Chapter 57.1

430 22 7
                                    

Hindi makapaniwala si Yasmin sa mga nalaman mula kay Handsome. Nakaluhod pa rin ito at panay paghingi ng tawad sa kanya. Hindi na napigilan ni Handsome na hindi sabihin kay Madam Yasmin ang lahat ng alam niya. Mas pinalakas pa ni Yas ang sarili sa mga maririnig niya. Pinigilan niyang umiyak at nagpakatatag sa harap ni Handsome.

"Ano pang dapat mong sabihin? Ano pa ba ang hindi namin alam? Sabihin mo na Handsome ang lahat ng alam mo." Seryosong hamon ni Yas na pilit nagpapakatatag.

"Patawad madam Yasmin. Patawarin ninyo ako!" Paulit ulit na sabi ni Handsome na nakayuko na ang ulo sabay umiiyak.

"Ano pa ba ang hindi ko alam?"

"Simula pa lang po na dumating ako sa kompanya ay may binabalak na si Madam Grace. Siya ang nagsabi na pumasok ako bilang sekretarya ni Sir Arthur."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinapasok niya ako para manmanan ang mga kilos ni sir. Gusto niyang makuha ang mga ari-arian. Gusto niyang mapasakamay lahat."

Habang pinapakinggan ni Yas ang mga sinasabi ni Handsome ay nanlamig nalang siya dahil sa galit na unti-unti niyang nararamdaman. Dahan dahan niyang napapakumpol ang kamay niya. Napakasakim talaga ng tita Grace ni Arthur at gagawin ang lahat kahit makasakit ng iba.

Tinaasan ng kilay ni Yas si Handsome habang nagpipigil pa rin ito pero sa kaloob-looban niya ay gusto na nyang sumabog sa galit.

"So kasabwat ka ng bruhang iyon? Binalak ninyo lahat ng ito sa simula pa lang? Gusto ninyong patayin ang asawa ko dahil sa kayamanan!?"

Inangat ni Handsome ang mukha nito at nagmakaawang makinig sa paliwanag nito.

"Madam, maniwala kayo.. wala akong balak na patayin si sir. Ang akala ko lang po talaga na magiging mata lamang ako ni madam Grace. Pero sa kalaunan ay binalak na niyang ipapatay si Sir Arthur. Hindi ko po magagawa iyon madam Yasmin, utang ko ang buhay ng aking pamangkin sa inyo. Hindi ko po iyon nakakalimutan!" Paliwanag ni Handsome.

" Bakit nangyari ito? Nasaan si Arthur? Bakit sinabing patay na siya pero ang totoo ay buhay pa siya!?"

"Madam, buhay pa talaga si sir!"

"Ano ba talaga nangyari? Alam mo ang mangyayari?" Usisa ni Yas.

"Alam ko po. Kaya hindi ko po siya pinasakay sa kotseng inihanda para sa kanya. Iyong araw na iyon, binalak na nilang ipaligpit na si sir Arthur. Hindi ko kayang makita at malaman ang mga iyon. Ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para mailigtas si sir kahit buhay ko man ang kapalit."

Naiyak nalang si Yasmin habang patuloy sa pagkwento ni Handsome.

"Sumakay kami sa ibang sasakyan. Ilang minuto lang ay may nangyari na sa kotse na sinasabing nandoon nakasakay si Arthur. Di pa kami nakakalayo ay nalaman na nila agad. Hinabol nila ang aming sasakyan. Sa kasamaang palad ay naaksidente rin kami. Masama ang natamo ni sir. May natamo rin akong mga sugat. Iniwasan kong mapahamak siya pero kahit anong layo namin ay pilit kaming hinahabol ng kamalasan. Naospital kami. Binawian ng buhay ang driver namin at si sir naman ay in coma.."

"Ano?"
Napatakip ng bibig at namilog ang mga mata ni Yas nang marinig ang mga sinabi ni Handsome sa nangyari sa asawa.

"Tinago ko si sir Arthur. Pero madali pa rin kami natagpuan. Kinuha nila ng sapilitan si sir. He was in coma that time. Wala akong magawa sa mga oras na iyon. Gusto nila akong patayin. Tumakas ako at nagtago."

"Handsome.."

"Pinaghahanap nila ako.  Limang taon din akong nagtago at umiwas. Naging taong grasa ako para di nila ako makilala. Nagpalaboy laboy kahit saan para palihim na makita kayo at mahanap."

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon