Chapter 6.1

1.2K 21 0
                                    


Kumakain na silang apat ng dinner.

" Masarap pala rito. First time kong kumain rito," sabi ni David.

" Definitely! Masarap rito!" sabi naman ni Marga.

Si Yasmin ay nakayuko at nakatingin sa pagkain niya habang dahan- dahang sinusubo ang pagkain.

" Ano naman ang favorite food mo Yasmin?" tanong ni David.

" Huh? Ako?" reaction ni Yasmin.

Napatingin naman sila Marga at Xian kay Yasmin.

"uhm.. " hindi makasagot agad si Yasmin.

" Hilig mo ba ang shrimp? Heto!" David placed a piece of shrimp sa plato ni Yasmin.

Nabigla si Yasmin.

Agad namang kinuha ni Xian ang Shrimp sa plato ni Yasmin at kinain ito, " allergic siya nito! Bawal sa kanya!"

Nabigla sila sa ginawa ni Xian.

" Mas gusto niya itong carrots," sabi ni Xian habang kinuha ang carrots sa plato niya at inilipat sa plato ni Yasmin.

Mas nagulat si David at Marga pati Yasmin.

" Paanong.." pabulong ni Yasmin. Alam ni Xian ang hindi niya pwedeng kainin at hilig niya.

" Ahh ganoon ba! Sorry Yasmin, hindi ko alam. Mag - iingat na ko sa susunod." napahiyang sabi ni David.

" Hindi ko rin hilig ang shrimp kahit hindi ako allergic, di ba Honey?" sabi ni Marga.

" Kailan kayo nagkakilala ni Marga?" tanong ni Xian kay David.

" College, we were close," sagot niya na nakangiti.

" Ahhh, hindi ka kasi nababanggit niya sa akin," ani ni Xian na medyo seryoso.

" Kayo na ba no'n?" napatanong si David.

Nakikinig lamang si Yasmin habang umiinom ng kanyang inumin na naka-straw.

Marga interrupted, " Kami ni Yasmin ay bff from first year high school. Siya ' yong kinikwento ko noon na umalis at nagabroad!"

" Wow! Nag - aral ka pala sa abroad! How' s the experience?" namamanghang tanong ni David.

" Okay lang. At first nakakaculture shock at ibang - iba. Kailangan mag adjust," sagot ni Yasmin.

" Pagkaalis mo rito noon, ano ang namimiss mo? May namimiss ka ba?" tanong ulit ni David.

" Huh?" sabay tingin kay Xian.

Nagkatinginan ng ilang segundo sina Yasmin at Xian hanggang yumuko si Yasmin at umiwas si Xian.

" By the way, can I ask your number if you don't mind,?" nakangiting sabi ni David.

"uhmm..."

" I will give you," sabi ni Marga na agad kumuha ng maliit na papel at ballpen. Napatingin agad si Xian kay Marga na mukhang hindi gusto ang ginagawa ng fiancee.

" here," binigay ni Marga ang papel kay David.

" Marga.." pabulong na sabi ni Yasmin sa katabing kaibigan.

Bumulong rin si Marga kay Yasmin, " Ano ka ba, ibibigay mo rin naman di ba!?"

David dialed the number at nagring ang cellphone ni Yasmin.

" That's my number, " David said.

Hindi sinasadyang nalakasan ni Xian ang pagbaba niya ng kutsara sa plato at tumunog ito na mukhang nagdadabog.

Napatingin silang tatlo.

Tumayo bigla si Xian at kumuha ng pera sa wallet. He put some bills sa mesa, " mauna na ako sa inyo."

Nabigla sila.

Naglakad paalis sa mesa si Xian. Tumayo na rin si Marga, " Sige, mauna na kami. Maiwan muna namin kayo!"

Sinundan ni Marga si Xian na lunabas ng restaurant.

Naiwan ang dalawa sa restaurant. Tuloy, mas nahihiya si Yasmin at medyo kinabahan rin.

Pilit na hinahabol ni Marga si Xian na naglalakad sa daan.

" Honey!" sigaw ni Marga.

Hindi ito nakinig at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

" Honey! Honey wait for me!"

Still hindi ito lumingon.

Napakabilis ni Xian maglakad at si Narga ay nahihirapang humabol dahil naka high heels ito.

" Xian!!" sigaw ulit niya.

Tumigil si Xian.

Dali daling pinuntahan ni Marga si Xian.

" Ano bang problema? You are acting so strange!!" pasigaw na sabi ni Marga.

Humarap si Xian na nakakunot ang noo, " Anong problema? Ikaw ang may problema!"

" What?"

" Anong ginagawa mo sa kaibigan mo? Nagmumukhang binubugaw mo siya at pinipilit sa isang lalaki na hindi naman niya kilala." pagalit na sabi ni Xian.

" I'm just helping her. Beside, they will know each other kapag they will spend together. Gusto ko lang magkaroon siya ng boyfriend," paliwanag ni Marga.

" Kahit na.. Kung gusto niya, magkakaroon siya ng boyfriend. ' Yung tipong siya ang may gusto! Hindi yung nagmumukha siyang tanga at desperada!" galit na sabi ni Xian.

Naiinis si Marga at sinabing, " Are you jealous?"

" Kaibigan mo si Yasmin," sagot ni Xian.

" Ayaw mo bang magka boyfriend siya at maging masaya?" she asked.

" If she loves the person, she will be happy! Nasa sa kanya na kung gugustuhin niyang mag ka boyfriend!!" paliwanag ni Xian.

Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan dahil sa kanilang pagtatalo.

" haist" reaction ni Xian at bumalik siya sa dinaanan nila patungo sa restaurant. Nag - aalala si Xian kay Yasmin dahil iniwan nila ito kasama ang isang lalaking di kilala ni Yasmin.

Ngunit ng nakarating na sila malapit sa restaurant, napatigil sila. Nakita ni Xian na sumakay sa isang kotse si Yasmin na pinagbuksan ni David. Sasakyan ito ni David na kulay puti.

Napatingin nalamang si Xian. Pupuntahan pa sana niya sila pero pinigilan ni Marga si Xian. Hinawakan niya ang braso nito hanggang nakaalis na ang kotse.

Xian's pov.

" Why I 'm so protective? Am I? Bakit? Bakit ayaw kong makita si Yasmin na nasasaktan? Bakit gusto kong tulungan siya? I want to be with her side and protect her.

Ngayon, dahil sa hindi ko matiis na makita ang mukha at marinig ang boses ng lalaking 'yun, umalis ako at naiwan kang mag - isa kasama siya.

Nagseselos ba ako? Or naaawa lang ako?

------------------

To be continued.


PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon