Hindi maalis sa isip ni Yasmin ang sinabi ng matanda kanina. Totoo kaya? Paminsan ay natutulala si Yasmin dahil sa kaniyang iniisip. Habang tinutulungan niya sila na bilangin ang pera na nakolekta sa sayaw, napansin ng dalawang bridesmaid na tulala ito." Ate, okay lang po ba kayo?" tanong noong isang bridesmaid.
" huh?"" May iniisip po ba kayo ate?" tanong nong isa pa.
" A, eh.. Wala.. Saan na ba tayo? Magkano ba ang nakolekta?" tanong ni Yasmin na medyo natataranta.
" Yasmin, pakisamahan ang bride at groom sa pag table hopping," sabi ni Dorara.
" Okay po," sagot ni Yasmin.
Tumayo si Yasmin at bago siya umalis sa may mesa ay sinabihan niya ang dalawang bridesmaid, " kayo muna ang bahala rito. Ingatan ninyo ang mga pera."" opo ate!"
Tinulungan ni Yasmin ang couple sa paglilibot sa mga table para magbenta ng cookies at polvoron. Habang ang isang kamay niya ay hawak ang isa pang basket, she's also touching her tummy. Nasa may likuran siya ng couple habang nakikipag -usap ang dalawa sa mga panauhin at siya naman ay panay tingin kay Xian na nasa malayo na nakikipag -usap sa mga tao.
" totoo kaya na buntis ako? Am I?" bulong niya sa kanyang sarili. She's touching her tummy habang nakatayo at nakasunod sa couple.
May halong saya at kaba ang kanyang nararamdaman. Masaya siya at matutupad nila ang hinihiling nilang bumuo ng pamilya pero hindi mawala sa isip niya ang mga posibleng mangyari at gulo sa pagitan nila ni Marga.
" Paano ko ba malalaman na talagang buntis ako? PT?" tanong na nasa kanyang isipan.
" May mabibili kaya rito na pregnancy kit? Medyo malayo layo rin ang hospital nila at maliliit na clinic. Wala rin silang mga malapit na botika rito. Haist!"
Hindi yata uso ang pregnancy test sa kanilang probinsya at walang nabibiling ganoon roon kaya umaasa na lang sila sa mga manghihilot. Kung meron nasa malayo pa mabibili.
Napansin ni Dorara na medyo wala sa sarili si Yasmin at matamlay ito.
" Yasmin, okay ka lang ba?" tanong na nag-aalala ni Dorara.
" huh?" medyo nagising na ito.
" Matamlay ka yata at wala ka sa sarili. Okay ka lang ba?"
" okay lang ako," pilit na ngumiti siya.
Bumalik na sa upuan nila ang couple at ang mga panauhin ay biglang nagpatunog sa kanilang mga baso.
"kiss! Kiss!" sigaw nilang lahat.
Nagkahiyaan pa ang dalawa sa harapan at naghaharutan. Kinikilig at nagkakatitigan ang magcouple.
"kiss! Kiss!" sigaw nila.
" Ang cute nilang tingnan," sabi ni Yasmin na naiinggit.
" Hindi ko inaasahan na ganito ka aga mag-aasawa ang kapatid ko," wika ni Dorara.
" para talaga sila sa isa't isa. I am happy for them," patuloy na sabi ni Yasmin.
" eh kayo, kailan kayo ikakasal ni Xian?" tanong na pabigla ni Dorara habang nakatingin sa couple sa harapan.
Napalingon si Yasmin kay Dorara dahil sa kanyang tanong.
" po?" nagulat ito." Wala ba kayong balak?" tumingin ito sa dalaga.
Nauutal si Yasmin, " huh? Eh? .. Ka--"
" kung mahal ninyo ang isa't isa, ipaglaban ninyo! Kailangan lang ninyong maging matapang at harapin kung ano man ang kahinatnan ng inyong mga desisyon. Sa sitwasyon ninyo ngayon, kailangan kayong magkasama sa laban. Magpakatatag kayo!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...