Chapter 42.2

995 27 4
                                    

((spg alert!! ))

Naunang umuwi sina Marga at Amei. Lihim na pumasok sila sa kwarto sila sa kwarto nina Ys at Arthur.
"Ang galing ninyo talaga Madam Marga at nahiram ninyo ang susi sa front officer," papuri ni Amei.

"Syempre ako pa!" mayabang na sagot ni Marga.
Dahan -dahang naghahalungkat si Marga sa mga gamit ni Yasmin.

"Ano po ang gagawin natin dito? Ano po ang hinahanap ninyo?" curious na si Amei.

"Maghanap ka ng kung ano na pwedeng gamitin natin laban sa relasyon nila.." utos ni Marga.

"Ah, sige po!"

Tinulungan ni Amei si Marga na maghalungkat sa mga gamit ng mag-asawa. Naaasar ito habang naghahalungkat.
"Nakakaasar! Nakakainis!" desperadong ani nito. Desperadong-desperado si Marga na paghiwalayin ang dalawa. Naiinis siya dahil sumama pa si Yasmin sa trip na ito na plano niya.
"Pakialamera! Hadlang talaga siya sa lahat! Nakakainis ka Yasmin! Sa akin si Arthur!" umuusok sa galit si Marga dahil kay Yasmin.

Hanggang narinig na nila na dumating na sila.
"Madam Marga, mukhang dumating na sila. Anong gagawin natin!?" nag-aalalang tanong ni Amei na mukhang kinakabahan at natataranta na.

Dali daling inayos nila ang mga gamit ng dalawa.

"Madam? Paano kung.."

"Dalian mo nalang!"

Napalingon sila sa may pinto ng tumunog ang doorknob. Nariyan na sila. Omg! Kinakabahan si Amei.

Napansin ni Arthur na mukhang bukas ang pinto ng kwarto nila. "Teka.."

"Bakit?" tanong ni Yas.

"Nilock ko talaga ang pintong ito pero.."

"Nakalimutan mo siguro.."

Napakunot noo si Arthur at naging seryoso. Pinapakiramdaman niya ang paligid.
Ipinihit niya ang knob at pumasok na sila sa loob. Pumalibot sa buong kwarto ang mga mata ni Arthur mula sa kinatatayuan nila.

"Anong problema?" tanong ulit ni Yasmin.

Wala namang tao sa loob. Maayos rin ang mga gamit nila. Maayos ang kama at ang luggage na nasa sulok. Wala namang kakaiba.
"Wala naman.." gumaan ang pakiramdam ni Arthur.
Tuluyan na silang pumasok sa kwarto at isinara ang pinto at pero nakalimutang ilock.

Napastretch si Yasmin habang papunta sa kama. "At last makakapahinga na tayo!"
Pangiti -ngiti naman si Arthur.
"Makakahiga na rin ako. Napagod yata ako sa kapapasyal natin,"wika ni Yasmin na humiga agad sa kamang malambot.

"Really? Napagod ka?" tease by Arthur. Napasandal siya sa isang maliit na kabinet at napatingin sa asawang nasa kama.

"Oo naman! Ikaw kaya maging buntis at ganito na kalaki ang tiyan mo. Di ka kaya mapagod!"

Natawa si Arthur at natutuwa sa asawang inaasar.

Hinahaplos haplos ni Yasmin ang tiyan nito. "Baby, napagod ka rin ba?"
"Yes mommy!"sabi ni Arthur na may maliit na boses.

Napakunot noo si Yasmin at hinihagis ang isang unan kay Arthur. "Nakakainis ka!"
Sinalo naman ng asawa. Natawa ito sa reaction ni Yasmin.

"Pilyo talaga itong daddy mo!" kinakausap ni Yas ang baby na nasa tiyan niya.

"Mas pilya ang mommy mo baby!" sigaw ni Arthur.

"Aba't! Hmp!"

Natatawa nalang si Arthur.

"Baby huwag kang maging katulad ng daddy mo!" payo ni Yasmin.

Ang hindi nila alam, nasa loob ng malaking wardrobe sina Amei at Marga. Nagtatago ang dalawa roon. Sa loob, kitang -kita nila ang mag-asawa.
Napahimas rin si Marga sa tiyan niya na naalala na minsan rin ay nabuntis siya ni Arthur pero ipinalaglag niya ito.
"Kung sana.." ani ni Marga. "Ako sana..."
Ngayon, nagsisisi siya. Kung hindi niya sana ipinalaglag ay baka siya ang nasa lugar ni Yasmin.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon