Nasa kabilang gusali ng kompanya nakipagmeeting si Arthur sa mga investors. Magkatabi lamang ito at magkadugtong sa gusali kung saan naroon ang opisina ni Arthur. Nasa isang silid sila na may parihabang mesa para magtipon tipon sila at mag-uusap. Nasa dulo si Arthur na siyang may-ari ng kompanya. Nasa kanan niya nakaupo si Leo na siyang sekretarya niya.
Habang nag-uusap usap ay hindi matiis ni Arthur na hindi itext ang asawa na nasa kabilang gusali kasama si Rose para maglibot. Palihim itong nagdial sa numero ni Yasmin sa ibaba ng mesa. Nagsasalita ang isa sa mga panauhin pero hindi na nakikinig si Arthur. Nahahalata ni Leo ang ginagawa ng boss niya na ang mga mata ay nasa ibaba ng mesa. Pasulyap siyang tumitingin kay Arthur pero hindi na niya ito dinistorbo bahkus nakinig nalang siya sa sinasabi ng panauhin.
----
Naglalakad si Yasmin sa hallway kasama si Rose. Naiinis ito dahil sa paghaharap nila kanina ni Marga. Nagsasalita ng mag-isa si Yasmin na para bang may kausap."Anong tingin niya kay Xian at Arthur mga laruan o di kaya bagay para pwedeng ma-exchange gift!!? Baliw ba siya! May asawa na ang tao, hahabol-habulin pa niya. Geez! Nakakainis talaga siya! Maghanap nalang siya ng iba at tigilan na niya kami!"
Tumunog bigla ang cellphone niya na hawak-hawak nito.
"Hm?"
Napatingin si Yasmin sa kanyang cellphone.Arthur: "Kumusta asawa ko?"
Napangiti si Yasmin ng makatanggap ng mensahe sa asawa niya.
Yasmin: "Okay lang. Ang laki pala ng kompanya mo hon. First building pa ito at hindi pa kami nakakapunta sa gusali niyo dyan."
Arthur: " Pagod ka na ba? Dont stress yourself. Baka napapagod ka na?"
Yasmin: "Okay lang ako. Exercise ito. I'm fine. Dont worry. Nag-eenjoy naman ako na libutin ang buong kompanya mo."
Arthur: Kompanya natin.
Yasmin: huh?
Arthur: Huwag mong kalimutan, ang lahat ng mga ari-arian ko ay sa iyo na rin.
Yasmin: Di nga!? 😅
Arthur: Oo.. pati nga ako pag-aari mo. Love you babe! 😘❤️
Yasmin: love you too..Arthur: Malapit na kaming matapos rito, sabay na tayong kumain ng lunch.
Yasmin: okay.
Arthur: 😊
Yasmin: May gusto akong kainin...Arthur: hmm.. lahat ng gusto mo, ibibigay ko.
Yasmin: "Love mo talaga ako.hmm... Love mo ba talaga ako?"Napapangiti si Arthur habang binabasa ang message ni Yasmin. Si Leo naman ay pabulong na sinasabihan ang boss nito. "Sir?.. Sir?"
May itinatanong ang isa sa panauhin na hindi narinig ni Arthur.
"Anong sa tingin mo Mr.Arthur?""Sir, tinatanong po kayo ni Mr. Ching."
Medyo nagulat si Arthur at napatingin sa mga bisita. "Huh? Uhm.. what is it?"
-------
Hindi na nakareply si Arthur kay Yasmin. Naghintay ng saglit si Yasmin sa text ng asawa."Bakit kaya hindi na sumasagot si Arthur."napapaisip tuloy si Yasmin at may mga bagay na pumapasok sa isip nito. Kaya sinermunan niya ang kanyang sarili. "Ano ba Yasmin, nagmimiting sila kaya ganon kaya huwag kang mag-isip ng masama."
Napabuntong hininga nalang si Yasmin."Makapunta na nga ng CR. Saan ba ang CR ninyo rito?"
"Malapit lang rito madam. Samahan ko na po kayo."
"Okay, pasensya na. Ganito lang siguro pagbuntis, palaging naiihi."
"Naiintindihan ko po kayo."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomantizmNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...