Nasa kwarto na si Yasmin at nagpapahinga. Nahilo siya bigla noong nasa party habang kaharap si Marga. Sinamahan naman siya ng asawa at isinuri ang kalagayan nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Arthur sa doktor. "Napapansin ko po na madalas siyang nahihilo o di kaya madaling maghina. May kinalaman ba ito sa pagbubuntis niya?"
Tahimik sandali ang doktor na mukhang may seryosong iniisip.
"Anemic ang asawa ninyo kaya nakakaranas ito ng pagkahilo at panghihina. Maaring kulang siya ng mga bitamina at higit sa lahat ay iron. Isa rin ang stress at pagod na nagpapahina rin sa kanya.""Huh?" Medyo kinakabahan si Arthur sa pinagsasabi ng doktor. "So ano ang dapat naming gawin doc?"
"Kailangan niyang uminom ng mga iron supplement at mga bitamina para sa pagbubuntis niya. Kailangan rin niyang kumain ng mga masusustansyang pagkain at iwasan ang stress at sobrang pagod. Nakakasama ang stress sa kanya." paliwanag ng doctor. "Alagaan mo ang asawa mo."
"Sige po, maaasahan ninyo doc. Salamat."
Ngumiti ang doctor kay Arthur at tinapik ang balikat nito.Sinamahan ni Leo ang doctor palabas ng kwarto kaya naiwan si Arthur roon. Napatingin si Arthur sa asawa na mahimbing na natutulog.
"I promise you that I will protect you.."
Nilapitan niya ang asawa at humiga ito sa tabi ni Yas. Dahan dahan niyang ipinasandal niya ang ulo ni Yasmin sa kanya at ginawang unan ang balikat nito.
At ng nakasandal na ang ulo ni Yas sa balikat ni Arthur, hinalikan ni Art ang noo ng asawa."Magpahinga ka muna aking Reyna.."
----------
Masaya si Odette sa nangyari kay Marga ng pinaalis ito sa party. Nagpatuloy ang kasiyahan at kainan sa hall kahit wala ang mag-asawa. Ipinagpatuloy nila para sa mga bisita at panauhin.
Hindi pa rin maiiwasan ang kwentuhan at pagtataka sa mga nangyari. Ang iba ay nagulat sa mga nalaman nila. Usap-usapan ang biglaang pagpapakasal ng boss nila."Siya ba ang asawa ni boss?"
"Nabigla talaga ako, kasal na si boss!"
"Nagbakasyon lang si sir abroad, pagbalik may asawa na!"
"Ang swerte ng babaeng iyon, si sir pa!"
"Hindi ba kakilala siya ni Marga, yong asawa ni Sir.?"
"Akala ko ba may relasyon sina Marga at sir?"
"Ano ka ba di ba kasal na si Marga!"
----------
Hindi makapaniwala si Marga sa kanyang nalaman. Nanggigigil siya sa galit.
Padabog na pumasok sa kwarto si Marga at itinapon niya agad ang kanyang shoulder ba g sa kama. Naiinis ito kapag naiisip niya ang mga nalaman niya.
Hindi niya mapigilan ang sarili at talagang umuusok ang galit niya. Sa inis niya ay iniwakli niya ang lahat ng gamit na nasa mesang katabi ng kama. Pinagtatapon rin niya ang mga gamit at binasag ang makitang plorera at frames."Ahhh!!" Galit nitong sigaw. Napapaluha siya dahil sa galit.
"Get lost Yasmin!" Sigaw nito sabay tapon sa isang plorera at nabasag ito sa sahig. "Mang-aagaw ka talaga!!"
Napaupo ito sa sahig na basang basa sa pawis. Para siyang nanghihina habang iniisip ito. Bakas sa mukha niya ang galit at inis. Nakasalubong ang kanyang mga kilay at umaapoy ang mga mata nito."Akin siya Yasmin.. ako ang nauna sa kanya kaya akin siya!! Pakialamera ka talaga!"
----------
Nagising na si Yasmin. Nakasandal ito sa asawa at ang unan nito ay ang braso ni Arthur. Dahan-dahan niyang idinilat niya ang mga mata at napansin si Arthur."Hon?" mahinang pagkasabi ni Yas.
Napadilat si Art ng marinig ang boses ni Yasmin. "Gising ka na pala.."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...