Chapter 43.2

965 28 5
                                    


Nahulog si Yasmin sa hagdan pagkatapos itulak ni Marga. Walang malay siya na nasa lupa pagkatapos. Maraming dugo ang kumalat sa may hagdan patungo sa may paanan nito.

Niyakap kaagad ni Arthur ang asawa. Napaluhod ito na yakap si Yasmin. Nanginginig ito sa kaba at di alam kung ano ang gagawin.
"Yasmin! Yasmin!" paulit paulit niyang sinasabi ang pangalan nito.

Nakatayo sa taas si Marga at di gumalaw. Mukhang nabigla rin sa pangyayari.

Walang malay si Yasmin. Hinahaplos haplos ni Arthur ang mukha ng asawa habang sinasabi ang pangalan, "Yasmin, gumising ka.. Yasmin..."
Napalingon si Arthur kay Marga na talagang nanlilisik ang mga mata sa galit. "Anong ginawa mo!? Anong ginawa mo Marga!? Ipinahamak mo ang asawa ko!!"

Kinabahan tuloy si Marga.
Sa galit ni Arthur ay pinapawisan ito at kasabay ang pagtulo ng luha niya. Hindi na siya makatimpi.

Dumating si Leo. Nagulat sila sa nakita na nakahandusay sa lupa si Yasmin na yakap ng boss niya.
"Boss, anong nangyari?"

"Tumawag kayo ng doctor!  ambulansya! Guard! Dalian ninyo!" nagmamadaling utos ni Arthur kay Leo.

"Yes boss!" agad bumalik sa loob si Leo para tumawag ng ambulansya.
Bumaba kaunti si Marga ng isang baitang.
"Arthur.." mahinahong hihingi sana siya ng paumanhin pero it's too late.

"You are fired! Ayokong makita ka pa sa Kompanya! Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng pumasok sa gusali! Ipapakulong kita!!" turo ni Arthur kay Marga.
Nagulat siya. Tumulo bigla ang luha ni Marga na di niya namamalayan.
Dumating ang mga guard.
"Palayasin ninyo ang babaeng iyan! Ialis ninyo ang babaeng iyan sa harap ko!"

Pinuntahan agad ng dalawang guard si Marga at hinawakan ang braso nito.
"Teka lang! Let me go!!" pagpupumiglas ni Marga.

---------
Isinugod agad si Yasmin sa malapit na hospital. Kritikal ang kalagayan niya pati ang bata.
Naiiyak, nagagalit, naiinis sa sarili si Arthur. Kinakabahan siya sa possibleng mangyari sa mag-ina niya. Nasa labas siya ng emergency room kasama si Leo.
Pabalik-balik ang lakad niya at natataranta na sa sitwasyon. Pinapawisan na ito at umiiyak rin. Naaawa na si Leo na makita ang boss niya. It was his frist time na ganoon si sir at kung gaano siya nag-aalala. Leo saw him crying na napasandal sa dingding. Napapahilamos nalang si Arthur sa mukha at di alam anong gagawin.

"Sh*t! Bakit nangyayari 'to!? Kasalanan ko ito! Kasalanan ko!" hiyaw nito na pagsisisi sa nangyayari.

"Maniwala po kayo na magiging okay ang lahat. Malalagpasan ninyo ito ni Madam!" comforted by Leo.

Napaupo na lang si Arthur sa sahig at nakayuko ito. Hindi niya matanggap na nangyayari ito sa kanila, kung kailan na malapit na ika-9 na buwan ni baby. Masaya pa sila kahapon at mga nagdaang mga araw. He is just praying na walang mangyayaring masama sa mag-ina niya.

"Manalangin nalang po tayo sir.."

Lumabas ang doctor at kinausap si Arthur. Agad tumayo si Arthur at tinanong ang doctor sa kalagayan ng mag-ina niya, "Doc, kumusta ang mag-ina ko? Kumusta sila?" Naiiyak na tanong nito.

"Sir, Nasa kritikal po ang kondisyon ng asawa ninyo kaya kailangan gumawa ng agarang procedure para mailigtas rin ang baby na nasa tiyan niya. Delikado rin ang situation ng baby ninyo. But we will do our best sir!" paliwanag ng doctor.

Hinawakan bigla ni Arthur ang kamay ng doctor.
"Doc, gawin ninyo po lahat. Ayokong may mangyaring masama sa mag-ina ko. Please doc, please do your best!"

"We are doing our best sir!"

"Anong gusto ninyo doc, money? I can give you money! Milyon? Mansion? O kahit ano doc basta iligtas lang ninyo ang mag-ina ko!" naiiyak na pagsasalita ni Arthur. He is desperate to save his wife and their baby. Ibibigay niya ang lahat basta mailigtas lang sila. He will sacrifice his wealth just for his family.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon