Chapter 13.1

1K 16 1
                                    

Chapter 13.1
Binuksan ni Tita Zita ang pinto at laking gulat niya sa kanyang nakita.. OMG! Hindi siya makapaniwala na ginagawa nila ito.

Pagkabukas ng pinto ay napalingon sina Tikoy at Kikay. At nabigla kung sino ang naroon sa may pinto... It was Tita Zita. 

" Ti. Tita??" nauutal na sabi ni Tikoy at tinakpan ang hubad na sarili ng kumot.
" Ate.. !?" reaction ni Kikay at napatakip rin ng kumot ito.

Tumaas ang pressure ni Tita at galit na galit, " Anong ginagawa ninyo!?"
Napakagat sa kuko si Yasmin at medyo inaalala sila Kikay at Tikoy. Siya ay nakatayo sa may gilid ng pinto at nakikinig sa sermon sa dalawa.

" Mag-uusap usap tayo bukas!!" ang sambit ni Tita Zita.

----------
Kinabukasan..
Dahan-dahang minumulat ni Xian ang kaniyang mga mata. Nasisilawan siya sa liwanag mula sa bintana. He placed his arm on his forehead.

" Nasaan ako?"
Napalingon lingon ang kanyang mga mata at tinitingnan ang buong paligid.

" Nasa kwarto pala ako.."
" Anong oras na ba?"

Bumangon siya na medyo nahihilo pa.
" Marami yata akong nainum kagabi. Kaya pala masakit ang ulo ko at katawan." sinasabi niya ito habang hinahawakan ang ulo nito.

Napansin na niya na wala siyang saplot at nakakumot lang ito.
" teka.. " medyo inaalala pa niya ang mga nangyari.

Biglang may narinig siyang sermon sa sala.
" Ano kaya ang nangyayari roon?" nagtatakang tanong sa sarili ni Xian.

-------
Sa sala.
Nakaupo sila Kikay at Tikoy sa upuan nila. Nakayuko ang kanilang mga ulo at walang imik iymtong nakikinig sa sermon ng matatanda.

Nakatayo naman sa harapan nila si Tita Zita at Manang Gie. Naroon rin si Manong at Tito pati sina Dorara.

" Ano ba ang naisip ninyo at ginawa ninyong dalawa iyon?" tanong ni Tita na medyo mataas ang boses.

" Alam namin na 20 ka na Tikoy at 19 ka Kikay.. But kahit ganoon ay ginawa pa rin ninyo ang hindi dapat! Hindi pa nga kayo official na magkasintahan at ikinasal, gumawa na kayo ng milagro!"

" Haist! Ano ba Tikoy!!?" galit na sermon ni Manang Gie.

Lumabas sa kwarto si Xian na nakasando at shorts. Na-curious siya kung ano ang nangyayari. Napatayo siya sa may pinto ng kwarto niya.

Si Yasmin ay kasama ang mga bata sa labas. Nagtatanim sila sa mga maliit na paso but naririning ni Yasmin ang pag -uusap nila sa loob.

" Inisip ba ninyo ang mga consequence noong ginawa ninyo 'yon?" sermon ni Dorara.
" Ano ang balak mo Tikoy!?" tanong ng ina niya.
Tahimik pa rin siya.

" Si Kikay ay para nang kapamilya namin at ikaw naman, mag kaibigan ang ating mga pamilya.. ang ginawa ninyo ay talagang.. " hindi maituloy tuloy ni Tita Zita.

" Nakakahiya ang ginawa mo Tikoy!!" galit na sabi ni Manang Gie.
" Hindi lang ikaw Tikoy, pati ikaw Kikay. What if mabuntis ka!? Anong mangyayari?"

Napalingon si Yasmin sa bahay habang hinahawakan ang mga tanim.
Medyo nabigla rin si Xian sa kanyang narinig.

" Single mom! Magiging single mom?"
" Hindi ako pumapayag na walang aksyon ito. Since ginawa ninyo ang isang bagay... Dapat..."

Napatingin sila Kikay at Tikoy kay Tita Zita.

" Magpakasal kayo!!" wika ni Tita Zita na napakaseryoso.

" What?" nabigla si Kikay.
" Since kinuha mo ang virginity niya, anak. Sumasang-ayon ako!" sabi ni Manang Gie.

" Dapat panindigan mo ito Tikoy!" sabi ni Manong.
Sumang-ayon ang lahat.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon