Chapter 52.4

627 25 13
                                        

Chapter 52.4
Hindi pa rin umuuwi si Arthur kaya nag-aalala na si Yasmin. Sa mga oras na iyon, hindi na siya makatulog. Sinamahan naman siya ni Sissy sa kwarto.

"Madam, magpahinga na po kayo. Sigurado naman po na uuwi rin si sir Arthur." Positibong pagkakasabi ni Sissy. Pinapagaan lang niya ang loob ng buntis.

Yasmin tried to contact the number of her husband but hindi nya ito ma-contact.
"Tawagan mo po kaya ang secretary niya madam. Sigurado naman na magkasama sila." Suhestiyon ni Sissy.

Tatawagan sana ni Yasmin si Handsome ng biglang may napasigaw na nanggagaling sa baba at mukhang nagkakagulo.

"Ahhh!"

Naging curious sina Yas at Sissy. Napatingin sila sa isa't isa at nagtataka sa mga ingay na narinig nila. Kaya naman agad silang lumabas sa kwarto at pumunta sa baba para tingnan kung ano ang nangyayari.

"Anong nangyari?" Tanong ni Yas habang pababa sa hagdan kasabay si Sissy.

Nang makababa na sila, naiba na ang pakiramdam ni Yasmin habang nakikita ang mga katiwala na nababahala.

"Anong nangyayari?" Tanong ulit ni Yas na nagiging slow motion ang mga kilos ng tao roon.
May isang katiwala na sumalubog sa kanila at ibinalita kung ano ang nangyari.

"Si sir, inatake po!"

Nanlaki ang  mga mata ni Yasmin. "Inatake si Lolo?"

Napatakip naman ng bibig si Sissy na kasama ni Yasmin.

"Madam...kasi.. kasi po.." di matuloy tuloy ang sasabihin ng katiwala.
Ilang minuto lang ay narinig na ni Yas ang ambulansya na paparating. Agad pinuntahan ni Yas ang matanda sa sala. Sinundan naman ito ni Sissy.

Pagkarating ni Yas sa sala ay nakita niya si Tita Nancy na bakas sa mukha ang pag-aalala at ang lolo nila na walang malay na nakasandal kay Nancy. Nakapalibot rin ang dalawang katiwala sa matanda na talagang nag-aalala rin.

"Lolo.."
Napahakbang si Yas pero umagaw ng pansin sa kanya ang balita sa tv. Napahinto siya at lumingon sa nakabukas na tv.
Bigla nalang napatakip ng bibig si Yas ng makita ang larawan ni Arthur sa tv at isang larawan ng sasakyang sira at may malakas na usok.

"Oh my ghad!"
Nanlaki ang kanyang mga mata at di siya naniniwala sa kanyang nakikita.

"Sumabog kaninang hapon ang sinasakyan ng kilalang CEO. Inaalam pa ang dahilan ng pagsabog. Napag-alaman na ang sakay ng sasakyan ay ang business tycon na si Arthur. Biglaan ang nangyari nang tahakin nila ang daan patungo sa kanilang pupuntahang meeting. May dalawa pa itong kasama na inaalam pa ang mga identity. Walang nakaligtas sa lahat ng nakasakay."

Hindi nakapagsalita si Yas sa narinig at napatulala nalang. Nanlabot din ang kanyang mga tuhod kaya napaupo nalang siya sa sahig ng dahan dahan.

"Madam.." sambit ni Sissy na napaluhod katabi ni Yas. Naluluha ito at inalala ang madam.

Pumasok na rin ang mga taong nakaputi at may dalang ambulance stretcher. Pinahiga roon ang matanda at dali daling inilabas sa sala para dalhin sa ambulansya sa labas. Sumama rin si Tita Nancy sa kanila kaya naiwan nalang doon sina Yasmin at Sissy. Patuloy pa rin ang balita sa tv tungkol sa naganap na aksidente.

"Nananaginip lang ako di ba Sissy? Hindi totoo ang mga nasa tv?"

"Madam.." Naiiyak na sambit ni Sissy.

Nakatulala si Yasmin habang kinakausap niya si Sissy. Hindi siya naniniwala sa balitang narinig. Ayaw nyang maniwala sa nakikita niya sa tv.

"Uuwi si Arthur..uuwi siya di ba?"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon