Isang enggrandeng kasalan ang naganap. Mula sa simbahan hanggang sa reception ay pinaghandaan talaga. Mamahalin at magaganda ang lahat ng ginamit na dekorasyon at mga gamit. Dumalo rin ang mga mayayamang investors at kakilala ni Arthur. Sa mansion ginanap ang reception. Mga kilalang cook ang kinuha at silang lahat ay magagaling. Inihanda nila ang iba't ibang klaseng putahi. Napakaraming bisita ang dumalo na pumuno sa bulwagan. Pinuntahan ni Harrold ang kaibigan para batiin ng harap-harapan. Suot ni Yasmin ang gawa nitong trahe de boda. Naalala pa ni Harrold noong araw na pinangako niya na siya ang gagawa sa isusuot nitong damit sa kasal ng kaibigan. "Congratulations!" Bati ni Harrold na nakasuot ng amerikanang may kakaibang taste ng fashion as a designer.
"Salamat Harrold.."sagot ni Yasmin nakangiti. Si Arthur na katabi ni Yas ay busy nakikipag-usap sa mga bisitang investors.
Naiyak si Harrold habang pinagmamasdan si Yasmin na suot ang damit.
"Bakit ka naiiyak?" pagtataka ni Yasmin
Napalingon si Arthur sa dalawa. Ngumiti si Harrold at pinahid niya ang kanyang luha ng kanyang dalang panyo.
"Napakaganda mo kasi sa suot mo. Bagay sa iyo!"
"Salamat nga pala sa gawa mo. Ang saya ko dahil ikaw ang gumawa nito. Napakaganda at nagustuhan ko."
"Masaya ako. Masayang - masaya ako para sa inyo!" Ani ni Harrold na tumulo ulit ang luha. Nagsalita si Arthur at nagpasalamat. "Salamat nga pala. Napakaganda ng gawa mo. Mas gumanda pa lalo ang asawa ko sa suot niya."
Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin at napalingon ang asawa rito. Ningitian naman ni Yas ang asawa.
"Maganda talaga si Yasmin kahit anong suot niya,"sabi ni Harrold.
"Ano ba kayo, nahihiya tuloy ako.."
"Ikaw talaga ang pinakamaganda, asawa ko!"
"Binibiro na naman ninyo ako!" Payuko-yukong ani ni Yasmin. Natawa si Harrold sa pinagsasabi ng kaibigan. "Napakahumble mo talaga Yasmin. Kahit anong sabihin mo, maganda ka inside and out!"
Ngumiti si Yas. "Salamat, Harrold."
"Masaya ako sa inyong dalawa. Binabati ko kayo!"
Pagkatapos bumati nito ay umalis na siya sa kinatatayuan nya. Pinagmasdan naman ng mag-asawa si Harrold.
"Napakaswerte kong magkaroon ng kaibigan na gaya ni Harrold. Napakabuti niya sa akin. Hindi man kami close noong mga bata pa kami pero siya ang nanatili sa aking tabi. Nariyan siya noong panahon na ako'y lugmok sa kalungkutan at pighati. Hindi niya ako iniwan. Naging tapat at totoo siyang kaibigan sa akin." Kwento ni Yasmin sa asawang katabi.
Sumagot naman si Arthur. "Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat kung kailan kayo nagkakilala at kung gaano katagal. Ang magkaibigan ay dapat totoo at tapat sa isa't isa. Hindi mananakit at hindi iiwan. Siya ang taong nariyan kapag kailangan mo siya at di ka iiwan sa ano mang pagsubok. Magkalayo man kayo, nasa puso ka nya at ika'y inaalala."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
عاطفيةNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...