Chapter 42

928 24 0
                                    


Nagsimula na magmeeting sila Arthur, Marga at iba pa. Nasa isang silid sila at seryosong nag-uusap. Ito ang first meeting nila para sa project. Si Yasmin naman ay matiyagang naghihintay sa hardin.
Halatang bored na ang buntis sa kahihintay sa asawa. Napapabuntong hininga nalang siya ng maraming beses. Kahit buntis ay palakad lakad ito sa hardin na pabalik -balik. May dala rin siyang isang daisy na unti unti niyang kinukunan ng petals.

"Hmmm? Kailan ba sila matatapos? Ang sabi ni Arthur madali lang sila at mamamasyal kami. Sigh! Dalawang oras na yata ang lumipas!" nakangusong pagsabi ni Yasmin.

Lumapit ang matandang maid sa kanya at binigyan siya ng juice, "Madam, umupo muna kayo at uminom.."

Napatigil sa kakalakad si Yasmin at tumingin sa juice.

"Umupo muna kayo at magpahinga. Nakakasama sa pinagbubuntis ang sobrang paglalakad." ani ng matanda.

Napangiti si Yasmin at sinunod ang payo ng matanda pero hindi niya tinanggap ang maiinom.
"Salamat po pero okay na po. Salamat sa pag-aalala.."

"Sige.." wika nito at umalis na rin.

Natatakot lang si Yasmin na uminom ng kung ano katulad ng nangyari sa kanya noon na may inilagay na pampalaglag ng bata.

"Wheew! Ang tagal ni Arthur! Paparusahan ko talaga siya! Hmp!" naiinis ang buntis.

Nakaraan ang tatlong oras at lumabas na sina Arthur at ang iba pa. Masaya silang nag-uusap palabas ng silid.
Medyo nakaidlip si Yasmin sa hardin at pagkagising niya ay ang una niyang nakita ay humawak sa braso ni Arthur si Marga pero saglit lang ito. Tinanggal naman ni Arthur ang kamay ni Marga sa braso nito agad pero nakita na ito ng asawa.
Hindi napigilan na magselos si Yasmin at mas lalong nainis sa asawa. "Abat.. matagal na nga lumabas at tinapos ang kanilang meeting, eh ganoon pa ang makikita ko!"

Tumayo si Yasmin at nakasalubong na ang kilay. Hindi na niya mapigilan na di mainis at maasar sa dalawa.
Umalis si Yasmin sa kinatatayuan pero nakita siya ni Arthur. Nagtaka si Arthur sa kinikilos ng asawa.

"Mamamasyal kami, sumama na kayo Sir Arthur.." yaya ng isa.
"Sabay sabay na tayong mamasyal.." wika naman nong isa pa.

"Tama, sumabay na kayo ni Yasmin.." ani ni Marga na maamo ang tinig.

"Pupuntahan ko muna ang asawa ko. Mauna na kayo.." sagoy ni Arthur.

"Hihintayin ka namin." insisted by Marga.

"Huwag na. Mauna na talaga kayo."
"Okay!"

Napataas ng kilay si Marga ng umalis na si Arthur. Umalis na rin sila at nagsimula ng mamasyal.

Samantala, bumalik pala sa kwarto si Yasmin. Nakaupo siya sa kama at halatang naiinis.
"Haist! Nakakainis!"
Moody yata ang buntis.
Kumatok muna si Arthur sa pinto, "Babe?"

Nakasimangot si Yasmin ng tiningnan ang pinto. Binuksan ni Arthur ang pinto at dahan -dahang pumasok.

"Babe, tara na! Mamamasyal na tayo!" yaya ng asawa.
Iwas tingin agad si Yasmin at halatang nagtatampo. Nagtaka si Arthur at napansing nagtatampo ang asawa.

"Okay ka lang ba babe?"

"Hmmp! Ikaw nalang o di kaya sumama ka na sa kanila!"

"Huh?"

"Dito nalang ako!" pagmamatigas ni Yasmin.

"Babe, di ba gusto mong mamasyal? Tara na!" yaya ulit niya.
"Sumama ka nalang kay Marga at sa iba pa!"

"Hm?" naguguluhang reaction ni Arthur.
Lumapit si Arthur at umupo katabi ng asawa. Umiiwas pa rin si Yasmin dahil nagtatampo pa rin ito.
"Ano ba ang nangyayari sa asawa ko? Nagtatampo yata.." paglalambing ni Arthur. Hinawakan niya ang balikat ni Yas at lumapit ang mukha nito sa may leeg. Dahan-dahan niyang inaamoy amoy ang batok ng asawa. Lumapat pababa sa braso ni Yas ang palad ni Arthur. Hinihimas niya ang braso nito ng malumanay.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon