Lumipas ang ilang buwan pagkatapos ikasal sina Yasmin at Arthur. Nasa first grade na sina Aya at Lenard. Magkaklase ang dalawa sa pinapasukang pribadong paaralan. Nag desisyon si Lin na maging plain housewife para maalagaan ng husto ang kanilang dalawang anak ni Leo. Si Harrold ay may bagong bukas na branch ng kanyang boutique. Mas naging kilala siya sa pagiging fashion designer sa larangan ng paggawa ng trahe de boda. Nagkakaroon din siya ng fashion show na binibidahan ng mga kilalang artista at dinadaluhan ng mga mayayamang tao. Lahat ng gawa niya ay tinatangkilik ng lahat at lahat sila ay pinupuri ang mga gawa niya. Si Leo na kamag-anak ni Peter ay bumalik sa nayon. Tanggap na niya na wala na siyang pag-asa kay Lin dahil dumating na rin si Leo, ang secretary ni Arthur at ang ama ni Lenard. Nanatili naman si Peter sa piling ni Handsome. Magkatulad ng paaralan na pinapasukan sina Peter at Aya pero nasa magkaibang baitang. Masaya namang nakabalik sa tungkulan at posisyon si Leo na siyang secretary ni Arthur. Silang dalawa ni Handsome ang secretary nito. Kahit saan pumunta si Art ay kasama niya ang dalawa pagdating sa trabaho at sa opisina. Mas lumago pa ang kompanya ni Arthur. Mas maraming naging investors pati mga shareholders. Mataas din ang stocks sa mga nagdaang buwan. May mga branch din na kakabukas lang at may mga bagong products silang nilalabas. Ibinigay na ng lolo niya ang lahat tungkol sa kompanya at pangangasiwa nito kay Arthur. Ang mga ari-arian ay pinangalan sa pamilya ni Arthur. Pumayag na si Yasmin na hindi magtrabaho pero pampalipas oras naman niya ang tumulong sa bahay pasilungan kung saan naroon ang mga batang walang mga magulang. Ibinigay ni Yasmin ang kalahati sa kanyang namana sa mga taong nangangailangan.
"Napakabuti ninyo madam. Pagpalain kayo ng Maykapal," ani ng madre na yumuko sa harap ni Yasmin.
"Masaya po kami na makatulong,"sagot ni Yasmin. "Bihira na ang mga taong gaya ninyo na mag-asawa. Mayaman kayo pero napakabuti ninyo. Hindi kayo maramot. Bagkos ay tumulong kayo sa mga nangangailangan."
"Bukas po kami sa inyo. Kung kailangan ninyo ng tulong, huwag po kayong mahiya."
"Salamat!"
Napalingon si Yasmin at pinagmasdan ang mga batang naglalaro sa bakuran ng bahay pasilungan. Bakas sa mukha ng mga bata ang kasiyahan na may mga bagong laruan sila. Napangiti si Yasmin habang pinapanood sila at napansin ito ng madre ang expression ng mukha ni Yas na kahit ngumiti ay may bahid na kalungkutan.Hinawakan ng madre ang kamay ni Yasmin.
"Huwag ka ng malungkot."
"Po?"Reaksyon ni Yasmin sa sinabi ng madre.
"Huwag kang mag-alala, siguradong kung nasaan man ang mga anak mo, maligaya sila. Magiging masaya sila kapag masaya kayo na narito sa mundong ibabaw." Napatingin ang madre sa umbok na tiyan ni Yasmin.
"Isang biyaya ang dumating sa inyong mag-asawa. Sigurado akong mas pagpapalain pa kayo."
Napahimas si Yasmin sa kanyang tiyan sabay ngiti at pagpapasalamat. Pagkatapos dumalaw sa bahay pasilungan ay pumunta si Yas sa kanilang kompanya. Malaki na ang tiyan nito at kahit ganoon ay may lakas pa itong mamasyal. Pagdating niya sa gusali ay agad siyang binati ng mga empleyado. Yumuko sila ng makasalubong ang Madam. "
Magandang araw Madam Yasmin!"
"Magandang araw po!"
"Magandang araw Madam!"
Sumagot naman si Yasmin na may ngiti sa mga labi.
"Magandang araw!"
Naglalakad si Yas sa pasilyo na nakahawak ang isang kamay sa tiyan at ang isa ay may dalang isang bag kung saan naroon ang inihandang tanghalian ng asawa. Pumunta siya agad sa opisina ni Arthur pero wala siya roon. Sumalubong ang isang babaeng front officer at binati siya.
"Magandang araw po Madam Yasmin. Napadalaw po kayo. May meeting po si boss sa conference room. Medyo matatagalan po."
"Ganoon ba. Sosorpresahin ko sana siya. Dinalhan ko siya ng tanghalian na ako ang nagluto."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...