Nagsasalitang mag-isa si madam Grace sa kanyang kwarto. Nakadungaw siya sa bintana na tanaw ang magandang tanawin sa labas. Tahimik talaga ang lugar hindi tulad sa siyudad noon. Mas maraming nakikitang mga puno at halaman kaysa sa nga gusali.
"Magbabago rin ang lugar na ito. Kung hindi lang pumalpak ang mga plano ay matagal na sanang napatayo at napagawa ang dapat na gawin sa lugar na ito. Kung hindi maibibigay ang lupang ito, dapat buo ang mana ko. Isa lang naman ang pwedeng magmana sa mga ari-arian kundi ang nag-iisang apo na si Arthur. Kung hindi si Arthur, maaaring ang anak nito. Kung wala silang lahat, mapupunta ito lahat sa akin. Huwag lang umepal ang babaeng iyon!"
May kumatok sa pinto.
"Pasok!" sambit ni madam Grace.
Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok ito. "Madam Grace, gising ba po si Sir Arthur."
Napataas ng kilay si Madam Grace. "Ganoon ba.."
"Madam, gusto niya pong makita ang asawa niya. Nagpupumilit na po siyang lumabas."
"Sige, pero pupuntahan ko muna siya.."
"Opo!
Lumabas na ang lalaki at binalikan si Arthur sa kabilang kwarto.
Naiinis naman si Grace sa gagawin ni Arthur. Naiinis siyang makita at malaman na baliw na baliw ito kay Yasmin.
"Anong pinakain ng babaeng iyon kay Arthur!?"
Agad kinuha ni Madam Grace ang cellphone sa bulsa niya at may tinawagan ito.
"Hello?" Bati ni Madam Grace.
Sa kabilang linya ay may sumagot na isang lalaki.
"Hello.."
"Leam.." sambit ni Madam Grace.
Nasa opisina si Leam at nakatayo ito malapit sa mesa habang may kinakausap sa cellphone.
"Sino ito?" Tanong ni Leam na napapasalubong ang mga kilay.
"Kung gusto mong mapasayo ang babaeng gusto mo, huwag mo siyang pakawalan..."
"Teka, sino ba ito? Anong ibig mong sabihin?" Galit na usisa ni Leam.
"Buhay ang lalaking karibal mo sa pag-ibig..." Dagdag ni Madam Grace sa kabilang linya.
Namilog ang mga mata ni Leam at agad pumasok sa isip niya ang ibig sabihin ng babae. Hindi siya makapaniwala.
"Si Arthur ba kamo?"
"Darating siya mamaya kaya kailangan huwag mong pakawalan na ang babaeng gusto mo, Xian!"
Mas lalong nagulat si Leam ng banggitin ng babae ang totoo niyang pangalan. "Paanong..."
Biglang naputol na ang linya at mas lalong naging curious si Leam sa babae. "Teka, sino ka ba!?"pasigaw na tanong nito sa cellphone. "Sino ka ba!?"
Samantala ay nag-aayos si Yasmin sa mga gamit nito. Nakita niya ang frame na may larawan ni Arthur at habang pinagmamasdan ay napangiti ito. Hinawakan niya ang frame at pinunasan ang maalikabok na salamin.
"Arthur..mahal ko.."
Lumabas ng opisina si Leam at mukhang nagmamadali. Pinuntahan niya agad si Yasmin sa mesa nito.
"Yasmin!" Tawag ni Leam.
Napalingon si Yasmin sa boss na parating. Pagkarating nito ay agad hinablot ang kamay ni Yas na hawak pa ang frame kaya sa pagkabigla ay nahulog ito sa sahig.
"Sumama ka sa akin!" Utos nito habang hawak ang kamay ni Yas.
"Huh?Teka lang.." ani ni Yasmin na nagulat at medyo nagpumiglas. Pero pinilit siya ni Leam na sumama. Hinila ni Leam si Yas at walang magawa ito..
Napalingon ang ibang kasamahan at pinanood silang paalis.
"Anong nangyari?"
"Hindi ko alam.."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
