Chapter 4.3

1.3K 21 1
                                    


  At Xian's unit ng condominium
Pumasok na si Xian at pati si Yasmin. But Yasmin just stay sa may pinto. She was standing there at napaisip.
" Bakit ko ba sinabi yun kanina?" tanong na nasa isip ni Yasmin.

Flashback
Xian kissed Yasmin habang umuulan sa park. Nabigla siya at hindi makapaniwala. Talagang surpising ang nangyari.

Napatulala si Yasmin ng lumayo na ang mukha ni Xian.
"Tara, ihahatid na kita sa inyo," yaya ni Xian na patalikod na.
But Yasmin just hold his shirt, " Ayoko pang umuwi!" pabulong na sabi ni Yasmin.

Napalingon at napatingin si Xian sa kanya.

"Haist! Bakit ko ba sinabi 'yun? Nakakahiya!" kinakausap niya ang sarili na nasa harapan ng pinto.
" Pumasok ka na rito. Huwag kang mahiya. Pagpasensyahan mo nalang ang lugar ko," sabi ni Xian na nasa may sala.

Napilitan ng pumasok si Yasmin at isinara ang pinto.

Basang - basa si Yasmin kaya nanatili muna siya sa may pinto.
Bumalik si Xian sa kinaroroonan ni Yasmin na may dalang tshirt at jogging pants.
" Magbihis ka muna. Basang - basa ka sa ulan. Baka magkasakit ka niyan, " sabi ni Xian.

" huh?"
Namula tuloy si Yasmin at ang lakas ng tibok ng puso niya.
Tinanggap niya ang binigay ni Xian.
" Naroon ang comfort room!" itinuro niya sa may kanang bahagi.

" Ah sige. Ikaw rin, magbihis na rin," nahihiyang sabi ni Yasmin at nakayuko ang ulo na papuntang comfort room.

" Magbibihis ako pagkatapos mo sa comfort room."

Dali - daling pumunta si Yasmin sa comfort room. Para nang sasabog ang puso niya. Weew.

At the comfort room
Napatingin si Yasmin sa sarili," Totoo ba ito? Am I dreaming?"
Hinahawakan niya ang t-shirt ni Xian. Inaamoy amoy niya ito.. " Hmm.. " papikit pikit ng mata siya.
"I'm so happy right now!" pangiting sabi niya.

But biglang, " HINDI!! No!!" Nagising siya sa kanyang panaginip. Sinasabihan niya ang sarili, " Yasmin, fiance niya si Marga na kaibigan mo! Huwag mo na siyang isipin! Mali ito!"

Another side, " Eh, bakit niya ako hinalikan? Bakit kaya?"
" Yasmin! Gumising ka!! Illusyunada!"

Nagmumukhang baliw na si Yasmin dahil sa kaiisip. " Haist!"
Nanghilamos agad si Yasmin para mawala ang gumugulo sa isip niya.

Inihanda ni Xian ang mainit na tubig upang makainom ng tsokolate o kape si Yasmin.
Pagkalipas ng ilang minuto, tapos na si Yasmin sa comfort room. Isinuot niya ang t - shirt ni Xian at jogging pants. Napakalaki nito sa kanya.
Pagkakita ni Xian kay Yasmin, natawa ito.

" Bakit ka natatawa?" nakangusong tanong ni Yasmin.
" Ang cute mo kasi!" sagot ni Xian.

Lumapit si Xian kay Yasmin. Nakatayo siya sa harap niya. Nilapit ang mukha nito sa mukha ni Yasmin. Napaatras ng kunti si Yasmin but mas lumalapit si Xian.
Napatingin si Yasmin at sa isip, " Ano ba ang ginagawa niya? Hahalikan ba niya ako?"
Agad tinakpan ni Yasmin ang labi niya ng kanyang kamay sabay sabing, " No Xian!"

Napangiti si Xian.
Ibinigay ni Xian ang maliit na paperbag sa harapan ni Yasmin. " Regalo ko sa iyo."
" huh?"
Tinanggap niya ito. It was so awkward. Medyo nahihiya siya sa kanyang reaction. Hindi pala niya hahalikan siya. " Nakakahiya!"

" Buksan mo 'yan pagdating mo sa bahay," sabi ni Xian habang papuntang comfort room.
" By the way, may mainit na tubig ryan baka gusto mong uminom ng tsokolate o kape."

" Ah, sige."

Pumunta ng kusina si Yasmin. Nakita niya ang kettle at kumuha siya ng mainit na tubig roon.
" Masarap uminom.ng kape ngayon dahil malamig ang panahon," nagsasalitang mag - isa si Yasmin.
Umupo siya sa may lamesa at tinitimpla ang kape.
"bitter so bitter! Kailangan yata ng sugar. Hmmm.. " Napatingin sa may cabinet si Yasmin. Tumayo ito at naghanap ng asukal.

Nasa comfort room.si Xian at tapos ng magbanlaw. Tumingin siya sa salamin.
Wala siyang damit pang itaas at may towel sa kanyang balikat. Nakapants na pambahay na lamang siya.
" Ano ba amg ginagawa ko?" seryosong kinakausap ang sarili. " Haist!"

Sa wakas nakakita na ng asukal si Yasmin na nasa itaas na bahagi ng cabinet. Kailangan niyang may mapapatungan para maabot ito.
Kumuha siya ng upuan at ginamit niya ito para maabot ang bote ng asukal.
" Kunti na lang.."

Pabiglang sigaw ni Xian, " Anong ginagawa mo?"
Nagulat si Yasmin at gumalaw ang pinapatungan na upuan. Na out balance siya.. at nahulog!

But to the rescue si Xian at nasalo niya si Yasmin.
Napapikit si Yasmin.
" Okay ka lang ba?" nag - aalalang tanong ni Xian.
Dahang dahang dumilat ang mga mata ni Yasmin at nagulat rin siya ulit ng malamang karga siya ni Xian at sa harapan niya ay ang abbs nito.
" Omg! Mahihimatay yata ako!" pabirong sabi ni Yasmin. Nanlaki ang mga mata na nakatitig sa katawan ni Xian.
Tumayo ito agad agad. " Okay na ako!"
" Sure?"

Pilit na ngumiti si Yasmin at pinapawisan ito.

Nagring ang cellphone ni Xian na nasa kwarto nito. Pinuntahan niya ito. Naiwan si Yasmin sa kusina at para siyang natunaw.
Uminom siya agad ng kape niya kahit walang asukal, " Nenervousin yata ako nito rito. Aatakihin ako! Weew!" pabulong niya sa sarili.

Sinagot ni Xian ang phone. Tumawag si Carlos dahil bigla nalang umalis si Xian kanina sa office at hindi na bumalik.

Napaupo si Yasmin. " wheew."

May kumatok sa pinto.
Napalingon si Yasmin sa may pinto.

Kumakatok ito ulit.
" May tao.. "

Tumayo si Yasmin at pinuntahan ang pinto.
Binuksan niya ito at laking gulat niya kung sino ang dumating?

-------------
Sino ang dumating?? Kilala kaya ni Yasmin? Bakit siya nagulat? Sino pala?

Pls. Drop your reactions below. Salamt. Keep updated.  

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon