mga bata sa may mababaw na tubig lamang. Sila lang ang naroon sa mga oras na iyon at solong solo nila ang lugar. May maliit na cottage na ginawa ng taga roon para sa mga naliligo. Free ang maliligo sa talon at ilog basta huwag lang magtatapon ng basura at panatilihin ang kaayusan nito.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
