((warning...spg alert))
Napakaganda ng panahon. Ang sikat ng araw ay nagpapahiwatig ng magandang bukas. Maririnig mo ang alon sa dagat at ang ingay ng mga ibon. Ang napakahabang kurtina ay sumasayaw kasabay ng hanging malumanay.
Nagising na si Yasmin at dahan dahan niyang minumulat ang mga mata. Nasisilawan siya sa sikat ng araw. She rub her eyes with her right hand habang ang isa ay nakahawak sa kumot na nakabalot sa kanyang hubad na katawan.
" Umaga na pala.." mahinang sabi nito. Lumibot ang kanyang paningin sa buong kisame. Nakaramdam ito ng pagod at kakaiba sa katawan.
Papikit pikit pa ito habang kumukuha ng lakas.
Bumangon siya ng dahan dahan na hawak pa rin ang kumot nito." Ano ba ito.. Ang sakit ng katawan ko!" pagrereklamo ni Yasmin. Mukhang naubos ang lakas niya sa ginawa nilang kababalaghan.
Hanggang medyo nagising na ito at may naalala." teka.."
Naalala ni Yasmin ang nangyari sa kanila ni Arthur.
" Tama pala.. Kagabi.. Panaginip lang ba iyon?"
Tiningnan niya ang sarili sa loob ng kumot at nakitang nakahubad ito." totoo pala iyon..hindi na iyon panaginip.."
Napalingon si Yasmin at nakitang nakadapang natutulog si Arthur sa kama. Kahit nakadapa ay nakaharap ito sa kanya. Walang saplot rin ang binata at may kumot lang ito sa ibaba.
Huminga ng malalim si Yasmin at pinalakas ang loob.
" totoo iyon Yasmin!" kinakausap niya ang sarili.
Humiga pabigla si Yasmin at hinawakan ang kumot ng mahigpit. Napatingin sa kisame si Yasmin at napapakagat - labi ito.
" Ano ba ang nangyari sa akin at binigay ko agad! Haist!" bulong ng isip ni Yasmin at pinupukol ang ulo nito ng kaliwang kamay. " Ginayuma yata ako!"
Napalingon si Yasmin sa harap ng binata.
Napatitig siya sa mukha ni Arthur.
" Ang cute mong matulog!" kinikilig si Yasmin. Mas lumapit ito at tinitigan ang binata.
She touch his nose going down to his lips with her index finger.Napapangiti si Yasmin habang nilalaro niya ang ilong at labi ni Arthur.
Hmmm." Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Arthur na nakapikit ang mga mata.
Nagulat si Yasmin na nagsalita si Arthur.
" Gising ka na?"
" Hindi ba halata?"
Gumalaw si Arthur at nilapat ang likod sa kama. Napaharap na siya sa kisame pero ang mata niya ay nakapikit pa rin.Naguguluhan si Yasmin kung talagang gising na ba talaga siya. Hindi na gumalaw ulit si Arthur.
Kitang kita at nakalantad na ang abbs nito.Siniguro ni Yasmin kung gising na ba talaga siya. Lumapit pa siya ng kunti hanggang sa may balikat ng binata. Pinagmasdan niya ang mukha hanggang pababa sa abbs ni Arthur.
" Natutulog ka ba?" tanong ni Yasmin.
Hindi sumagot si Arthur.
" Gising ka na ba?" medyo tumataas na ang boses nito.
Hindi pa rin siya sumagot.
Inihawid ni Yasmin ang buhok nito sa sariling tenga. Pinagmasdan niya ulit ang katawan ni Arthur na kitang kita na niya ang abbs." Nakatitig ka na naman!" wika ni Arthur.
Nagulat si Yasmin. Muntik na niyang mahawakan ang abbs ni Arthur ng nagsalita ang binata. Idinilat ni Arthur ang kanyang mga mata at agad hinawakan ang batok ng dalaga para mapalapit sa kanya at mahalikan. Nag-abot ang mga labi nilang dalawa.
"hmmm.." nanlaki ang mga mata sa biglaang ginawa ni Arthur
Nagpumiglas ang dalaga.
"Ano ba!!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomantiekNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...