Chapter 4.2

1.3K 26 0
                                    

  Kumakain ng lunch sila Marga at Xian sa isang malapit na restaurant. Habang kumakain, napansin ni Marga ang paperbag na nasa upuan katabi ni Xian.

" Binigyan ka rin ni Yasmin?" tanong ni Marga.
Xian just nodded dahil kumakain ito nang tinanong siya.
" Ahhh." reaction ni Marga. Medyo tumaas ang kilay ni Marga at nilalaro ang straw ng inumin niya.
" Iniwan mo ba sa office ang sa'yo?" tanong ni Xian.
" Hindi.. Hindi ko hilig ang spaghetti," sagot ni Marga na nakakunot ang noo. "In fact, binigay ko sa mga staff ko instead naitapon ko."

Napatigil si Xian at tiningnan si Marga. He was so serious.
Medyo nabigla si Marga sa reaction ni Xian. " What's wrong honey?" inabot niya ang kamay ni Xian at hinawakan ito.
" nothing.." sagot ni Xian at nagpatuloy sa pagkain.

At Marga's office
"Girls, may ibinigay si Ma'am Marga. Let's eat this!" one staff said. Dala niya ang binigay na paperbag na may spaghetti.
"yehey!" sigaw ng apat pang staff. Kumuha sila ng paper plate at agad binuksan ang box.
" Ang bait talaga ni Ma'am Marga!"
Isa isa silang kumuha ng spaghetti. " Ang sarap!"

Dumating at pumasok si Mr. Arthur, ang may ari ng company.
" Nasaan si Marga?" he said.
Napatigil at napatahimik ang lahat.
" Naglunch kasama ang fiance niya, boss," sagot ng isang staff.
Nakakunot ang noo ni Mr. Arthur at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Nagtinginan ang mga staff.

At the restaurant
Natapos na rin silang kumain. Tumayo si Xian sa kinauupuan but Marga suddenly holds her arm.
" Teka lang hon," sabi ni Marga. " Umupo ka muna."

Napatingin si Xian kay Marga na medyo seryoso.
"Darating rito ang mga kaibigan ko. Gusto ka nila makita at makilala. Ikakasal na tayo pero hindi ka pa nila nakikita in person. Kaya, pinapunta ko sila rito ngayon." paliwanag ni Marga.
" May work pa ako babe. Nag out lang ako for lunch break," sabi ni Xian.

Umupo agad si Marga at medyo nainis at tumahimik.
" Hmp"
Napansin ni Xian na nagtampo si Marga kay at sinuyo ang kasintahan.
" Okay babe, I will stay. Just for you," napilitan si Xian.
Masayang masaya si Marga. " Thank you hon!" ang laki ng ngiti niya. Niyakap niya ito na nakatayo si Xian.

Xian just smile.

After 15 minutes, dumating na ang mga kaibigan ni Marga; Sina Tina, Cassey at Yollie.
" Hi girls!" salubong ni Marga. Nag beso-beso sila.

" I miss you Marga!" sabi ni Yollie.
Napatingin muna si Tina sa kasama ni Marga sa table. " Siya ba si Xian, your fiance?"
" Wow, ang gwapo niya!" sabi naman ni Cassey.
Tumayo si Xian at ngumiti sa kanila.

" hi" nakipagshake hands si Tina kay Xian. Kumikinang ang mga mata nito. Gusto rin makipagshake hands ang dalawa pa but pinigilan ni Marga.
" She's mine girls!"

Napatawa silang tatlo.
" So possessive girl uh!" pabirong sabi ni Cassey.
" Ang swerte mo naman Marga," bulong ni Yollie na naiinggit kay Marga.

Nagkulitan ang apat na girls at nagkwentuhan. Tahimik at out of place naman si Xian dahil puro girls talk ang pinag - uusapan nila. Magkatabi sina Marga at Xian. Hinahawakan naman ni Marga ang kamay ni Xian habang nagsasalita at nakikipagkwentuhan sa kanila.

Nagsimula na rin umulan. Napatingin sa may bintana si Xian. Medyo nag - aalala kay Yasmin.
" Naroon pa kaya siya. Siguro naman umalis na siya dahil umuulan," sabi ng isip ni Xian.

Lumipas ang dalawang oras. They still stayed there. Umuulan pa rin sa labas.
" Teka Marga, wala ba kayong work ngayon?" tanong ni Yollie.
Marga smiled and said, " Ako ng bahala." She was so confident na okay ang lahat.

" Eh ikaw Mr. Xian?" tanong ni Cassey.
" huh?" hindi alam kung ano ang sasabihin ni Xian dahil baka magtampo ulit si Marga. Napalingon na lang siya sa kanya.

Biglang, may nagtext kay Xian.
Text message: " Xian, nasaan ka ba? Hinahanap ka ni bossing!"

Napansin nila na napakaseryoso ni Xian.
" Sino ang nagtext hon?" tanong ni Marga.
" Si Carlos, hinahanap raw ako ni bossing," sagot ni Xian.

Nagsalita si Tina, " payagan mo ng bumalik siya sa office niya Marga."
Nakakunot ang noo ni Marga pero wala siyang magawa. Napilitan siya dahil sa kanilang tatlo. Pinayagan niya si Xian na bumalik sa kanilang office.

At the park.
Naroon pa rin si Yasmin at nag hihintay. Nakaupo siya sa bench kung saan huling nagkita sila ni Xian. Umuulan ng malakas. Basang basa na siya sa ulan.
" Darating ka di ba?" bulong ng isip ni Yasmin. Naniniwala na tutuparin ni Xian ang pangako na babalik siya.
" Kahit wala ng regalo o sorpresa, basta bumalik ka lang. Sapat na yun!"
Napakaseryoso ni Yasmin na nakaupo at basang basa sa ulan. Nasa malayo ang tingin at hinihintay na may dumating.

Xian's office
" Saan ka ba nagpunta Xian?" tanong ni Carlos na nasa upuan niya.
" Naglunch kami ni Marga tapos dumating ang mga kaibigan niya," sagot ni Xian.
" Salamat naman at pinayagan ka niyang makaalis. Himala! " inserted ni Zack na katrabaho niya.

Pumasok ang bossing nila sa silid. " O, narito ka na pala Xian. Akala ko hindi ka na babalik rito."
Napangiti na lang si Xian.
" Nakalaya sa kanyang fiance na possesive at obsessive!" pabirong sabi ni Carlos.

Napansin ni Zack ang dalang paperbag ni Xian. " Ano iyang dala mo?"
Lumapit siya at binuksan ang paperbag. Naroon ang lunchbox na may lamang spaghetti.
" Wow! May spaghetti, sino ang may birthday?" masayang sabi ni Zack.

Tumingin sa nay bintana si Xian.

Naalala niya si Yasmin at medyo kinabahan siya. Hindi siya mapakali. Agad siyang tumakbo palabas ng silid, " teka lang, may pupuntahan muna ako!"
Nabigla ang tatlong lalaki.

Tumakbo papuntang park si Xian na may dalang payong at isang maliit na paperbag. Nagbabakasakaling naroon pa siya.

" Naroon pa kaya siya? Siguro naman wala na. Kung wala na, masmabuti."

But napatigil si Xian. Sa kalayuan, nakita niya si Yasmin na nakaupo pa rin sa bench. Walang payong at basang - basa na.

" Haist"

Naglakad si Xian patungo sa kinaroroonan ni Yasmin. Hindi alam anong gagawin. Magagalit ba siya at sesermonan si Yasmin?

Nakita ni Yasmin na papunta si Xian sa kaniya. Napatayo siya agad. Napaluha ito at ngumiti.

" Bumalik ka?" bulong niya sa sarili.

Nagkaharap na ang dalawa.
Xian reprimanded her.

" Bakit hindi ka umalis? Tuloy basang-basa ka na!!! Hindi mo na lang sana ako hinintay!!!"

Nagsalita si Yasmin, " Nangako ako na hihintayin kita. At hindi ko sisirain ang pangakong 'yon. Katulad mo, dumating ka!" ngumingiting sabi ni Yasmin.

" Hindi mo ba naisp baka biro lang ang lahat... lahat ng iyon!" pasigaw na sabi ni Xian.
" Kahit na biro, dumating ka rin di ba? May tiwala ako sa iyo!" sabi ni Yasmin.
" May tiwala akong darating ka at tutuparin mo ang iyong mga pangako!" she continued.

Natahimik si Xian at napakaseryosong tinitigan si Yasmin.

" Kahit wala ng regalo o sorpresa, masaya na akong dumating ka!" aniya ni Yasmin. Ngumingiti at nakatitig kay Xian na kaharap niya.

" Mayroon akong isang sorpresa at regalo!" seryosong sinabi ni Xian.

" huh?"

Binitiwan ni Xian ang payong na dala but nasa kamay parin ang maliit na paperbag.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Yasmin at....

Ang lakas ng tibok ng puso ni Yasmin. Kinakabahan siya!

At biglang hinalikan ni Xian si Yasmin.

Nanlaki ang mga mata ni Yasmin. Nabigla siya!

" My first kiss!"  

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon