Tuloy na talaga ang kasal nina Pete at Mia. Sinagot na ni Mia ang proposal ni Pete. Kahit ganoon nagproprose si Pete sa dalaga, masaya na ito. Para kay Pia, gagawin ni Mia na mabuo sila at gayundin ang binata. Hindi man sila magkasundo at may di pagkakaunawan, they will try their best na maging mabuting mga magulang sa anak nila. Alam ni Mia na patay na patay si Pete sa kaibigan niya, pero naniniwala siya na matutunan din siyang mamahalin nito.
Minadali ang pag-aasikaso sa kasal. Sa west muna ikakasal sila bago. Pero bago ikakasal si Mia, kailangan niya munang isettle ang mga bagay sa nakaraan niya at iyon ay ang tungkol kay Leo. Pinakiusapan niya si Arthur na tawagan at papuntahin sa Las Vegas si Leo. Gusto niyang kausapin ang binata at humingi ng tawad. Alam niyang nasaktan nya ito sa biglaang pagkawala. Alam niyang gusto siya ng binata pero pinili niyang protektahan ang kaibigan niya. Hindi maamin ni Leo ang kanyang nararamdaman noon dahil sa pagkalito na rin. He was not yet sure of his feelings dahil baka fling lang iyon.
Gusto rin ni Leo na kausapin si Mia. Hindi nga lang niya alam kung ano ang nangyari sa dalaga kaya sigurado, mabibigla ito. Leo arrived in Las Vegas. Nasa Hawaii siya sa mga oras na iyon nang biglang tumawag si Arthur sa kanya. Pinapunta niya talaga si Leo sa Las Vegas dahil sa pakiusap ni Mia.-------
"Okay lang kaya na mag-usap sila Mia at Leo? Di kaya baka magbago ang isip ni Mia at di na niya ituloy ang kasal niya." Pag-aalala ni Yasmin sa kaibigan.Nakaupo ang mag-asawang Yas at Art sa isang bench sa kay park. Nakaakbay si Arthur sa asawa habang ang nakasandal si Yas sa may balikat ni Arthur. Minamasdan nila ang mga batsng naglalaro at nagtatakbuhan habang nag-uusap tungkol kay Mia at Leo.
"Wala naman sigurong masama kung mag-usap sila. Kailangan din nilang mag-usap para sa ma-settle na ang lahat at maka-move on."
"Tama ka. May gusto pa kaya si Leo kay Mia. Ano kaya ang magiging reaction?"
"Hmmm.. sigurado magugulat pero dahil hindi showy si Leo, itatago nalang niya ang tunay na reaction niya."
Napabuntong - hininga nalang si Yasmin. "Kahit ano man ang pipiliin ni Mia, kung saan siya masaya.. susuportahan ko siya."
Ang mga bata sa playground ay nagtatawanan habang naghahabulan.
"Nagbago na ba talaga ang kaibigan mo?" Tanong ni Yasmin.
Sinagot naman agad ni Arthur. "Dapat lang! Dapat tigilan ka na niya at magfocus nalang siya kay Mia!"
Samantala, nagkita na rin sina Leo at Mia. Nagkita sila sa isang bridge. Magkalayo sila na nakatayo roon na may 3 meters na pagitan. Malayo ang mga tingin ng dalawa.
"Congratulations!" Seryosong bati ni Leo kay Mia na nakatingin sa malayo.
"Thank you!" Sagot ng dalaga na nakatingin rin sa malayo."Bakit mo pala ako gustong makita? Ang sabi ni Sir Arthur, nakiusap ka raw sa kanya na papuntahin ako rito.."
Napayuko si Mia at nagsalita ito,"Tama ka. Nakiusap ako kay sir Arthur..."
"Ano naman ang dahilan mo? Di ba ikakasal ka na?" Sarkastikong sabi ni Leo.
Napatingin na si Mia sa binata.
"Gusto ko lang kausapin ka bago ako ikasal. Gusto kong mapanatag ang loob ko at mawala ang pag-aalala sa iyo.. alam kong nasaktan kita." Ani ni Mia na naiiyak na." Oo, nasaktan ako sa biglaan mong pag-alis. Hindi ko alam kung bakit ginawa mo iyon. Nasaktan ako dahil na-realize ko na gusto kita. Ang tanga ko at di ko man lang nasabi sa iyo noong nariyan ka pa sa tabi ko.."
"Leo.." Nalulungkot na tiningnan ni Mia si Leo na nakatingin pa rin sa malayo. "Sorry.."
"Pero Mia, wala kang dapat alalahanin. I will be fine.."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...