Chapter 46.2

905 21 0
                                    

Nagmamadaling bumalik si Mrs. Maddie sa opisina niya dahil naiwan nito ang cellphone niya.
"Haist, makakalimutin na ako! Bakit ngayon pa!?"naiinis na sabi sa kanyang sarili.
Pumunta siya agad sa opisina niya. Medyo madilim ang hallway kaya nagmadali na itong pumunta sa opisina niya. Pagkarating niya roon ay kinuha agad ang cellphone at nilock agad. Napalingon siya sa may naka-on na ilaw. Nagtaka ito dahil may tao pa pala.
"Mesa iyon ni Ms. Yasmin.. nandito pa siya?"
Pinuntahan niya ang mesa ni Yas para alamin kung anong ginagawa o tinatapos sa ganoong oras.
"Gabi na at di pa siya umuwi? Hmm.."

Pagkarating niya ay di niya nakita si Yasmin sa mesa. Mas lalong nagtaka ito. Mukha namang hindi pa ito umuuwi. Nakita pa niya ang shoulder bag nito sa gilid.
"Baka nagCR.." konklusyon ni Mrs. Maddie.
Pero napansin na niya rin na medyo may ilaw ang opisina ng boss nila.

"Teka, hindi pa siya umuwi?"
Nacucurious nalang siya kung anong ginagawa ng boss nila sa ganoong oras.

Naka-dim light ang opisina ni Arthur kaya hindi halatang may tao pero nasa loob siya at kasama niya si Yasmin.
Nasa sofa sila Yasmin at Arthur na naglalambingan. Naghahalikan sila sa gabing matahimik. Walang saplot sa pang-itaas si Arthur na yakap -yakap ang asawa habang hinahalikan. They kissed romantically.
Mapupusok na mga halik ang ibinigay ni Arthur kay Yas. Sabik na sabik ang bawat dila nila na tikman ang bawat isa. Kinakapa ni Arthur ang dila ni Yas gamit ang sariling dila para sa masarap at kaaya -ayang halikan.

Ang hindi nila alam, nanonood si Mrs. Maddie sa kanila. Nagulat ito at napatakip ng bibig. Nakita niya na may kasamang babae ang boss nila.

"Sino ang babaeng kasama niya?"

Nakatalikod si Yasmin na nakaupo sa sofa kaya hindi niya namukhaan. Nagsalubong ang kilay ni Mrs. Maddie at tinititigan niya ang babaeng kasama. Mananatili siya roon hangga't malaman niya kung sino ang kasama nito. She's just curious.

Nagpatuloy ang maiinit na halik nila sa sofa. Ang mga kamay ni Arthur ay makulit na hinihimas ang likod patungo sa hita ni Yas. Bumababa rin ang mga halik niya sa may leeg at dibdib nito.
Napatitig si Mrs. Maddie sa katawan ni Arthur na talagang nakakatakam.

"Oh my!" Kagat labi nitong reaction. "Ang gwapo at matipono talaga ni Sir!"

Biglang may pumasok sa isip ni Mrs. Maddie tungkol sa ilaw sa mesa ni Yasmin. Nasaan si Yasmin?
"Nasaan ba si Yasmin. Impossible naman siguro na siya iyon!" naguguluhan ang utak ni Mrs. Maddie. "Nananaginip lang siguro ako. Si sir at Ms. Yasmin? Di iyon mangyayari siguro! Hmm. Nasaan si Ms. Yasmin?"

Nanatili pa rin si Mrs.Maddie sa kinatatayuan niya sa may gilid ng pinto. "Bakit ba ako narito? Anong pakialam ko kung may kahalikan ang boss namin. Hmm. Hanapin ko nalang si Ms. Yasmin."
Aalis na sana siya nang..
Pinatigil ni Yas si Arthur sa ginagawa, "Teka lang.."

"Hmm? Bakit?"tanong ni Arthur.
Tumayo si Yasmin at sinabing, "May tatapusin pa akong reports.."
Paglingon ni Mrs. Maddie sa kanila ay nagulat talaga siya sa kanyang nakita. Nakita niyang kung sino ang babaeng kasama ng boss nila at iyon ay walang iba si Yasmin.

"Ms. Yasmin? Oh my ghad!"
Tumayo rin si Arthur at niyakap ang asawa. "Dito ka lang!"
"Pero.."
"Huwag mo ng isipin ang mga reports.. ako lang dapat ang isipin mo!" romantikong sabi ni Arthur. He kissed her cheek.
Niyakap rin ni Yasmin si Arthur then she wrapped her arms on Arthur's neck.
Pinasandal ni Arthur si Yasmin sa mesa nito. Hinawakan niya ang hita ng asawa at sinimulang haplusin ng mga palad ni Arthur.

"Omg!" reaction ni Mrs. Maddie.

Kinuha niya agad ang cellphone nito.
Mainit ang halikan nilang dalawa. Hindi napansin ni Arthur na hindi suot ni Yas ang kwentas. Nawala rin sa isip ni Yas na sabihin sa asawa ang tungkol rito.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon