Hindi nagdalawang isip si Wena na itulak si Yasmin sa pool. Pagkatulak niya sa dalaga ay sa pool ang bagsak nito." ahhh!!" sigaw ni Yasmin. Wala na siyang magawa at mahuhulog na siya sa pool.
Nakangiting nanood si Wena kay Yasmin na nahulog sa pool.
Malakas ang pagkakabagsak niya na nagpabigla sa lahat. Napatayo sina Andrei na ansa may mesa." Yasmin!" sigaw ni Arthur at agad tumakbo patungo sa pool. " shit!"
Nabigla si Wena ng makita si Arthur. " Arthur?" hindi niya napansin si Arthur noong una.
Tumalon sa pool si Arthur para iligtas ang dalaga na nahihirapang lumangoy.
Yasmin's pov
Katapusan ko na ba?. Tulong! Sino ang tutulong sa akin!? Nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko madilat ito. Hindi ako makahinga dahil pinipigilan kong huminga. I cant stay longer like this.At may yumakap kay Yasmin para siya'y iahon. Arthur was there para tulungan si Yasmin. Medyo nanghina ang dalaga habang yakap siya ni Arthur at dahan dahang inihaon sa pool.
Pinahiga niya si Yasmin sa may sahig muna dahil ito ay nanghihina.
Napaubo si Yasmin dahil na rin sa nainum na kunting tubig. Salamat ay mabilis si Arthur sa pagkakaligtas sa dalaga at hindi ito tuluyang nalunod."Yasmin! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Arthur. " May masakit ba sa iyo?"
Dahan dahang idinilat ni Yasmin ang kanyang mata at nakitang nasa harapan si Arthur na bakas ang pag-aalala. Basang -basa rin si Arthur na may suot pa.
" Sir Arthur?" mahinang boses ni Yasmin.
Nakangiti si Arthur na piangmasdan si Yasmin, " Salamt at okay ka lang.."
Ibinigay ni Leo ang towel kay Arthur pati na rin kay Yasmin. Pinaupo muna niya si Yasmin at isinandal sa kanyang balikat. Mahinang mahina pa rin ang dalaga. Nasa likod niya ang towel na ibinigay ni Leo.
Napatingin si Arthur kay Wena na nakatayo malapit sa kanila. Nakasalubong ang kilay nito at mukhang sasabog sa galit.
" Bakit mo siya tinulak?" galit na tanong ni Arthur.
" huh?" nanginginig na reaction ni Wena. " kasi.."
" bro, baka aksidente lang iyon at hindi niya sinasadya!" pagtatanggol ni Kevin si Wena.
" Hindi sinasadya!? Ano ako, bulag? Nakita ko ang ginawa mo kay Yasmin!" galit na galit na sabi nito.
" Arthur, kasi ang babaeng iyan ang nagsimulang..." paliwanag ni Wena.
Nanginginig si Yasmin at hindi nagustuhan ang sinasabi ng babaeng linta. Napaiyak nalang ito ng palihim sa balikat ng binata.
" Ayokong marinig ang paliwanag mo!"
" Siya ang naunang nakipagtalo sa akin!" she insisted.
" Kevin, ito bang babaeng ito ang ipapakilala mo sa akin?" galit na tanong ni Arthur.
" Arthur, makinig ka naman sa kanya," pakiusap ni Kevin.
" Umalis kayo sa bahay ko!!" pasigaw na sabi ni Arthur.
"Arthur.." malumanay na sabi ni Kevin na nakikiusap.
" Umalis kayo sa bahay ko!! At ayokong makita ko kayo rito sa pamamahay ko!!" sigaw ni Arthur na talagang galit na galit.
Tumayo si Arthur at kinarga si Yasmin. Napasubsub ng mukha si Yasmin sa may chest ni Arthur. Di niya napigilang hindi umiyak.
" Leo, paalisin mo na sila! At huwag na huwag ng papasukin rito!!" utos ni Arthur at pumasok na ito sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...