Nasa banyo si Yasmin at naliligo. Pagkatapos magtampisaw sa beach ay naligo na ito at nagbanlaw. Hindi niya akalain ang mga nangyayari sa kanya sa mga nagdaang araw hanggang kaninang umaga. Hindi sumagi sa isip niya noon na magkakagusto si Sir Arthur sa kanya.Isinara na niya ang shower at kinuha ang bath robe na nakasabit. Binuksan niya ang sliding door at nagtungo sa salamin na naroon rin sa banyo. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin.
Yasmin's pov
"Hindi ko akalain na mangyayari ito. Naaalala ko ang mga sinabi niya at kung paano siya nagtapat sa akin. Ang mga titig niya na nakakatunaw ng buong katawan ko pati ang kaluluwa. Ang kislap ng kanyang mga mata na nakakapang-akit. Ang labi niyang napakasarap halikan."Hinahawakan ko ngayon ang aking labi habang kinakagat ko ang hintuturo ko.
"Nararamdaman ko ang haplos ng kanyang kamay na pumipisil sa aking dibdib. Ang bawat halik niya sa aking leeg ay nakakapanggigil. Kinikiliti ang aking katawan. Sa pagbaba niya ay ramdam ko ang init na bumabalot sa buong pagkababae ko."
Hinihimas ko ang aking katawan pababa habang naaalala ang aming ginagawa. Tuloy nahulog ang tuwalyang nakabalot sa aking katawan.
" Ang ungol na sadyang hindi mapipigilan ay nakatatak na sa aking isipan. Ang halik niya na ubod ng sarap na hahanap-hanapin. Ang pagdampi ng aming mga labi ay nakakasabik. Sa pagdikit ng aming katawan kung maaari ay huwag ng paghiwalayin pa. Nararamdaman ko ang init na dumadaloy sa loob ko."
Hindi ko mapigilan na hindi hawakan ang sarili kong kabibe.
"Gusto niya ako! Gusto ko ba siya?"
Seryoso akong nakatingin sa salamin.
"Maaari na ba? Handa na ba ulit ako?"
-----
May nagaganap na kasiyahan sa dalampasigan ngayong gabi. May sayawan sa lugar.. Mayroon rin fire dancing, bonfire at may dalang sparkler. Masaya ang mga tao roon. Binabalutan ng kasiyahan ang lugar. Ang iba ay masayang nag-iinuman ng wine at beer.
Naroon rin sina Leo at Arthur at umiinom ng wine habang nakaupo sa isang mat na nakalapag sa buhangin. Pinagmamasdan nila ang mga taong sumasayaw at nag fire-dancing. Maya-maya ay magkakaroon ng fireworks display.Dumating na si Yasmin sa kanilang kinaroroonan. Umupo siya katabi ni Arthur.
" Magandang gabi Miss!" bati ni Leo.
" Magandang gabi rin Sir Leo," bati ni Yasmin.
" Magandang gabi.."
Napatingin si Yasmin kay Arthur pero hindi man lang lumingon sa kanya ang binata. Seryoso itong nanonood sa mga nag fire-dancing. Magkatabi silang dalawa ni Arthur pero mukhang hindi siya pinapansin ng binata.
"Maiwan ko muna kayo," wika ni Leo.
Tumayo na ito at umalis sa kinauupuan.
Pasulyap-sulyap naman si Yasmin rito at nakanguso ang mga labi. Napansin niyang hindi siya pinapansin nito o talagang nasanay na siyang ang binata ang nauunang pumansin sa kanya." Anong problema nito?" napatanong sa sarili si Yasmin. " haist!"
Dumaan ang isang waiter na may dalang isang tray ng mga wine.
" Pst!" senyas ni Yasmin sa waiter. Napatihil ang waiter sa may harapan niya. Binigyan niya ng isang baso ang dalaga.
Napangiti si Yasmin sa waiter at nagpasalamat, " Salamat!"
Napasulyap si Arthur sa dalaga at nakitang isang lunok lang niya nag kinuhang isang basong wine.
" Pst! Waiter isa pa!" tawag ni Yasmin.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...