Chapter 11.2

1K 21 1
                                    


They were waiting for Xian. Napansin nilang lahat na may tinitingnan sa may likuran. Kaya napalingon sila kung saan tumitingin si Xian.

He started to walk patungo sa gusto niyang pagbigyan. Habang naglalakad, ang mga taong madadaanan niya ay nagpa gilid para makadaan si Xian. Dahan - dahan siyang naglalakad at ang mga tao ay pinadaan siya.

Napatingin sila at sinusundan kung saan pupunta si Xian.

Napakaganda ng musika at mukhang slow motion ang lahat.
At last.. kaharap na ni Xian..

Nanlaki ang mga mata ni Helen at hindi makapaniwala, " What!?"

Nagulat sila.

Napangiti si Harrold.
May masayang makita kung sino talaga ang crush niya noon. Nakangiti sila. Ang iba ay hindi makapaniwala.

Xian handed the rose to her and said, " Tanggapin mo Yasmin nag rose na ito."

Namumula ang mukha ni Yasmin na kaharap si Xian. Naalala ni Yasmin ang sinabi ni Xian na gusto siya niya noon but didn't expect na talagang totoo ito at wala ng iba. Nahihiya si Yasmin at ang lakas ng kabog ng dibdib nito na mukhang sasabog na. Kinikilig siya hanggang buto. Hindi niya alam ano ang ireaction.

Sa isip niya, " Hindi ko iniexpect ito. Ako? Bakit? Ang pangit ko!! Anong nagustuhan niya noon.. Ang isang hearthrob ay may crush sa akin.. Is this for real? Noon.. Talaga? Crush niya ako noong elementary. I really thought gusto niya ako dahil sa kasalukuyan.. Kung ano kami ngayon at hindi noon kung saan gusto kong kalimutan."

Napakaconfident ni Xian na sabihin sa lahat.

Pabirong nagsalita si Xian, " Ayaw mo bang tanggapin ang rose na ito?"
" huh?" nabigla si Yasmin.

" edi ibibigay ko na lang sa iba."

Agad namang hinablot ni Yasmin ang rose na ansa kamay ni Xian, " teka teka, tatanggapin ko." Nahihiyang reaction ni Yasmin.

Napangiti si Xian at natuwa.

" Sayang naman kung hindi ko tatanggapin," pabulong na sabi ni Yasmin.

Napansin ni Xian  na hawak pa ni Yasmin ang barpin niya.
" eh ikaw, hindi mo ba ibibigay ang sa iyo? " tanong ni Xian. " Sino ba ang crush mo?"

Ang mga tao ay nakatingin pa rin sa kanila.

Tiningnan ni Yasmin ang suit ni Xian at ito ay punong puno na ng barpins.
" uhmm.." Mas hinigpitan niya ang hawak sa kanyang barpin.

Emcee: " Sino ba ang pagbibigyan mo Yasmin ng barpin mo?"

Xian asked, " Kanino mo ibibigay iyan?"

Sumagot si Yasmin, " Ang totoo.. " namumula at nahihiya na siya.
" Ibibigay ko sana sa iyo Xian.. Dahil noon crush na kita... "

Napangiti si Xian at masaya siya.

" pero--" hindi matuloy-tuloy ni Yasmin ang sasabihin. Hmmm.. Saan ba naman niya ipipin ang barpin niya na puno na ang suit nito.

" Bakit may problema ba?"  tanong ni Xian.
" Kasi.. "

Agad tinanggal ni Xian ang barpin na nasa may puso nya, ang barpin ni Helen.
" I - pin mo rito sa puso ko!" sabi niya.

Nabigla si Yasmin.
Nagulat si Helen na tinanggal ni Xian ang sa kanya para mailagay ni Yasmin ang sa kanya at sa may puso pa ito. Ito ang nagpainis sa kanya.

" huh?"

Kinilig ang mga nanonood. Aiyee..
They like each other before but they dont know it.
So, Yasmin pin it sa may puso niya.
Bumulong si Xian sa tenga ni Yasmin habang nasa malapit siya, " You own my heart.."

Napangiti si Yasmin.

Emcee: " okay! Let's PARTY PARTY!!"

Nagkaroon ng disco music at sayawan ang lahat.
Disco disco disco!! Sayaw rito, sayaw roon! talon talon.. At hindi na iniisip na naka gown sila. Nagdidisco sila at ineenjoy ang gabi!

-------
At the ladies room
Nagdadabog si Helen sa may salamin.
"Nakakainis!" inis na inis siya. Nanggigigil siya talaga. Kinuha niya ang sirang cellphone at iniunlockniya ito. Ang mukha ni Xian sa screensaver ang bumungad sa kanya. Basag na ang screen nito.
" Naiininis ako dahil siya ang pinili mo! Bakit siya pa!? Pero hindi ako magpapatalo kahit ikakasal ka na!" napakaseryoso niya.

Mukhang may binabalak si Helen.

------
Habang nagdidisco ang iba, bumalik si Xian sa kanyang upuan at naalala niya ang kanyang cellphone. Napaisip siya kung saan huli niyang ginamit ito. As far as he remembered, nasa mesa lang ito. Unfortunately wala ang cellphone niya roon.

" Teka, saan ko ba yun huling ginamit?" tanong ni Xian sa sarili.
Hinanap ni Xian sa ilalim ng mesa but wala ang cellphone niya roon. Paglingon niya at palabas sa ilalim ng mesa, nakatayo naman si Helen roon. Napatingin si Xian kay Helen at gayundin siya.
Napakaseryoso ng mukha ni Helen.
Na curious tuloy si Xian.

Tumayo si Xian at hinarap si Helen.

" May hinahanap ka ba?" tanong ni Helen.
" Hinahanap ko ang cellphone ko. Nakita mo ba?" sagot niya.

" Hindi! Pero may sasabihin at tatanungin ako sa iyo!" wika ni Helen.
" Ano naman?"

" Pwede ka bang sumama sa akin? Sa labas ko na sasabihin.." aniya ni Helen.
Nacurious si Xian. Ano kaya?

Sumama naman si Xian sa kanya.

----
At the hallway na medyo malayo layo sa hall

" Anong kailangan mo? Anong sasabihin mo sa akin?" tanong ni Xian na napakaseryoso.

Lumapit si Helen and she touches the face of Xian na napakaseductive.
" I know your secrets with Yasmin. Hindi mo maikakaila sa akin na may relasyon kayo kahit na ikakasal ka na! Tama ba?"

Nakakunot ang noo ni Xian.

Helen touches with her fingers ang labi ni Xian. Nakatingin siya sa mga labi ni Xian at inaakit ito.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Xian. " Diretshahin mo na ako.."

" Alam ba ng fiancee mo na may namamagitan sa inyo? Sabi pa naman ni Yasmin, bestfriend niya ang fiancee mo. Ano kaya mangyayari kung malaman niya? Hindi ba pagtataksil iyon!"

"Paano mo masasabi na may relasyon kami ni Yasmin? Sa mga laro ba? Sa mga nangyari kanina? Hindi ba it's just for fun?" paliwanag ni Xian.

" yes, its just for fun ang mga laro kanina kung baga throwback. But alam ba niya na crush mo si Yasmin noong bata pa kayo? Sinabi mo? Eh, sino pa ang mga crush mo!?"  napakalandi ng aura ni Helen na humahawak sa may balikat ni Xian. Nakaharap sila sa isa't isa.

" Anong pakialam mo Helen sa buhay ko! It's my personal life." galit ang boses ni Xian. Nagpipigil ng galit si Xian. Hindi niya gusto ang ginagawa niya.

" nakita ko kayo ni Yasmin na naghahalikan sa balcony!  At may ebidensya ako!!" sabi ni Helen. Sabay niyang pinakita ang image sa cellphone niya.

Nabigla si Xian. Natahimik siya.

" Hindi mo naman gustong isend ko ito sa fiancee mo , hindi ba?" hamon ni Helen.

" Alam ko kung ano ang patutunguhan ng usapang ito. You will blackmail me about that, right?" seryosong sabi ni Xian na medyo hinahamon si Helen.

" Xian...ang gusto ko lang ay...." napakasweet ng boses ni Helen habang kausap siya. Inaakit niya ang binata.

Seryosong nakatingin si Xian kay Helen na napakalapit ang mukha sa kanya.

-----to be continued---
Ano ang gusto ni Helen?
Omg! She will blackmail him!
Sasang - ayun ba si Xian kay Helen? At magpapacontrol sa kanya? 😠
Drop your reactions. Tnx

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon