Napapaisip si Yasmin sa bago nilang boss habang nakaupo sa kanyang upuan. Kamukha niya si Xian at kapangalan ng kaibigan ni Arthur. Ang alam niya ay may kamukha si Xian na siyang kaibigan ng asawa niya. Pareho rin sila ng pangalan ng lalaking iyon. Pero nagtataka si Yasmin kung bakit mukhang hindi siya namukhaan ng boss niya. Nagkataon lang kaya?
"Naalala kaya niya ako? Siya kaya ang kaibigan ni Arthur?" Tanong ng isip ni Yasmin.
Lumapit si Jetty kay Yasmin sa kanyang mesa.
"May problem aba Ms. Yasmin? Mukhang may bumabagabag sa iyo!" Usisa ni Jetty.
Napangiti si Yasmin at sinagot niya ito. "Wala naman. May iniisip lang."
"Teka, nakilala mo na ba ang bago nating boss?" Excited na nagtanong ang dalaga.
Flashback
"Pasensya na po..." Paghingi ng paumanhin ni Yas ng nabitawan niya ang tasa.
"Tumayo ka at ipapalinis nalang natin iyan sa janitor." Ani ng boss niya.
"Ako na po ang maglilinis. Ako naman ang nakabasag sir!" Paliwanag ni Yasmin. Nagpatuloy si Yas sa pagliligpit ng kalat.
"Sige, hindi kita pipigilan. Ano ba ang pangalan mo?"
Napatigil si Yas at napalingon ito sa binata. Umangat ang mga mata niya sa binatang nakatayo malapit sa kanya. Hindi agad nakasagot si Yas sa tanong nito. Para bang may gumulo sa isip niya at may halong pagtataka.
"Yasmin sir.."
Hindi maalis sa isip niya ang pagtataka. Habang minamasdan niya ang mga mata nito at kilos ay para bang kilala niya ang lalaki. Tinitigan ni Yas ang mga mata ng boss niya na ang pangalan ay Leam. May kilala siyang Leam noon na kaibigan ng asawa niya pero biglang may naramdaman siyang kakaiba.
Umiwas agad ang tingin ni Leam kay Yasmin. Tumalikod ito at bumalik sa kanyang mesa.
End of flashback
Tumango si Yasmin. Nakita na niya at nakilala ang bago nilang boss.
"Di ba ang gwapo!? Type ko siya!" Kinikilig na sabi ni Jetty.
"Ganon ba.." reaction ni Yas.
"Feeling ko magkaka-boyfriend na talaga ako! Narito na ang destiny ko!"
Lumapit si Gray at sinermunan si Jetty.
"Ano k aba Jetty, may asawa na iyon!"
Napakunot noo si Jetty na humarap kay Gray. "Ano ka ba! Bawal ba mangarap!! Ang KJ mo naman!"
Palihim nalang na tumawa si Yasmin sa reaction ni Jetty. Nagpatuloy ang dalawa sa asaran hanggang umalis sila sa may mesa ni Yas.
Biglang may inanunsyo si sir Mateo sa lahat. "Makinig muna kayo..."
Lahat sila ay napatigil at tumingin sa manager na si sir Mateo at nakinig.
Nagpatuloy si Sir Mateo sa pagsasalita. " Gusto ni sir Leam na kumain tayo sa labas pagkatapos ng trabaho mamaya na kasama siya. Gusto daw niyang makilala tayong lahat! Treat niya!"
Natuwa sila sa narinig at nagsipalakpakan ang karamihan. Tuloy ay na-excite sila at binilisan ang mga trabaho nila para matapos ito agad. Gustong – gusto nilang makilala ang bago nilang boss.
Pagkatapos ng trabaho ay pumunta sila sa isang restaurant. Kahit simple lang ito pero ito na ang pinakasikat na restaurant sa kanilang lugar. May mga kaya lang ang palaging naroon at kumakain.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...