Chapter 53.7

527 28 15
                                    


Hindi na mapakali si Yasmin dahil sa kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at nanlalamig na ang kanyang mga kamay.

"Aya!" Paulit ulit nilang tawag.

"Nathan!"

Sa isip ni Yasmin, " Hindi ko kayang pati si Aya ay mawala sa akin. Hindi ko iyon kakayanin!"
Naiiyak na ito sa kakaisip sa mga posibleng mangyari.
Lumapit si Leam kay Yasmin at hinawakan ang balikat nito. Napalingon si Yas sa boss niya.

"Huwag kang mag-alala, mahahanap natin sila," ani ni Leam na pinapalakas ang loob ni Yas. Napatango nalang si Yas at naniniwala itong okay ang dalawang bata.

Hanggang, may biglang sumigaw sa may bintana ng kabilang bahagi ng gusali na tanaw ang mga bata.
"Ang mga bata! Narito na sila!"

Nanlaki ang mga mata ni Yas nang marinig niya ang tungkol sa mga bata. Agad niyang pinuntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang sigaw ng nakakita at kung saan tinuturo nito. Sumunod naman si Leam at ang iba pa.
Karga karga sa likuran ng batang lalaki si Aya habang naglalakad.

"Salamat.." bulong ni Aya sa may tenga ng bata.

Napangiti ang batang lalaki sabay tanong, "Okay na ba ang mga paa mo? Masakit pa ba?"

"Okay na... Pagagalingin ito ni mommy.." sagot ni Aya.

"Aya!" Sigaw ni Yasmin nang makita ang anak.
Tumakbo si Yas patungo sa anak na bakas ang kasiyahan. Dahan -  dahan namang ibinaba ni Nathan si Aya. May panyong nakabalot sa may paa ni Aya.

"Mommy!" Naiiyak na sambit ng bata.
Nakita na rin ni Leam si Nathan at pinagmasdan ito mula sa kinatatayuan nito. Pagkarating ni Yas kay Aya ay agad siyang napaluhod sa harap ng bata at niyakap niya ang anak. Napatingin naman si Nathan sa mag - ina gayundin ang iba.

Niyakap ng mahigpit ni Yas ang anak habang ang mga luha nito ay patuloy sa pagdaloy sa kanyang pisngi.
"Anak ko!"

"Mommy!"
Naiiyak na rin si Aya habang niyayakap ang ina.
Napasulyap si Nathan sa ama nito na may malungkot na mga mata. Pagkatapos ay napayuko siyanat naglakad patungo sa ama.

"Anong nangyari anak? Saan ka ba pumunta? Pinag-alala mo ako. Di ba sabi ko hindi ka lalayo at aalis na walang paalam." Sermon ni Yas.

"Sorry po. Sorry mommy kung pinag-alala ko kayo. Hindi na po mauulit."

Napatingin sa may paa ni Aya at napansin ang paang may panyo.
"Anong nangyari rito? Bakit may sugat ka?" Pag-aalalang tanong ni Yasmin.

"May bad guys kanina mommy at gusto akong kunin. Tinulungan ako ng bata para hindi nila ako makuha. Sa pagtatago namin sa may halamanan, nasugatan po ako." Paliwanag ni Aya.

"Ganoon ba.."

Niyakap ulit ni Yas si Aya at sumulyap kay Leam na kasama ang anak na nakatayo.

"Huwag ka ng matakot anak, nandito na si mommy."

Samantala, di maiwasang di makaramdam ang taong grasa ng pananakit ng katawan dahil sa natamo sa kanya. May mga pasa rin ang kanyang mukha. Habang naglalakad na papilay pilay ay nakahawak naman ang kanyang isang kamay sa kanyang tiyan. Nang makakita ng isang upuan sa gilid ng kalsada ay napaupo siya.

Napabuntong hininga ang binata habang iniinda ang sakit sa katawan. Napadaan naman si Sissy habang nagbike at napansin niya ang taong grasa na minsan na nyang nakita.

"Teka.."

Napahinto si Sissy at bumaba sa sinasakyang bicycle. Hindi ito nagdalawang isip na lapitan ang taong grasa. Pansin niyang nanghihina ang lalaki at may iniindang sakit. Napansin din niya ang pasa sa mukha nito.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ni Sissy.

Napatingin ang taong - grasa kay Sissy.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong niya ulit.

Hindi pa rin sumagot ang taong grasa hanggang biglang tumunog ang sikmura ng lalaki na parang isang lion. Nagulat si Sissy sa narinig at ang taong grasa naman ay medyo nanlaki ang mga mata dahil sa kahihiyan.

Palihim na natawa si Sissy. Medyo umiwas ang tingin ng taong grasa sa kanya. Biglang nakaramdam ng hiya ang lalaki sa nangyari. Sa isip niya, Bakit sa harap pa ng babae kumalam ang kanyang sikmura?

"Ginugutom na yata kayo. Gusto niyo ba ng lomi o di kaya mami? May malapit po na kainan rito. Masarap doon!" Aya ni Sissy sa binata.

Pero nagmatigas ang taong grasa na kahit gutom na ay binalewala si Sissy. Iwas tingin pa rin ito.

"Ayaw mo ba?" Tanong ni Sissy ulit.

Kumalam ulit ang tiyan ng taong grasa pero hindi pa rin niya pinansin si Sissy. Patuloy ang pagmamatigas nito. Ayaw nya ng awa at pagmamaliit sa kanya dahil sa nangyari sa kanya. Hindi niya ginusto ang mga nangyayari kaya kailangan nyang magtiis.

Umalis si Sissy sa kinaroroonan ng taong grasa. Nang mapansin niya na wala na ang dalaga ay napabuntong hininga nalang ito. Mas kumalam pa ang kanyang sikmura.

"Bakit ba nangyayari ito sa akin?" Tanong nito sa sarili.

Ilang minuto lang ay bumalik si Sissy na may dalang dalawang bowl. Umupo agad siya sa tabi ng taong grasa. Nagulat naman ang binata pero nagmamatigas pa rin. Hindi maintindihan ni Sissy kung bakit ayaw ng taong grasa ang alok niya. Sa pagkakaalam niya ay kailangan nila ng pagkain at hindi sila nahihiyang humingi para makakain. Umupo siya sa tabi ng binata.
Binuksan ni Sissy ang isang bowl habang ang isa ay inilagay niya sa tabi niya. Pagkabukas niya sa bowl na may lamang mami ay kumalat ang amoy nito sa paligid na talagang matatakam ka. Napatulo laway ang taong grasa nang sinimulan ni Sissy ang pagsubo. Hindi na nakatiis ang binata at napapalunok siya ng laway. Napansin naman ito ni Sissy kaya inalok niya ang isang bowl sa kanya.

"Heto.. kunin mo na.." sabi ni Sissy.

Napalunok ng laway ang taong grasa at napapatitig sa bowl.

"Huwag ka ng mahiya! Heto.."

Hindi na nakatiis ang taog grasa at kinuha agad ang natirang bowl. Binuksan niya ito at nakita kung ano ang laman. Sinunggaban niya agad ang dalang pagkain.

Di na rin nakatiis si Sissy at napatanong ito.

Napatanong si Sissy, " Anong pangalan mo?"

Sumagot naman siya. " Handsome."

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon