Chapter 53.8

440 22 11
                                    



Nasa kwarto si Aya at gamit ang kanyang maliit na study table. Nasa sahig lang ito nakaupo habang nakayuko ang ulo at busy sa pagkukulay. Pumasok si Yasmin sa kwarto na may dalang gatas para sa anak.

"Anong ginagawa mo anak?" Tanong ni Yasmin. Lumapit siya kay Aya at napaupo sa sahig katabi ng anak.

"Gumuguhit po ako mommy,"sagot niya sa ina.

Napangiti si Yasmin at tiningnan ang drawing. "Sino naman ang ginuguhit mo?"

"Ang bago ko pong kaibigan. Iyong tumulong sa akin kanina sa bad guys."

"Ganoon ba. Patingin nga.." ani ni Yasmin na masaya at nagpapasalamat dahil walang masamang nangyari. "Ang galing mo talaga magdrawing anak."

"Talaga po? Maganda po ba?"

"Syempre naman!"

Tuwang - tuwa si Aya at mas pinaigihan pa niya ang pagkukulay.

"Heto, inumin mo muna ito. Mas gagaling ka pa kapag ininom mo ang gatas mo!" Payo niya sa anak.

"Opo."

Inabot ni Yas ang baso ng gatas kay Aya at tinanggap naman nito ng bata. Sumunod ito sa ina niya at ininom niya ang gatas.

"Narito na ako!" Sigaw ni Sissy na papasok sa bahay.

Napalingon si Yasmin at napatingin sa may pinto. Narinig niya ang boses ni Sissy na kakarating lang. Nagtaka ito kung bakit ginabi ang dalaga.

"Bakit ngayon lang nakauwi si Sissy?" Tanong ni Yas sa sarili.

Pinuntahan ni Yasmin sa sala si Sissy at napatanong. "Ginabi ka yata. Saan ka ba pumunta? Akala ko may bibilhin ka lang saglit."

Napangiti lang si Sissy at napakamot ng ulo. "Sorry ate may nangyari kasi."

Kinabahan si Yasmin bigla sa binalita ni Sissy. Napakunot noo si Yas sa pag-aalala. "Anong nangyari!? May nangyari ba?"

"Huh!? Wala naman ate. Ang ibig sabihin ko po uhm.. eh.. kasi." nauutal na sagot ni Sissy. Nag - aalala tuloy si Sissy kay Yas pagkakita nito sa kanyang reaksyon. Agad niyang nilapitan si Yasmin.

Napahawak agad si Yas sa kanyang dibdib na tila sumisikip ang puso niya. Huminga siya ng malalim at pinaupo siya ni Sissy sa couch.

"Naku sorry ate. Hindi ko sinasadya na takutin kayo." Paghihingi ng paumanhin ni Sissy.

Napakalamig ng kamay ni Yas habang hawak ito ni Sissy.

"Okay lang po ba kayo? Sorry po talaga."

"Okay lang ako. Sadyang ayoko lang talagang makarinig ng masasamang pangyayari." mahinang sabi ni Yasmin.

"Ang totoo, may tinulungan ako na isang taong – grasa kanina. Naawa ako kaya pinakain ko at natagalan ako sa pag – uwi," pagpapaliwanag ni Sissy.

Ngumiti lamang si Yasmin nang marinig niya ang paliwanag nito.

Samantala nagpatuloy si Aya sa kanyang pagguhit. Excited siya na ipakita ito sa kanyang bagong kaibigan.

--------

Kinabukasan ay balik trabaho na ang lahat. Nakaupo sa harap ng kanyang computer si Yas at inaasikaso ang pinapagawang report ng boss nila. Nakakunot – noo itong nakaharap sa monitor at hawak – hawak ang mouse. Halatang nahihirapan siya sa ginagawa nito.

Lumabas si Leam sa kanyang opisina na may binabasang papeles. Lumapit agad si Gray kay Leam at pinakita ni Leam ang mga papeles sa kanya. Habang nagsasalita si Leam ay napalingon siya sa lugar ni Yasmin. Napansin nito ang pagiging seryoso ni Yas habang nakatitig sa monitor. Hindi na ito nakikinig sa sinasabi at pagpapaliwanag ni Gray. Pinagmasdan lang niya si Yasmin sa upuan nito.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon