Nakita ni Harrold ang post kung saan hinalikan ni Xian ang isang babaeng nakablack. Nakatalikod ang babae kaya hindi mo makikilala but Harrold knows kung sino siya.
" OMG! Ano ito?" nagulat siya sa kanyang nakita. " Hindi talaga nakapagpigil ang dalawa. Patagong naghalikan talaga! Oh my! Lagot na kung makita niya ito! Tsk3!"
" Ano pala iyan beshy? " tanong ng kaibigan ni Harrold na bakla rin na si Honey na nakaupo sa couch.
" Naghalikan ang kaibigan ko at iyong lalaking may fiance na! Well, mahal naman niya ang friend ko but baka makita siya ng girlfriend niya!" paliwanag ni Harrold
" Edi mabuti! Para makita noong isa na hindi na siya mahal ng lalaki," confident na sabi ni Honey.
"May punto ka riyan Beshy," sagot ni Harrold but still kinakabahan pa rin siya dahil baka may gawing masama si Marga.
Harrold tried to contact Yasmin's phone but out of coverage.
" Saan kaya pumunta ang babaeng iyon? Pati si Xian hindi macontact! Pagkatapos ng reunion, hindi man lang siya nagtext. Haist.. Ako ang maloloka sa kanilang dalawa," bumubulong sa sarili si Harrold. Paikot ikot siya sa office habang tinatawagan si Yasmin. Talagang kinakabahan siya at napapakagat nalang siya sa kanyang kuko.
" Hay naku Beshy, baka nagtanan na ang dalawa at mabibigla ka nalang na buntis na ang kaibigan mo gurl!" Honey was putting some nail polish sa kuko nito.
" Oh my! Baka nga! "
-----------
" Sorry na Yasmin," pagmamakaawa ni Xian.
Dinala ni Xian si Yasmin sa isang lugar na sila lang dalawa. Maganda ang lugar roon at tanawin. Puno ng damo at bulaklak at sariwa ang hangin.
Iba pa rin ang pakikitungo ni Yasmin sa binata. Hindi ito tumitingin sa kanya at halatang nagtatampo.
" Sorry na!" sinusuyo niya ang dalaga.
" Ano bang sasabibin mo at dinala mo ako rito?" tanong ni Yasmin na medyo mataray ang tono ng boses.
" Humihingi ako ng sorry sa ginawa ko kanina. Sorry kung nagalit ako sa iyo at nasigawan kita. Sorry na! Pasensya na at nadala ako sa mga nangyari kay mama noon na ang pangako ko sa sarili ko ay hindi na ako hahawak ng camera dahil wala na siya at wala na akong inspiration. But, nakalimutan ko na kung bakit ako nagtiyagang matuto. Si mama ang nagturo pero may isang tao ang nagbigay sa akin ng inspiration. Hindi lang si mama ang nagbigay inspiration kundi ang isang batang babae. Dahil sa kanya, ginusto kong matuto," paliwanag ni Xian na napakaseryoso.
Napatingin si Yasmin kay Xian.
" Sino ang batang babaeng iyon?" tanong ni Yasmin.
Napangiti si Xian, " ikaw iyong batang babae.. ang batang babaeng tinatanaw ko noon at hindi ko makalimutan. Ang batang babae na nagpasaya sa akin kahit hindi niya ako kilala at hindi kami nagkakilala."
Medyo na touch si Yasmin.
Nagkatinginan ulit ang dalawa at nagkatitigan.
" Sorry.. Sorry na.. " nagmamakaawa ni Xian. Mukha niya ay parang maamong tuta.
" Please, patawarin mo na ako."
Hinawakan niya ang mga kamay ni Yasmin.
Kunting push nalang Xian at mapapatawad ka na niya.
But still medyo mataray pa rin ang aura ni Yasmin. " okay, okay.. Fine!" at tumalikod siya agad sa binata.
" Pinapatawad mo na ako?" napatanong si Xian.
Hmmm..
He is convincing Yasmin, " Sorry na! Ano ba ang dapat kong gawin?"
Yasmin's pov
Nakakainis! Nakakainis! Ang liit ng bagay ay ganito ang pakiramdam ko! Bakit ba ako ganito? Simpleng bagay lang naman iyon but why I don't want to talk to him and see him. Haist!
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
