Chapter 51.6

911 27 10
                                    


"Ano ito? Sino ang gumawa nito!?" Galit na tanong ni Arthur habang nakahawak sa braso ni Yasmin na may pamumula. Nakasalubong ang mga kilay nito at talagang galit na para bang may kakaining tao.

"Hon..kasi.."sambit ni Yasmin na nakatingin sa asawang galit.

Agad namang umamin si Handsome at yumuko ito. Humingi siya ng kapatawaran sa ginawa niya.

"Ako po sir! Sorry po sir and ma'am!" Pagsisisi ni Handsome na nanginginig na.

"Ikaw?"
Di mapigilan ni Arthur ang sarili at mas nilapitan niya si Handsome. Umangat ang ulo ni Handsome at hinila ni Arthur ang kwelyo ng binata. Nagulat siya pati ang ibang naroon.

"Kilala mo ba ang sinaktan mo!?"

"So-sorry sir.." Nauutal na sabi ni Handsome. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kwelyo at hinila pa ito.

Lumapit si Yasmin at hinawakan ang braso ng asawa. Pinigilan niya si Arthur na saktan ang binata. Alam ni Yas na minsan ay di makapagpigil si Arthur kapag galit ito.
"Tama na iyan, hon!" Utos nito.
Sumunod naman si Arthur sa asawa at binitawan niya ito. Medyo napaubo si Handsome kaya napahawak siya sa kanyang leeg. Pina-atras ni Yas si Arthur para malayo sa binatang nahihirapan sa paghinga

"Kabago-bago mo lang, sinaktan mo na ang may -ari rito!" Sumbat ni Arthur.

"So-sorry sir.. sorry po ma'am. Hindi na po mauulit.."

"Hindi na talaga mauulit dahil you are fired!"
Diretsahang sinabi ang mga salitang iyon kay Handsome. Namilog ang mga mata ng binata sa narinig. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganito. Gayundin si Yas ay nagulat sa naging desisyon ng asawa.

"Sir?"
Hindi makapaniwala si Handsome na nafired siya sa unang araw ng trabaho. Ang mga ibang empleyado na nakasaksi ay panay nagbubulungan.

Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin at hinila ito pabalik sa loob ng opisina. Sumunod naman siya sa asawa. Pero bago makarating sa may pinto ay nagsorry ulit si Handsome.

"Sorry sir!" Sigaw ni Handsome sabay lumuhod sa kinatatayuan niya kanina. Napalingon ang dalawa sa binata. Nagsisisi si Handsome sa ginawa niya kay Yasmin na hindi niya alam na asawa pala ito.
"Sorry sir! Patawarin niyo po ako kung nagkamali po ako! Sana bigyan ninyo pa ako ng chance sir!" Pagmamakaawa nito.

Pero matigas si Arthur at hindi ito natinag. Ayaw nyang may manakit kay Yasmin kaya pinaparusahan niya ang sinumang mananakit sa asawa niya. He just protecting his wife and their baby.

Pagkatapos makita ni Arthur si Handsome na nakaupo, inutusan niya ang guard na paalisin na ang binata. "Paalisin na ninyo ang lalaking iyan."

"Yes sir!" Sagot ng dalawang guard. Pinatayo nila si Handsome mula sa kakaluhod. Si Yasmin naman ay medyo naawa sa binatang kasama na ng guard paalis roon. Hanggang tingin nalang siya kahit nakokonsensya rin ito dahil hindi niya agad sinabi na asawa siya ng may-ari. Feeling niya ay may pagkukulang rin siya.

Pumasok na sila sa opisina. Medyo tahimik lamang si Yasmin pagpasok roon habang nakahawak sa kamay niya si Arthur. Sa loob ng opisina ay naroon si Tita Grace na nakaupo sa couch.

"Anong nangyari?" Tanong ni Tita Grace na strict masyado ang mukha. Nakataas ang isang kilay at napakared ng lips.

"Don't mind it tita!" Sagot ni Arthur.

"Hello po tita.."Bati ni Yasmin na medyo nahihiya.

Tumayo si Tita Grace at lumapit kay Yasmin.

"Kumusta?" Direktang tanong ni Tita kay Yasmin.

"Mabuti naman po."

Ngumiti si tita Grace na para bang napilitan. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa pinto at umalis na.
Pag-alis ni Tita Grace ay huminga ng malalim si Yasmin. Para bang nabunutan siya ng tinik at gumaan ang pakiramdam niya. Niyakap bigla ni Arthur ang asawa.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon