Chapter 19.4

970 19 2
                                    

((warning! Spg alert)

Nakatanggap ng tawag si Fara mula sa isang hospital. Nagmadali siyang pumunta roon at malaman ang kalagayan ng kuya niya.

" Kumusta po ang kuya ko?" nag-aalalang tanong ni Fara sa doctor. " Ano po ang nangyari?"

"Nabangga ang sasakyan niya ng isang meat van. Nakainom ang driver ng meatvan kaya nangyari iyon," sabi ng nurse.

" May mga fractures siya pero matindi ang tama sa kanyang ulong bahagi. Ginawa na namin ang lahat. Kailangan nalang natin obserbahan siya at maghintay na gumising siya," paliwanag ng doctor.

" Anong ibig ninyong sabihin? Maaring may complications o after na result pagkatapos ng operations?"

" Ganoon na nga. Hinihintay pa namin ang result sa mga test niya!"

" pwede ring magkaroon siya ng amnesia o sakit sa ulo?"

" Hindi natin masasabi!" wika ng doctor.

Pinuntahan ni Fara si Xian sa kwarto. Naroon ang binata at nakahiga. May band-aid sa ulo at may dextrose sa gilid nito.

" kuya.." naaawang sabi ni Fara. Napapaluha si Fara habang pinagmamasdan ang kuya niya.
-------

" Tama na iyan, marami ka ng ininom!" sermon ni David kay Yasmin.

" Hay naku, ang sabi ko nga, hindi ako lasing!" naiinis na tono ng boses ni Yasmin.

"Iuuwi na kita. San ka ba umuuwi?" tanong ni David.
Napatingin si Yasmin sa binata na nakasingkit ang mga mata, " Para ka namang boyfriend ko kung umasta! Excuse me, hindi tayo!" sabay inom ng isa pang baso.

" Okay, concern na kaibigan lang!" paliwanag ni David. " Tara na! Ihahatid na kita!" Hinawakan ni David ang braso ni Yasmin para tumayo ito.

May pumasok sa isip ni Yasmin at napangiti ito. " Tara!"

"huh?" reaction ni David.

Hinawakan ni Yasmin ang kamay ni David at hinila ito. Lumabas sila ng bar.
-------
" Bakit ka magchecheck in? Saan ka ba umuuwi? Di ba may condo unit ka?" tanong ni David na nakatayo sa may likuran ni Yasmin habang nasa front office desk ng dormitel.

" Room 207 po.. Enjoy your stay!" bati ng front officer.

"Tara! Ihatid mo ako!" sabi ni Yasmin. Still, hawak niya ang kamay ni David.
" Teka Yasmin, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"

" Ayokong pang umuwi!" sagot ng dalaga.

At room 207
Binuksan ni Yasmin ang kwarto. Naunang pumasok si Yasmin. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto. Maliit lang ang kwarto. May master bedroom na may puting kumot, unan at bedsheet. May maliit na mesa at dalawang upuan. May sariling shower room sa loob.

" hmm.. nice!" sabi ni Yasmin.
Nakatayo sa may pinto si David at pinagmasdan si Yasmin na tinitingnan ang buong kwarto. Umupo si Yasmin sa kama at niraramdam kung gaano ka lambot ito.

" Okay ka na ba rito?"
" okay na! I think its comfortable.." sagot ni Yasmin.

" Sige, alis na ako!" sabi ng binata.
Napatingin si Yasmin kay David.

Bubuksan na sana ni David ang pinto ng biglang
" Wait!"
" huh?" napatigil ito at napalingon kay Yasmin. " Bakit?"

Tumayo si Yasmin at lumapit kay David. Biglang hinawakan ni Yasmin ang pisngi ng binata at hinalikan ang labi nito.

Nagulat si David. She closed her eyes but nanlaki ang mata ni David. Hindi niya ito inaasahan. Napadiin si David sa pinto kaya she suddely locked the door na nasa likuran lang ni David.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon