Chapter 52.2

740 28 7
                                    

Chapter 52.2

Nararamdaman ni Lin na papalapit ang isang tao na mula sa kanyang likuran. May tinawag si Yasmin na ang pangalan ay Leo. Sa bawat segundong dumaraan ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ni Lin. Bakit kaya?

"Nandito lang pala kayo madam! Kanina ko pa kayo hinahanap." Sabi ng lalaki na nakatayo sa tabi ni Lin.
Napalunok ng laway si Lin bago ito lumingon sa lalaki. Laking gulat niya sa nakita.
Ipinakilala ni Yasmin ang bago niyang personal assistant nang magkaharap na silang tatlo.

"Siya nga pala ang aking PA, si Leo."Masayang pagpapakilala nito.

"Hi!" Bati ng binata.

Natahimik si Lin sa di inaasahang pangyayari. Akala niya na ang Leo na tinawag ni Yas ay ang sekretary ni Arthur. Sino ba ang mag-aakala na iba pala! Kapangalan lang pala niya. Napilitan nalang itong ngumiti sa kaibigan.

"Siya ay kaibigan ng sekretary ng asawa ko na si Handsome."

"Handsome?"

"Oo, si Handsome. Siya ang bagong sekretary ni Arthur."

Di maiwasang hindi mapatanong si Lin tungkol kay Leo. "Si Leo?"

"Ako ba ang tinutukoy mo?" Reaksyong tanong ni Leo na PA ni Yas.

"Hindi ikaw! Ang tinutukoy niya ang dating sekretary ng asawa ko." Tugon ni Yasmin.

"Ahh.. ganoon ba." Sambit ni Leo.

"Nagresign na si Leo kaya may bago ng sekretary si Arthur." Paliwanag ni Yasmin sa kaibigan.

"Ah, ganoon ba. Sige, mauna na ako sa inyo." Pagpapaalam ni Lin na nagmamadaling umalis sa shop.

"Teka Lin! Hindi ba tayo magkwekwentuhan? Kain muna tayo!" Aya ni Yas.

"Sasusunod nalang Ms. Yasmin!" Sagot ng dalaga na dali daling lumabas.

Hindi na sinundan ni Yasmin ang kaibigan. Alam niyang magkikita pa rin sila ulit nito.

"Ang ganda po ng kaibigan ninyo Madam!" Ani ni Leo na nakatulalang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Lin. "Ang ganda niya!"
Natawa si Yas sa itsura ni Leo. Tinamaan yata ito ni Kupido.

----------
Sa opisina ay may kausap si Arthur sa cellphone. Mukhang nagtatalo sila dahil sa napapakakas ang boses ni Arthur.

"Akala ko po ba na-settle na ito. Pinag - usapan na natin ito noon!"

Si Handsome ay nakatayo lamang sa sulok at nakikinig sa usapan nila. Naghihintay lang siya sa ipag-uutos ng boss niya.

"Damn it!" Sambit ni Arthur sabay tapon sa cellphone sa sahig. Pagkabagsak nito sa sahig ay nawasak ito. Gulat naman si Handsome sa nasaksihan.

Agad napa-upo sa upuan si Arthur na mukhang galit na galit. Sino ba ang kausap nito kanina? Napapikit nalang si Arthur at nagpapakalma.
Dahan dahan namang lumapit si Handsome sa boss nito dahil sa pag-aalala.
"Sir, okay lang po ba kayo? Chill lang sir, ang puso ninyo!" Pabirong sabi ni Handsome.

"Buy me a new phone!" Utos nito.

"Po?"

"Kailangan pareho sa nasira!"

"Huh?"

"Narinig mo naman di ba? Buy me an exactly the same phone!"

"Yes sir!"

Dahan dahan na pinulot ni Handsome ang nasirang cellphone sa sahig. Ang alam niya ay napakamahal ng model na ito na pang dalawahang sweldo.

"By the way, huwag mong sabihin ang tungkol dito sa asawa ko! Ayoko siyang mag-alala."

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon