Chapter 48.2

1K 38 6
                                    


Binisita ni Yasmin ang kaibigan sa kanyang boutique. Hihingi sana siya ng opinyon at suggestion kay Harrold na nag-aayos ng ball gown sa mannequin. Sa mesa naman ay may nakaslice na mangga at suka. Nakaupo lamang si Yasmin na nakaharap sa kaibigang busy sa pag-aayos. Sa gilid ni Yas ay ang mesang may pagkain.
"Kumusta ang trabaho?" tanong ni Harrold na nagpipin ng tela sa mannequin.

"Okay lang naman. May mga bagong nakilala at kaibigan.." sagot ni Yasmin. "Two weeks na ang nakakaraan noong nagtrabaho ako roon. I had fun actually!"
Habang nagsasalita ay kumakain si Yasmin ng mangga na inihanda ni Harrold.

Tinukso ni Harrold ang kaibigan,"Ayie, tapos sinundan ka talaga ng asawa mo! Ano ang pinakain mo sa kanya at patay na patay ang asawa mo?"

"Hmm? Wala naman.."

"Mahal na mahal ka talaga ni Arthur," masayang sabi ni Harrold. Napangiti naman si Yasmin at patuloy sa pagsubo ng mangga.

" In fairness, masarap ang manggang ito! Saan mo ba ito binili?" tanong ni Yas.

"Bigay ng client ko kanina."

"Ahh.. pagbumisita siya sabihin mo magdala pa siya."
Natawa si Harrold sa sinabi ng kaibigan. "Ito talagang si Yasmin, pilya kung minsan."

"Masarap talaga! Akin na ito lahat ha!" paniniguro ni Yasmin.

"Okay!"
Napatigil si Harrold at pinagmasdan si Yasmin habang kumakain na sarap na sarap. Natutuwa siya na makita ito na masaya.
Napansin ni Yas na nakatingin si Harrold sa kanya.
"Anong problema? Bakit ka pangiti -ngiti?"

Sinagot siya nito, "Natutuwa lang ako sa iyo. Alam mo kung iisipin ko at pagmamasdan ka, mukha kang naglilihi!"

Napatigil si Yas at nanlaki ang mga mata. "Huh?"

"Para kang buntis kung kumain. Naglilihi ka ba?"

"Hindi ah! Paano mangyayari iyon? Hindi ako buntis. Gusto ko lang talagang kumain." sabi ni Yasmin.

"Weh? Paano mo naman nasabi? Hindi ba kayo nag-s*x? Wala bang nangyaring pagtatalik ever since?" pag-uusisa ni Harrold.
Hindi makatingin si Yas at nag-iisip ito. "Uhmm.. "

"Aminin mo na nags*x kaayo!"

"Haist! Basta hindi ako buntis!" pamimilit ni Yasmin.

Nagpatuloy si Harrold sa ginagawa.
"By the way Harrold.. hihingi sana ako ng suggestions sa iyo.." mahinahong pakiusap ni Yasmin.

"Hmm? Ano iyon?"

"Sa makalawa, birthday na ng asawa ko at gusto ko siyang bigyan ng regalo."

"So, ano pala ang balak mong ibigay?"

Napabuntong hininga nalang si Yasmin, "Alam ko na mayaman na si Arthur. Nasa kanya na yata ang lahat.. pera, bahay, lupa, kotse, mga gamit at iba pa.. kaya wala akong maisip na especial!"

"Wala talagang naiisip?"

"Hmm.." napanguso si Yasmin habang nag-iisip.

"What makes him happy? Ano pala gusto nya?"

"Ang totoo may sinabi siya sa akin.." nahihiya itong sabihin. "Pero.."

Matapang na nagsuggest na si Harrold, "Ako pa sa iyo, bigyan mo siya ng anak!"
Nagulat at natahimik si Yasmin.

"Sigurado Yasmin, matutuwa siya kapag mabibigyan mo siya ng anak! Trust me!"

Natawa si Yasmin. "Alam mo, pareho kayo."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Nahihiya pa sa una na sabihin ni Yas ang hiling ni Arthur pero kalaunan ay nasabi rin niya.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon