Nakarating na sila sa isla na kanilang pupuntahan. Napakaganda ng buong isla. Para itong isang paraiso. Kulay bughaw ang dagat at puti ang buhangin. Masarap at presko ang hangin.
Sa isla ay naroon ang isang kilalang resort na binabakasyonan ng mga mayayayman at kilalang tao.
Malaki ang hotel kung saan nanatili ang mga bisita.
" Good morning sir, maam!" bati ng mga trabahador sa hotel.
Sinalubong sila ng mga musika at kantahan.
Kinuha ng bellboy ang mga gamit nila at ihahatid sa kanilang kwarto.
" Sa 508 po kayo sir at ang isa sa 310," sabi ng front officer.
" okay, " sagot ni Arthur. "Tara!"
" Sa 310 ako? Tama ba?" tanong ni Yasmin. Hindi siya pinansin at sinagot ni Arthur.
Nasa elevator na silang tatlo. Naghihintay si Yasmin na pansinin at sagutin siya ni Arthur pero napakaseryoso nito.
Hanggang huminto ito sa 3rd floor.
Napangiti si Yasmin at ready na lumabas. " Narito na!"
Bumukas ang elevator. Lalabas na sana si Yasmin ng pigilan siya ni Arthur. Hinawakan niya ang wrist ni Yasmin. Nabigla si Yasmin at napalingon kay Arthur. Nagtataka siya.
" huh?"
Nagpaalam na si Leo sa kanila, " Mauna na po ako sir."
" Teka teka.. Saan ka pupunta Sir Leo?" nagtataka si Yasmin.
Napangiti si Leo at tuluyan ng lumabas. Sumara na ang elevator at nagpatuloy ito.
Napatingin si Yasmin kay Arthur. " Anong ibig sabihin nito?"
Hindi pa rin sinasagot ni Arthur ang dalaga. Napakaseryoso ng mukha ng binata na para bang hindi nakikinig.
Nakarating na rin sila sa fifth floor. Bumukas ang elevator at lumabas na sila.
Patuloy sa pagtatanong si Yasmin habang naglalakad sila patungo sa kanilang kwarto.
" Huwag mong sabihin na iisa tayo ng kwarto!?"
" Sa tingin mo?" sagot ng binata sa unang pagkakataon.
Binuksan na ni Arthur ang kwarto at pumasok siya. Sumunod naman si Yasmin.
Namangha si Yasmin pagkakita sa loob ng kwarto. Napakaganda nito. May bintanang malaki na kita ang tanawin na blue na blue na dagat.
" Wow! Ang ganda!"
May mesa, upuan at malambot na couch. Malaki ang kwarto na para bang iisang bahay. Malaki ang kama. Ang mga gamit ay kumikinang at ang iba ay ginto pa. Mas malaki pa ito sa kwarto ni Arthur sa bahay. Talagnah special ang kwartong ito para sa mga vip na mga guest.
" Nagustuhan mo ba?" tanong ni Arthur na nakangiti.
" okay na ako dito!" sagot ni Yasmin.
" So okay na tayo?"
" Pero hindi ako okay na kasama kita sa iisang kwarto!" mataray na sabi ng dalaga.
" Wala ka nang magagawa. Boss mo ako at dito ako matutulog!" pang-aasar ni Arthur.
" Tama pala, nakalimutan ko na servant mo pala ako sir!" naiinis na sagot ni Yasmin.
" But, pwede naman na hati tayo sa kama katulad ng dati. Kung okay lang sa iyo? Basta ako, okay lang sa akin."
" Hindi nah, sa couch nalang ako mamaya!"
Umupo si Yasmin sa couch at iwas tingin ito kay Arthur. Naiinis siya kapag kaharap niya ang binata na palaging inaasar siya.
Napangiti si Arthur habang pinagmamasdan ang dalaga.
-------
" Kumusta na kaya ang dalawang iyon? Hay naku,si sir talaga! Kung gusto niya si Ms. Yasmin kailangan na niyang sabihin. Whew!" nagsasalitang mag-isa si Leo habang nag-aayos ito ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
