Chapter 44.1

977 23 2
                                        


Malungkot ang mukha ni Yasmin na napakalayo ng tingin sa labas ng bintana. Tahimik lang siyang nakaupo sa kama nito.
Hindi na rin pumapasok sa opisina si Arthur para lang mabantayan at maalagaan ang asawa. Bukas pwede na silang makauwi sa bahay. Nalulungkot man si Arthur pero kailangan niyang maging matatag para kay Yas. Hindi niya dapat ipakita na mahina ang kanyang loob dahil alam niyang sa kanya lang humuhugot ng lakas ang asawa.

Dumating si Arthur na may dalang bouquet. Always itong dinadalhan ng bulaklak ang asawa.
"Flowers for you hon!" masayang ani ni Arthur. Sinusuyo ang asawa.

"Itapon mo iyan!" utos niya.
"Ayaw mo ba?"
"Ayoko!"
Ilang bouquet na ba ang pinatapon niya? Lahat yatang ibinigay ni Arthur.

"Anong gusto mo? Bibilhin ko!"
Hindi na sumagot si Yasmin. Ang bouquet ay itinapon nalang ni Arthur sa basurahan.
"Hon, sabi ng doctor pwede ka na raw umuwi bukas. Makakauwi ka na!" Masayang balita ni Arthur.
Umupo si Arthur sa upuang malapit sa kama.
Napaluha bigla si Yasmin pero agad niya itong pinahiran ng kanyang palad. Iwas tingin ito sa asawa.
"Arthur.. "

"Ano iyon hon?  may gusto ka ba? Sabihin mo at bibilhin ko." tanong ni Arthur.
Humarap si Yasmin kay Arthur at seryosong sinabi, "Itigil na natin ito.."

"Huh?" gulat na reaction ni Arthur. "Anong ibig mong sabihin?"
She's touching her ring on her finger na tila may gustong ipahiwatig si Yasmin. Napansin iyon ni Arthur kaya agad itong nagsalita, "Yasmin, magiging okay ang lahat." Pinipigilan ni Arthur na maluha pero nasasaktan na ito sa simpleng mga salita ni Yas.

"Ayoko na.. ayoko na Arthur.." napatakip ng bibig si Yasmin habang umiiyak at nagsasalita.
"Hon, pagod ka lang. Siguro kailangan mo lang magpahinga."
"Tila bumabalik ang lahat. Nawala si baby tapos.. ano na ang mangyayari?"

"Pwede naman tayong magsimula ulit.. everything will be fine."
"Mauulit at mauulit lang ang lahat. Masasaktan at masasaktan lang tayo. At ayoko na.. pagod na ako!"

"Nandito naman ako..."
Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin.
"Iiwan mo rin ako.." naluluhang wika ni Yasmin.
"Hindi kita iiwan."

"Sumama ka nalang sa ibang babae! Sumama ka kay Marga! Lumayo ka na sa akin!"

"Yasmin naman!"
Gustong yakapin ni Arthur si Yasmin pero tinutulak siya nito.
"Umalis ka na!"

"Yasmin..."
Sa tingin ni Yasmin ay mas mabuti pang maghiwalay sila ni Arthur. Di maglaon iiwan lang rin naman siya ni Arthur dahil wala na ang anak nila. Naiisip ni Yas na iiwan lang siya ni Arthur at sasama sa iba. Mas mabuti pang mauna na niyang paalisin sa buhay niya kesa iiwan siya bigla katulad ng dati. Mas masasaktan siya nito.

"Leave me habang kaya ko pa. Iwan mo na ako hanggat may lakas pa ako. Magiging masaya ka sa iba!" ani ni Yasmin na pilit pinapaalis si Arthur.

"Hindi kita maintindihan Yasmin...  Bakit ako aalis? Hindi ako magiging masaya sa iba, sa iyo lang ako magiging masaya," pagpapaliwanag ni Arthur. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito.

"Just leave!" naiiyak na sabi nito. "Leave me!"
"I can't! You are my wife!"
Hinugot ni Yasmin ang singsing nito at itinapon sa may pinto. "I said leave!"
Nabigla si Arthur.

Bumalik sa paghiga si Yasmin.
Nasasaktan si Arthur sa mga nangyayari. Alam niyang nasasabi lang ito ni Yasmin dahil nasasaktan siya.
Sa isip nito, " I will not leave you.."

Pinulot ni Arthur ang singsing at itinago. "Magiging okay ang lahat."

Yasmin's pov
Ngayong araw na ito makakauwi na ako. Teka, saan ako pupunta kung maghihiwalay kami ni Arthur? Sigh!
Nakahiga ako sa kama at nakapikit pa ang mga mata. Ayoko na yatang dumilat dahil alam ko na sa pagdilat ko, wala na si Arthur. Iniwan na niya ako. Masakit rin ang mata ko sa kaiiyak. Sigh! Buhay nga naman. I need to live without my baby.. without him.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon