Chapter 10.3

1.1K 25 0
                                    

Nakatitig ang lahat sa pagdating ni Yasmin. Hindi makapaniwala ang mga classmates at schoolmates niya dahil ibang - iba na talaga siya.

" Siya ba talaga si Yasmin, she looks different!" hindi makapaniwala si Helen.
" Ibang - iba na talaga siya," sabi ng isa.
" Hindi ko talaga siya nakilala!"
" She's so pretty!"

Nakikinig lang si Harrold sa mga sinasabi ng iba na nasa malapit niya. Pabulong niyang sabi sa sarili, " mainggit kayo sa friend ko! The ugly duckling na inyong inaaway turns into a beautiful swan!"

Nagkaharap na sina Xian at Yasmin.
Xian was smiling at talagnag hindi maalis ang mga mata kay Yasmin.
Nahihiya tuloy si Yasmin dahil lahat ay talagang nakatingin sa kanya. She felt awkward. Naaalala tuloy niya kung paano siya binubully noong bata pa siya.

Flashback
Pinapaalis siya sa upuan at pinapalipat sa iba.
" Doon ka umupo."
Yasmin was sad at lumioat sa ibang upuan.
Pinagtatawanan siya.
Nagbubulungan ang ibang bata, " Ang pangit niya!"
" Gaganda pa kaya ang ganyan?"
" Tingnan mo ngipin may wires!"
Tumatawa sila habang naglalakad si Yasmin.
They bullied her.

End of flashback--
Napatanong siya kay Xian, " Pangit ba? Hindi ba bagay sa akin ang damit ko?" nag - aalalang tanong niya.
He smiled and said, "You are so gorgeous!"
" huh?" namumula si Yasmin.

Mas lumapit si Harrold sa kanila.
" Ang ganda mo Yasmin!"sabi ni Harrold na proud na proud sa kaibigan.
" Talaga?" hindi makapaniwala si Yasmin.

" Totoo ang sinasabi ni Harrold. You are so pretty. Mas gumanda ka!" Xian said.
Yasmin smiled.

Lumapit si Helen at ang dalawa niyang side kick, " hindi kita nakilala Yasmin, you look so different!"
Sumagot si Yasmin na medyo sarcastic, " You look so familiar.. But sorry, hindi kita kilala."
Then umiwas tingin si Yasmin.

Na-offend si Helen.
" Wait, hindi mo ako kilala?" hinawakan niya ang braso ni Yasmin kaya napatingin ito ulit sa kanya.

Yasmin's pov
Kilala ko si Helen. Isa siyang cheerleader at president ng fans club ni Xian. She's popular sa mga lalaki dahil sa kagandahan niya. Medyo maarte at sosyal. Ang hindi ko makakalimutan sa kanya, hindi niya ako pinasali sa club.

Flashback---
" Sorry pero hindi kami tumatanggap ng mga.. You know--" pasikot - sikot na sabi ni Helen.
But her side kick said directly, " mga pangit--"

"When I heard it, talagang nasaktan ako.. Hindi ba pwedeng humanga ang isang kagaya ko?"

End of flashback--

" Nagpapatawa ka ba? You mean, you don't know me? Ako lang naman ang presidente ng fans club ni Xian remember?" naiinis na sabi ni Helen na mukhang uusok na sa galit.

Napakaseryoso nilang dalawa.

" Tama na yan!" awat ni Xian. Nagpagitna ito.

Hinawakan agad ni Helen ang braso ni Xian at pumulupot ito sa kanya. " Okay Xian. Tara, umupo na tayo roon."
Hinila niya ang binata.

Nabigla sina Harrold at Yasmin.

" Aba naman tong Helen na ito!" naiinis na sabi ni Harrold.

Nabigla si Xian sa ginawa ni Helen sa paghatak sa kanya patungo sa mesa.

" Maaari na kayong pumunta sa mga mesa," sabi ng emcee na nasa harapan. " Magsisimula na tayo!"

"Helen! Ano ba?" tinanggal niya ang kamay ni Helen na nasa braso nito.

" Dito ka na umupo katabi ko," pasweet na sabi ni Helen.

Lumingon si Xian kung nasaan si Yasmin. Nasa may likuran sila ni Harrold.

" Bro, umupo ka na!" sabi ni Aljun, kasamahan niya sa basketball team.
Sa isang mesa, may walong mga upuan. Sa mesa kung saan uupo si Helen ay naroon ang apat niyang kasamahan sa varsity.

Nakatayo si Xian at pinagmasdan si Yasmin na nakaupo na kasama pa ang pito pa. Nakatingin rin si Yasmin sa kanya..
Gusto man na magkatabi sila ni Yasmin pero parang hindi na mangyayari ito.
Pinaupo na si Xian ni Kurt. " Umupo ka na!"  at umupo rin siya.

Katabi ni Xian si Helen at sa kabila ay si Kurt.

The programme started already.

Si Kurt na nasa kaliwa niya ay napakadaldal. Panay kwento ito. Si Xian naman ay mukhang nakikinig pero hindi pala.

Nagkaroon ng mga mensahe ang ilang tao para masimulan ang kasiyahan. Sumunod naman ang salu- salo na nakaplate in ang mga pagkain. Habang kumakain, naka-play ang isang slide show sa projector screen ng mga larawan nila noong elementary pa sila.
Nagtatawanan sila habang pinapanood nila ito.
Talagang malaki ang mga pinagbago ng lahat. Napakadungis nila noon at mukhang mga nanglilimos. Hindi mo akalain na sila 'yon noon. Kahit si Yasmin ay iba na talaga. Ang ibamg babae ay walang suklay at make - up. Ang boys ay naka- sando at hawak - hawak ang mga polo nito na napakarumi. Ang badoy ng mga suot nila noon. Ang payat payat ni Harrold na parang liliparin na sa hangin. May mataba noon na ngayon ay slim na. May payat noon na may laman at chubby na. Ang maliit  noon sa grupo ay siyang matangkad na ngayon. Si Xian naman, gwapo na siya noon at mas gumawpo pa ngayon at macho na. He is neat since then kaya maraming naaattract sa kanya. Lumipas ang mga taon at talagang malaki ang pinagbago ng nakararami. Ang iba sa kanila may asawa na at mga anak. Kaunti nalang ang hindi pa at isa na roon si Yasmin.

Pagkatapos ng palabas, nagkaroon sila ng palaro. Mahirap man na maglaro dahil sa mga suot nila na gown, ito ay challenge nila and for fun!

" Maglalaro tayo ng paper dance! So look for a partner. Dapat girl.amd boy ang mag partner!"

Agad nagjanap sila ng partner.
Ngumiti si Helen at aalukin sana niya si Xian pero tumayo ito bigla at umalis, " Xian..magpartner tay--" hindi na ito natuloy.

Pinuntahan ni Xian si Yasmin sa may likuran.

Nainis si Helen. Napatingin rin sina Kurt kay Xian ng umalis ito at napahiya si Helen.

" Yasmin, pwede ba kitang mapartner?" tanong ni Xian.
" Huh?"

Harrold push her to agree, " pumayag ka na.."
" pero.."

Xian holds her hand at pinatayo niya si Yasmin. Pumayag rin siya sa wakas.
" Aiyee," kinikilig si Harrold habang pinagmamasdan ang dalawa.

Pumunta na ang lahat sa harapan. May labing- limang pares lamang ang sumali at isa na roon sina Xian at Yasmin.

Ang gagawin ay Paper dance na ang gamit ay newspaper.
The emcee said the mechanics: Sasayaw kayo habang may musika. At kung wala ay kailangan ninyong apakan ang papel na hindi lalagpas ang mga paa sa papel. Maaari niyong kargahin o kahit anong gawin ninyo basta hindi mawawala ang inyong paa sa papel. Matatanggal kapag may lalagpas at wala sa papel. Pipiluin ito ng paliit ng paliit  hanggang may magwawagi.
Ready?

Ready!!

Nagsimula na ang musika. Madali ang mga unang bahagi na malaki ang papel. Ang napakahabang gown nila ang nagpapahirap sa mga babae kaya hawak - hawak talaga nila ito. It was so challenging.

Music please!!

Stop!
May natanggal na pares.

Music!!
Nakatitig sa isa' t isa sina Xian at Yasmin. Nakangiti habamg sumasayaw. Hawak ni Yasmin ang dulo ng gown niya para hindi ito gaanong balakid. Sumasayaw sila sa tugtog ng musika.
Naka- 1/4 na  ang newspaper. Medyo cahallenging ito but kaya pa sa tatlong paa.

Stop!
Agad humawak si Yasmin sa batok ni Xian habang ang isang kamay sa gown niya. Niyakap ni Xian si Yasmin sa bewang at likod. Nakahakbang ang dalawang paa ni Xian at ang isang paa ni Yasmin sa papel habang ang isa ay nakataas ito. Nagkadikit ang mga katawan nila. Napakalapit ng kanilang mga mukha.
Nakatitig ang mga mata nila sa isa't isa.
Mas hinigpitan ni Xian ang pagkakayakap kay Yasmin kaya mas napapadikit ito sa katawan ng binata at napalapit ang mukha nito.

Laking gulat ng lahat. Nakatitig sa kanila at mukhang kinikilig sa mga nangyayari.
Bumulong si Xian, " You are so beautiful mula noon hanggang ngayon.."

Mas namula si Yasmin.

--- to be continued

Aiyeee.. Kinikilig si Yasmin... Aminin!!

Anong say mo Helen?
Lol. Drop your reactions.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon