Nakuha na nila ang address kung saan nagtatago ang mga kidnapper. Pero lahat ng kanilang kilos ay dapat pag-isipan dahil para sa kaligtasan ni Yasmin at ng baby niya. Ibinigay ng kidnapper ang address kay Arthur kung saan sila magkikita. Magkikita sila bukas ng hapon." Napakalaki nang hinihingi nila sir!" reaction ni Leo.
Sinagot ito ni Arthur at sinabing, " Wala akong pakialam kung malaki man iyon. Ang mahalaga ay mailigtas ko sila. Kahit maubos man ang pera ko basta maging okay silang dalawa. Aanhin ko pa ang pera kung sa huli ay mapapahamak pa rin sila. Sila ang kayamanan ko kaya gagawin ko ang lahat para sa mag-ina ko!"
Leo was so amazed.
" Huwag po kayong mag-alala sir, gagawin namin ang lahat para mailigtas sila."
Tumawag ulit ang tito ni Andy.
" Huwag na huwag mong ipapaalam sa mga pulis! Kailangan ikaw lang ang maaaring pumunta roon! Maliwanag!?"
Napatingin si Arthur sa mga pulis na kasama.
" Kailangan mong sumunod dahil nakasalalay ang kaligtasan nila sa iyo!" babala ng kidnapper.
Sumang-ayon si Arthur sa sinabi ng kidnapper. Ano ang gagawin nila?
--------Binigyan ng pagkain si Yasmin pero tumanggi pa rin ito.
" Kumain ka na!" pilit ng mga lalaki.
" Ayoko!" sagot ng dalaga.
" Kailangan mong kumain para sa six million dollars na ibibigay ng kasintahan mo!"
" Hindi ako kakain kaya huwag na kayong umasa!"
" Haist!" naiinis na siya sa katigasan ni Yasmin.
Biglang kinuha ng lalaki ang maliit niyang patalim sa bulsa at itinutok sa mukha ni Yasmin.
" Hindi ka pa rin kakain!"
Kinabahan si Yasmin pero hindi ito pinahalata sa lalaki. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang patalim.
" Ayaw mo pa rin?"
Hindi nagsalita si Yasmin dahil baka mas magalit pa ang lalaki.
Hanggang itinutok niya ang patalim sa tiyan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng makita niya ang patalim sa tiyan nito." Eh, kung dito na lang ito. Ayaw mo pa rin!?" hamon ng lalaki.
Nagpipigil si Yasmin. Kinakabahan siya sa maaari niyang gawin. Mas itinutok niya ng malapit sa tiyan nito.
Napaiyak si Yasmin. " No please!"" Pwede naman na tatlong million nalang ang kukunin namin!" nakangiti ito na parang addict.
" Please, huwag ninyong idamay ang baby ko!" paiyak nitong sabi. Nagmamakaawa si Yasmin sa lalaki.
" Ang tigas ng ulo mo, di mo pala kayang isakripisyo ang batang ito!"
" Please..please.."
Inilayo niya ang patalim kay Yasmin at dinilaan niya ito.
" Hmmm.."Halatang addict yata itong isang lalaki dahil sa namumulang mga mata. Napatitig ito sa hita ng dalaga na nakasuot naman ng pantalon.
Mas kinabahan si Yasmin sa mga kinikilos ng lalaki." Please.." pakiusap ni Yasmin.
Napahawak ang lalaki sa hita nito.
Nabigla si Yasmin.
Sinimulan niyang himasin ang hita ng dalaga. Inaamoy amoy rin niya ang buhok at leeg ni Yasmin.
Gustong makaalis ni Yasmin at matanggal ang tali nito. Pumipiglas ito pero mahigpit ang tali sa kanyang mga kamay, paa pati katawan.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...