Pumunta ng hospital na magkasama sina Yasmin at Arthur. Ito ang unang beses namagpapa-ultrasound si Yasmin para sa magdadalawang buwan nitong pagbubuntis. Kahit hindi pa matukoy ang gender, excited pa rin sila na makita ang nabuong bata."Congratulations!" bati ng doctor nang ibinigay ang mga larawan ng nasa tiyan ni Yasmin. Nakahiga ang dalaga habang full support ang binata.
Hawak nila pareho ang larawan at nakita ang maliit na mukhang butil na siyang baby nila.
"Ang cute.. ang liit.."nakangiting sabi ni Yasmin na nakasandal sa balikat ng fiance.
"Oo nga, di ko nga siya gaanong makita," pabirong sabi ni Arthur.
"Ano ka ba, maliit pa kasi siya."
Nagsalita ang doctor," Magdadalawang buwan na ang pagbubuntis mo. Sasaunod nito, malalaman na ninyo kung babae ba o lalaki. Sa ngayon, ang liit pa nito."
Kaya pala hindi pa gaanong halata ang tiyan ni Yas. Sa katunayan, napakasexy pa rin ni Yasmin ngayon kahit buntis ito.
Napatingin si Yasmin kay Arthur, "Nasabi mo na ba ang tungkol rito sa lolo mo?"
"Babe, ako ng bahala. Don't worry!"" Pangiti ngiti nitong sabi.
"Okay!"
At nagpatuloy sa pagtitig ni Yasmin sa larawan. Tig-iisa sila ng larawan na hinawakan.
--------
Pagkatapos nilang pumunta sa hospital ay nakipagkita sila sa isang wedding coordinator. Nagkita sila sa isang restaurant.
Nauna ng dumating ang baklang na siyang wedding coordinator nila. Nakaupo siya at umiinom nh kape habang naghihintay. Hindi nagtagal ay dumating na ang dalawa. Nakita agad ng bakla na dumating si Sir Arthur at ang fiancee nito. Tumayo siya at kumaway sa kanila. Agad namang napansin ni Arthur at pinuntahan nila. Magkahawak nang kamay nag dalawa ng naglakad patungo kay Mr. Wresthly, the wedding coordinator."Hello, Sir Arthur.."bati nito at nagshakehands silang dalawa.
"Hi Mr. Wresthy, nice to see you again."
"Me too."
Pangiti ngiti lang si Yasmin na nasa gilid ni Arthur.
Ipinakilala naman ni Arthur si Yas.
"By the way, my fiancee Yasmin."
"Hello, my dear! You are so pretty and sexy. I love your body!"
Napangiti lang si Yasmin.
Nagsalita rin si Arthur, " Siya ang wedding coordinator ng friend ko na ikinasal."
"Ahhhh..."
"Let's start.!" Yaya niya.
Naupo ang tatlo at pinag-usapan ang magiging kasal. Inilapag niya sa mesa ang kanyang portfolio. Naroon ang iba't ibang style ng wedding at iba pa.
"So what's your plan? Do you have your motif? What color?"
"Uhmmm..."
Nakasandal lang sa upuan si Arthur at relax lang ang aura nito. Si Yasmin ay nagsimulang bumukas sa mga portfolio. Medyo naguguluhan ito kung ano ang gusto.
"Do you red, pink, blue.."
"Uhmmm.."
Napatanong si Arthur, " Ano ang gusto mo?"
Hindi rin natiis ni Yas na hindi tanungin ang kapareha, "Ikaw, ano kaya ang maganda?""Lahat naman maganda..Basta ano ang gusto mo, ibibigay ko!"
Narinig ni Mr. Wresthly ang sinabi ni Arthur at kinilig ito. "Aie, so sweet.."
"Okay.." sagot ni Yasmin.
"So, the wedding preparation might take a year.. so that it will be bongga!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...