Tumayo si Yasmin at pinuntahan ang malaking salamin. Pinagmasdan niya ang sarili mula ulo hanggang paa. Napapansin niya ang nangangayayat na ang mukha nito dala ng stress."Nangangayayat ka na Yasmin.." ani ni Yasmin sa sarili na napapahawak sa magkabilang pisngi. "Ang haggard mo!"
Napabuntong -hininga na lang siya bigla. Iniisip kung gaano kalaki ang mansion at kung gaano karami ang mga kwarto.
"Alam kong makikita pa rin kita Arthur. Hindi ako susuko. Ako ngayon ang maghahanap sa iyo, mahal ko."Nang bumaba ang tingin niya sa may gilid ng salamin ay may napansin siyang isang maliit na butas na mukhang para sa isang susi. Kulay ginto ang pumapaligid sa butas at may malabulaklak na ukit. Nagtaka si Yasmin na tila may kakaiba sa salamin sa harapan niya. Hinaplos niya ang butas at napagtantong para ito sa isang susi.
"Bakit may ganito sa isang salamin?" Nakakunot noong pagtanong sa sarili. Agad tiningnan isa -isa ang mga susing dala. Habang inisa - isa niya ang susi ay mas lalo siyang kinabahan. Sa mga susi ay may nakita siyang kulay gintong susi.
"Para rito kaya ito?"
Determinadong malaman ni Yasmin kung ano ang nasa likod ng salamin. Nanginginig ang kamay ni Yas habang hawak ang susing ginto at ipapasok sa butas. Hanggang dumating ang isang maid sa loob."Madam!"
Nagulat si Yas nang may nagsalita sa kanyang likuran kaya nabitawan niya ang susi kasama ng ibang susi.
Lumingon si Yas at nakita ang isang maid na may dalang isang regalo."Ano iyon?"
Mas lumapit pa ang maid sa kanya. "May pinabibigay si Madam Grace sa inyo. Isang regalo."
"Huh? Bakit niya ako bibigyan?" Usisa ni Yas.
"Ang sabi po niya ay gusto lang niya po kayong bigyan. Matagal na rin daw na hindi kayo nagkita." Pagpapaliwanag ng maid. Inabot niya ang paperbag na nanginginig ang mga kamay.
Pinulot ni Yas ang mga susi na nasa sahig.
"Salamat. Pero hindi ko matatanggap ang regalong iyan.""Tanggapin niyo na po madam." Pilit nito.
Huminga ng malalim si Yas at nagmatigas na hindi tanggapin ang regalo. Hindi niya kayang balewalain ang mga nalaman niya tungkol kay madam Grace.
"Pasensya na pero ibalik mo nalang iyan sa amo mo."
Namilit pa rin ang maid at kinuha sa loob ng paperbag ang isang maliit na bote. Isang perfume pala ang laman nito.
"Sigurado pong magugustuhan ninyo ang amoy ng perfume na ito madam." Ani ng maid na pinalapit ang bote kay Yas. Napapaatras ng kunti si Yas dahil sa pamimilit ng maid."Pasensya na talaga.."
Iiwas na sana si Yasmin nang biglang nagspray ang maid sa kanya na direkta sa may mukha nito. Tinakpan agad ng maid ang ilong niya.
"Teka, bakit mo..." sermon ni Yas na hindi na natuloy dahil naantok siya bigla. Umiikot ang paningin niya at lumalabo ang paligid. Ang hawak na mga susi ay nabitawan niya.
Umatras ang maid palayo kay Yas habang nakatakip ang kamay sa ilong nito. Si Yas naman ay napapahakbang habang humihikab.
"Anong nangyayari? Bakit ako inaantok?"Bumagsak si Yas sa kama at tuluyan na itong nakatulog.
"Arthur.."Samantala, sa likod ng salamin ay ang lihim na kwarto kung saan naroon si Arthur. Nagising ito sa di pa inaasahang oras. Tila may tumatawag sa kanya kaya nagising nalang siya.
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Inilibot ang mga paningin sa. Buong kisame ng kwarto."Pinatulog na naman nila ako.."
Kahit mahina ang katawan ay pinilit ni Arthur na maupo at mapasandal sa unan sa may head rest ng kama. Medyo sumasakit ang likod niya sa kakahiga.
Napatingala si Arthur sa kisame habang iniisip ang mag-ina niya.
"Yasmin... Anak ko.."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Любовные романыNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...