Chapter 14.2

1K 22 0
                                    

Na confirm na ni Marga na siya ay buntis.

Kinakausap niya nag kanyang sarili habang nasa harap ng salamin.

" Hindi ito maaari! hindi dapat ako mabuntis ngayon. Hindi dapat! Hindi dapat na iba ang ama! Hindi dapat ito mabuo dahil lahat ng iyon ay para lang sa pangarap ko na posisyon!"

-----------

Pumasok na sa loob ng bahay si Xian at hinahanap si Yasmin roon.
" Yasmin!" sigaw ni Xian habang naghahanao siya.
" Yasmin!"

Mukhang wala sa bahay si Yamsin.
Pinuntahan niya ang kusina pero wala siya roon.
" Yasmin!" tinatawag niya ito.
Tiningnan niya ang kwarto nila pero walang tao roon.

Napatayo siya sa gitna ng sala at nag -isip. Saan ba siya pumunta? Nag-aalala na tuloy siya.

Sumunod pala si Kikay at Tita Zita kay Xian dahil nag -aalala sila kay Yasmin.

"Nasaan si Yasmin? Nahanap mo nasiya?" tanong ni Tita Zita.
" Wala po siya rito!" sagot ni Xian na may malungkot na boses.

" Nakita ko siya papunta rito kanina pero hindi ko na napansin noong umalis siya," kwento ni Kikay

Dahil sa maraming tao, hindi na nila napansin na umalis na si Yasmin.

" Ano ba ang nangyari sa inyo ni Yasmin? Bakit siya nagtampo?" na - curious si Tita Zita at gusto nang sermonan si Xian.

Hindi makasagot si Xian. Medyo naguguluhan siya dahil kani kanila lang ay naging okay na sila, siguro! Lately, pa iba iba ang  mood ni Yasmin at hindi niya alam kung bakit.

" Eh kasi naman ate, kanina nakikipag flirt  si kuya Xian kina Ate Mayeng.." kinwento ni Kikay ang nakita.

" huh? Ako? Naglalandian sa kanila? Hindi ah!" panay tanggi ni Xian.

Nakataas na ang kilay ni Tita Zita at seryoso na ito.

" Nagkwekwentuhan lang kami kanina.. No malice!" paliwanag ni Xian. " Tita, maniwala kayo!"

Nagpatuloy sa pagsasalita si Kikay, " tapos ate, nag effort si Ate Yasmin na magluto ng adobo, tapos binalewala lang niya!"

" huh?"  nabigla si Xian nang sabihin ni Kikay na nagluto talaga si Yasmin para sa kanya. Hindi niya akalain na totohanin niya ang sinabi na ipagluluto siya nito.

" Nasaan na ang  niluto niya?" tanong ni Xian na nakangiti.

" iyong adobo na nasa mesa. Inilagay nga niya ang adobo nasa plato na para sa iyo."

Napangiti si Xian at natuwa siya.

But still, napakaseryoso ni Tita Zita na nakatingin kay Xian.

Tinawag niya si Xian," Xian, pwede ba tayong mag -usap? Halika sa kwarto!" utos ni Tita Zita.

Napatingin si Xian kay Tita Zita at sumunod siya rito patungo sa kwarto.

Naiwan si Kikay at kinabahan, " Patay si Kuya.. Tsk3!"
Ano kaya ang gagawin ni Tita. Sigurado mapapagalitan siya!

----------
Lumilipas ang oras.
Si Yasmin ay nakaupo sa isang bato sa may burol. Naroon lang siya at pinagmasdan ang mga ulap at mga ibon.
Napapabuntong hininga nalamang siya at na bored na bored.

"Si Xian kasi! Nakakainis siya!"
kinakausap niya ang kanyang sarili. "Dahil ba gwapo siya, kakalimutan nalang niya ako! Dahil ba may mga magagandang babae na kasama siya, kakalimutan nalang niya ako! Sinubuan lang nong isa, nagpasubo pa sa iba. Pinakain lang ng niluto nila, ayaw nang pansinin ang niluto ko! Asar!"

Ang  hindi alam ni Yasmin ay habang may sinasabi siya ay nasa likuran niya si Xian at nakkikinig.

" Bakit kasi ang gwapo mo!" nangigigil si Yasmin  sa inis. " Kung hindi lang kita mahal.."
Tumayo siya bigla.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon