Umalis na sina Yasmin at Arthur sa Italy at tuluyan ng nagtungo sa Paris, capital ng France. Kilala ito bilang the city of love. Kilala kasi ito dahil sa angkin ganda ng lugar, mala-romantiko ang aura, arts at sa kultura.
Pinagmasdan nila mula sa balcony ng kanilang hotel ang kilalang tower sa Paris. Kitang-kita roon ang mga ilaw sa tower sa gabing binabalutan ng kasiyahan.
Nakayakap si Arthur mula sa likuran ni Yasmin. Kakalimutan na nila ang mga masasamang nangyari sa Italy. Iniwan na nila roon ang mga alaalang iyon. They are looking forward sa mga natitirang mga lugar na pupuntahan nila.
Mas niyakap ng mahigpit ni Arthur ang asawa. Medyo malamig ang simoy ng hangin roon kaya nakasuot sila ng makakapal na damit at jacket.Kinabukasan, naglibot sila sa buong siyudad. Di nila pinalagpas ang mga magagandang spots sa lugar at kumuha ng litrato roon. Masaya ang dalawa na tila walang iniisip na problema. Sa mga makikitid na daanan ay talagang magkahawak sila ng kamay. Bakas talaga sa kanila ang kasiyahan.
Pumunta rin sila sa lugar kung saan maraming mga collection ng paddlocks. Ang paddlocks na naroon sa railings ay mula sa mga bumibisitang nag-iibigan. May kasabihan na kapag ang paddlock ninyo ng ka-partner mo ay i-aattach sa railings, you're locking your love too. Ibig sabihin, panghabang buhay na naka-lock ang puso mo sa iyong kapareha. You will love each other forever.
Naniniwala rin sina Yasmin at Arthur sa kasabihang ito kaya ginawa rin nila. Pinaukit nila ang kanilang pangalan sa paddlock. Then they attached it on the railings.
"O hayan!" ani ni Arthur.
Pinagmasdan nila ang kanilang paddlock na nasa railings. Napahawak naman sa braso si Yasmin at sumandal kay Arthur."Ang cute!" sabi ni Yasmin na kinikilig.
"So, ibig sabihin niyan para sa akin lamang ang puso mo! Ako lang ang iibigin mo!" seryosong sabi ni Arthur.
Nakangiting sinagot ni Yasmin, "Sa iyo naman talaga itong puso ko! Kahit ano mang mangyari, ikaw lang mamahalin ko my hubby!"
Hinalikan naman ni Arthur sa may noo ni Yasmin.
"I love you my wife!""I love you too my hubby!"
Napatingin naman sila sa dalang susi ni Arthur na nasa palad. "Anong gagawin natin rito?""Ang sabi, itapon mo raw para di na mabubuksan at di makalaya ang mga puso natin!" sabi ni Yasmin sa asawa.
"Ahh.. ganoon ba. Sige, itatapon ko ito mamaya."
Ipinasok ni Arthur sa bulsa niya ang susi at nagpatuloy sila sa kanilang lakad.Nanatili ang dalawa ng tatlong gabi at apat na araw sa Paris. Sa kunting araw at oras ay sinulit nila ito. Hindi man nila nalibot at napuntahan ang lahat ay nag-enjoy naman sila.
Panatag ang kanilang kalooban habang nasa Paris sila. Ang gaan ng kanilang mga feeling at walang naging problema.
Sa gabi ay di mawawala ang exploration ng dalawa na kahit anong anggulo at posisyon ay gagawin nila. Tumitindi ang kanilang pagiging horny at init sa katawan. Mas tumitindi ito dahil sa malamig na panahon. Talagang naging honeymoon nila ang kanilang bakasyon.Pagkalipas ng nakatakdang mga araw sa Paris, pumunta naman sila sa Iceland. Dito, talagang malamig. Medyo nahirapan si Yasmin sa pag-adjust sa temperatura. Maganda ang lugar especially sa mga landscapes at sceneries. Mas gusto ni Yasmin na manatili sa kanilang hotel na may spa na mainit ang tubig. Medyo wala sa mood si Yasmin na mamasyal kaya hanggang tingin nalang ito mula sa balcony ng kwarto nila sa hotel. Madalas sumama ang pakiramdam ni Yasmin at nagsusuka ito. Kaya hindi na nila pinilit na pumunta sa lugar kung saan mapapanood nila ang northern lights. Isa sa gusto ni Yas na makita ay ang Aurora Burealis pero hindi yata niya ito makikita sa ngayon.
Naging okay naman ang pananatili nila sa Iceland dahil wala namang gaanong problema. Ang hindi lang nila nagawa ang naging problema at kailangan pa nilang bumalik sa susunod.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...