________
Nasa isang bar si Mia at mag-isa ito. Maingay at nakakaaliw ang musika ang nasa bar ay wala siyang pakialam. Mukhang malungkot ang dalaga kaya napapabuntong-hininga.
Nakaupo ito sa may counter ng mga inumin at nag-order siya ng tequila. Hinahawakan niya ang kanyang cellphone at napatingin sa mga larawan na kunan kanina sa kasal.
"Buti pa si Yasmin, kasal na sa lalaking iyon. Mahal na mahal siya ni Sir Arthur. Masaya na silang magkasama.." Kinakausap niya ang kanyang sarili.Niscroll down pa niya at nakita ang picture nila ni Leo. Nakangiti sila pareho sa larawan.
Napangiti si Mia habang pinagmamasdan ang picture.Napabuntong-hininga ulit siya at naghihinayang. "Kailan ba siya aamin? Ang torpe nitong secretary ni sir Arthur. Eh, sana katulad siya ni sir. Hot, agressive and expressive. Hayan, tuloy ang kasal nila."
Patuloy si Mia sa katitingin sa mga larawan especially sa mukha ni Leo. Kaya naisipan niyang tawagan si Leo. Nasa phone book na ito at nakita na ang numero ng binata.
"Tawagan ko kaya siya..para samahan ako?" Napaisip ito.
Pero hindi niya itinuloy. "Huwag nalang. Baka isipin niya na napakaflirt ko. Dapat siya ang tatawag sa akin at hindi ako. Babae ako at siya ang lalaki!" Sinesermonan niya ang sarili.
Nakita rin niya ang numero ni Yasmin.
"Yasmin.." medyo napaisip ito. "I am alone..I'm sad. I need a friend.." Muntikan na niyang pindutin ang call pero napigilan niya ang sarili."Ano ka ba Mia, nasa honeymoon sila. Do not disturb!"
Napabuntong hininga ulit ito.
Pumasok sa bar si Pete at nagpunta sa may counter para mag-order ng maiinum. Napatingin si Mia sa binatang dumating na malapit sa kanya.
Ngumiti si Mia at binati ito. "Hi!"
Napalingon si Pete kay Mia. Napatingin siya sa mukha pababa sa hita na nakaupo. No reaction si Pete pagkakita niya kay Mia na mukhang hindi niya namukhaan at kilala.
Hanggang nagsalita ulit si Mia, "Hindi ba ikaw iyong kaibigan ni Sir Arthur?""Huh?"
"Nakita kita sa kasal ni sir kanina.."
Nakuha na rin sa wakas ni Mia ang atensyon ni Pete.
"Naroon ka kanina sa kasal?"
"Yup, kasi kaibigan ako ni Yasmin. Bff kami non!"Mukhang nabuhayan si Pete ng marinig ang pangalan ni Yasmin. Napangiti ito.
"Ahh, kaibigan ka pala niya..""Yes!"
Nakangiti si Mia na talagang proud sa kaibigan.
"Kaya pala, you are also pretty like her.." pambubula at da moves ni Pete.Nagblublush na tuloy si Mia dahil sa mga narinig na papuri nito. "Mas maganda lang siya sa akin.."
"Maganda ka rin.. so don't worry.. "
Umupo sa tabi ni Mia si Pete. "So ano ang pangalan mo?"
"Mia..ikaw?"
"Pete."
"Ang gwapo mo gaya ni Sir Arthur.."
"May crush ka sa kaibigan ko?"
Napahindi si Mia agad, "Hindi ah! Siya ay para sa kaibigan ko. Baka isipin mo na may crush ako don. Hindi ko tratraydorin ang kaibigan ko."
"Ahhh.. kasi ako, crush ko ang kaibigan mo!"
Nagulat si Mia sa nalaman."Huh Ano?"
Napainom na si Pete sa iniorder na alak. Napatingin at hindi makapaniwala si Mia sa sinabi ng binata.
Pagkatapos nitong uminom ay nagsalita ulit ito. "Your friend is pretty. I like her."
Walang pagdadalawang isip na umamin si Pete kay Mia.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...