Chapter 52.3
Namilog ang mga mata ni Handsome nang makita na si madam ay nakaupo sa ibabaw ng nakahigang boss niya at patuloy sa paggalaw na parang nakasakay sa isang kabayo.
"Naku po!" Sambit niya dahil sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang live na pag-iisa ng katawan ng mag -asawa.
Kaya naman, dahan - dahang napaatras si Handsome na di nadidistorbo ang dalawa."Ughh-- ughh--"
Nangingilabot at pinapawisan si Handsome habang naririnig niya ang ungol na hindi naman niya narinig kanina pagpasok.
Patuloy sa paggiling at paggalaw ang ginagawa ni Yas sa ibabaw ng asawa sabay pag -ungol. Ang isang kamay nito ay nakaalalay sa tiyan niya."Ughh-- oh my! Uhh-- honey!"
Umatras pa si Handsome hanggang makaabot sa pinto. Nang makarating doon ay agad lumabas siya sa silid. Hindi rin niya kinalimutan na ilock ang pinto mula sa loob.
Pagkalabas niya ay may isang employee na naghahanap kay Arthur."Sir Handsome, nasa loob ba si Sir Arthur? Magpapapirma sana ako sa kanya! Nariyan ba siya?"
"Huh .. ah eh.." Pasulyap sulyap sa pinto na sagot ni Handsome na alam kung ano ang ginagawa nila ng madam.
"Sabi kasi nila nasa opisina siya kaya pumunta ako rito."
Nauutal na pagsasalita ni Handsome. " Ah.. uhm.. Ka - ka kasi.."
"Saglit lang. Busy ba siya?"
"Tama! Busy si sir! At dapat dumaan muna sa akin. May inaasikaso lang si sir. Very important business!"
"Ahh, ganoon ba.."
"Ibigay mo nalang sa akin tapos ako na ang magbibigay sa kanya."
"Okay."
Nabunutan ng tinik si Handsome. Kinabahan siya bigla sa mga nangyayari na di niya napaghandaan.
"Ang hot pala nilang mag-asawa.." Bulong sa isip ni Handsome.Biglang may tumawag kay Handsome. Dinukot niya ang kanyang cellphone at tiningnan niya kung sino ang tumawag. Napakunot noo siyang makita ang pangalan sa tumawag.
Sinagot naman niya ang tawag agad."Hello?"
....
....
Nanginig bigla ang katawan ni Handsome at sa pangalawang pagkakataon, pinapawisan ito. Ibinaba niya agad ang cellphone na may di mapintang mukha.
--------
Kinabukasan, magkakaroon ng isang business meeting si Arthur kasam si Handsome at iba pang nasa board.
Inaayos ni Yasmin ang necktie ng asawa na nakasuot ng black suit.
"Ang gwapo talaga ng asawa ko!" Nakangiting sabi ni Yasmin.Si Arthur naman ay panay titig kay Yasmin na nasa harapan niya.
"Ang pinakamagandang babae sa buong mundo at ang ina ng mga magiging anak ko ay nasa harapan ko ngayon!""Pinakamaganda talaga?"
"Syempre naman! Ang asawa ko ang pinakamaganda sa lahat!"
"Kikiligin na ba ako?" Pagbibiro ni Yas nang patapos na ito sa ginagawa.
"Hindi ka pa ba kinikilig?"
"Hmmm.. pwede na! Hayan tapos na!" Ani ni Yasmin pagkatapos ay napahawak ito sa may bewang.
"I love you babe!" Seryosong sabi ni Arthur.
"I love you too honey!"
Hinawakan ni Arthur ang magkabilang braso ni Yas at lumapit nang dahan dahan ang mukha nito sa mukha ng asawa. Napapikit na rin si Yasmin at alam na ang susunod na mangyayari.Maghahalikan sana sila nang biglang nakaramdam si Yasmin ng paggalaw ng tiyan niya. Napadilat ito at bumaba ang tingin sa tiyan niya.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Arthur na nagulat sa reaksyon ni Yas.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...