Chapter 38.2

961 24 2
                                    


Hindi na nagpapigil si Yasmin sa pagpunta sa kinaroroonan ni Xian. Ang hindi alam ni Yasmin ay may sumusunod sa kanya. Pero sino at ano ang balak kaya nito?
Pinuntahan niya si Xian sa home for the blind. Sa mga oras na iyon, ay naroon si Xian sa hardin kung saan niya muli nakita si Xian. Tahimik lang itong nakaupo. Dahan - dahan niyang nilapitan si Xian. Habang papalapit ito kay Xian ay para bang may kung ano na nagpipigil sa kanya na lumapit rito. Tuloy unti-unting nagdadalawang isip na ito.
Napahinto si Yasmin malapit kay Xian. Pinagmasdan nalang niya si Xian, ang lalaking minsan niyang inibig.
Pero kahit hindi nakikita ni Xian ang paligid, nararamdaman niya na may tao na malapit sa kanya.

"May tao ba?may tao ba riyan?" Tanong ni Xian na nagtataka at pinapakiramdaman ang paligid. Nasa likuran lamang si Yasmin at nakatayo ito.

Inaamoy-amoy ni Xian at hindi siya mapalagay. "Fara?.. hindi.. " he tried to figure it out.
Hanggang may naamoy siya na napakagandang amoy kung saan may naaalala ito.
Napatigil siya at natahimik. Umihip ang hangin at ang mga ibon ay nag-ingay na nasa puno.

"Yasmin? Ikaw ba iyan Yasmin?" tanong ni Xian.

Nagulat si Yasmin ng tawagin siya at nalaman ni Xian na naroon siya. "Paanong.."

"Alam kong nariyan ka..alam ko na ikaw iyan Yasmin."

Napaluha nalang si Yasmin at napatakip siya ng bibig. Hindi siya nagsalita bagkos nagpipigil itong mag-ingay. But nagpatuloy si Xian sa pagsasalita.

"Kahit hindi kita nakikita pero nararamdam pa rin kita. Alam ko na nariyan ka. Kahit hindi ka man magsalita, alam ko na nakatayo ka sa may likuran ko."
Napangiti si Xian habang nagsasalita. "Naaalala ko ang magandang amoy ng perfume mo. Hindi ko pa rin nakakalimutan habang inaamoy ko ang mahaba mong buhok."

Hindi na napigilan ni Yasmin na hindi magsalita. "Naaalala mo pa ba ang mukha ko?"

Ngumiti hanggang tenga si Xian ng marinig niya ang boses nito. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

"Ikaw nga iyan Yasmin. Ang boses mo na napakasarap pakinggan. Hindi ako makapaniwala na narito ka at malapit ka lang sa akin."

"Naaalala mo pa ba ako?"

"Nawala man ang paningin ko pero hindi ang alaala mo. Nakaukit sa utak ko ang mukha mo pati sa puso ko."

"Narito ako hindi para balikan ang kahapon..."

"Alam ko.. at alam ko na kinamumuhian mo ako. Alam ko galit ka. At hindi ko maaalis iyon sa iyo. Tama, magalit ka sa akin. Magalit ka na iniwan kita. Ipinagpalit kita dahil tanga ako. Hindi ko nakayang ipaglaban ka at ipagtanggol. Kasalanan ko ang lahat kung ano man ang nagyari sa atin, sa akin. Lahat ng ito ay parusa sa akin, sa lahat ng kasalanan ko sa iyo. Sinaktan kita ng sobra."

Napaiyak nalang si Yasmin habang nakikinig sa sinasabi ni Xian.
"Kung sinabi ko lang sa iyo ang lahat baka maiba pa ang mangyayari."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagkasakit si Tita Zita kaya napilitan akong sumama at sumunod kay Marga. Siya lang ang solusyon para sa paggagamot kay Tita. At ako naman, na isang tanga ay nagpagamit rin."

Habang nakikinig ay napatakip ng bibig si Yasmin. Patuloy sa pagdaloy ng luha nito sa kanyamg pisngi. Para bang sumasakit ang puso niya habang naririnig niya ang mga sinasabi ni Xian. Hindi niya alam ang mga ito. Nagulat siya sa kanyang mga nalaman.

"Hindi ko gusto na magpakasal kay Marga dahil ikaw ang nasa puso ko pero wala akong magagawa. I need to do it para kay Tita. Sinakripisyo ko ang pagmamahalan natin at iyon ang pinagsisisihan ko."
Napayuko ng ulo si Xian at umiiyak na rin ito. "Patawad. Patawad kung nasaktan kita. Patawad kung iniwan kita noong mga panahon na kailangan mo ako. Patawad kung ipinagpalit kita at hindi naitupad ang mga pangako."
Lumapit si Yasmin at umupo sa tabi ni Xian.
"Ang mga nangyari ay nangyari na. Nasaktan ka, nasaktan ako.. nasaktan tayo. Hindi natin kagustuhan ang mga nangyari." paliwanag ni Yasmin.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon