"May ipapakilala ako sa iyo. She's my friend. Her name is Yasmin." Marga said on phone.
" Okay. I'm on my business trip right now," sabi ng kausap ni Marga sa phone.
" Pagbalik mo na lang rito. I will set you a date with her!" Marga continued.
Lumilipas ang oras at araw. Palapit na ng palapit ang araw ng kasal nina Marga at Xian. Almost malapit na matapos ang mga preparations. Kailangan na lang ibigay ang mga invitations sa mga kamag - anak, kaibigan at mga kakilala.
Nakatingin sa kalendaryo si Yasmin. Naalala niya na pagkatapos ng kasal, babalik na rin siya sa abroad. Pag - alis niya, mamimiss kaya niya ang place o ang isang tao?
Sa kalendaryo, nakabilog ang araw na ito. Bakit kaya?
" I'm already 30 today! Sigh!" buntong hininga ni Yasmin. It's her birthday today.
So nagluto ng spaghetti si Yasmin. Pagkatapos, she placed it inside the two lunchboxes.
" Ibibigay ko ito kay Marga at Xian," excited na sabi ni Yasmin.
Umalis na si Yasmin sa kanila at pumunta muna sa office ni Marga. Excited si Yasmin na ibigay ang lunchbox kay Marga.
Naamaze si Yasmin ng makita ang napakataas na building kung saan nagtratrabaho si Marga.
"wow! Sing taas nito ang mga building roon sa amin," sabi sa sarili ni Yasmin.
Pumasok na siya sa gusali at nagtanong sa front office kung saan niya makikita si Marga. Ang sabi ay nasa 10th floor ang office niya.
Hindi pa nakakarating ng elevator si Yasmin, nakita niya si Marga na papunta sa ibang direksiyon.
" Hindi ba si Marga 'yun?" tanong ni Yasmin sa sarili.
May kasamang isang lalaki ang babae na pinaghihinalaang niyang si Marga.
Sinundan ni Yasmin si Marga. Sigurado siyang si Marga talaga 'yun.
Hanggang nakarating sila sa isang sulok ng building. Naroon pa rin silang dalawa.
Napatigil si Yasmin ng tumigil rin sila roon.
Yasmin smiled at lalapitan na sana niya ng biglang nakita niyang hinalikan ng lalaki ang pisngi ng babae. She was shocked! Napatigil siya.
" Marga?"
" Excuse me miss?" sabi ng isang babae na nasa likuran ni Yasmin. Napalingon si Yasmin.
"huh?"
" May hinahanap po ba kayo?" tanong ng isang staff.
" Uhm, kasi.. " nalilitong sagot ni Yasmin na tinuturo sa lugar kung saan nakita niya si Marga.
" May ibibgay ako sa kaibigan ko na si Marga," she continued.
Lumingon at tumingin si Yasmin sa kinaroroonan ni Marga at ng lalaki. But, wala na sila roon.
" teka.. "
Nagtataka si Yasmin. Nasaan na sila?
" Hinahanap mo ba si Ma'am Marga? Nasa 10th floor ang office niya po, " sagot ng staff.
" Pero, narito siya kanina. Sure ako. May kasama siyang isang..." hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin.
Naisipan nalamang ni Yasmin na makisuyo sa staff na ibigay kay Marga ang dala nito.
" Pwede bang makisuyo? pwede, pakibigay nalang ito kay Marga? Pakisabi mula kay Yasmin, " sabi ni Yasmin.
" Ah sige po maam. Papunta na rin ako roon," sagot ng staff.
Ibinigay ni Yasmin ang paperbag na may lamang lunchbox na may spaghetti. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang tungkol roon. But eventually, she just thought that baka namalikmata lamang siya. Kaya, nagpatuloy siya at pinuntahan na niya si Xian para sa maibigay niya ang ginawang spaghetti.
Medyo malapit lang ang opisina nila Xian at Marga kaya nilakad nalang niya ito patungo kina Xian. Nakatayo si Yasmin sa may pedestrian lane at hinihintay na huminto ang mga sasakyang dadaan upang makatawid.
Pagkatapos ng ilang segundo, huminto na ang mga sasakyan at nagpakita na ang ilaw para sa tatawid.
Tumawid ang mga tao at sumabay si Yasmin sa kanila. Nakayuko siya habang naglalakad at napatigil lang siya ng may nakatayo sa harapan nito.
"huh?"
Napatingin si Yasmin.
" Yasmin?" boses ng isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin dahil hindi niya inaasahan na makita siya roon.
"Xian?"
Tumawid rin pala si Xian roon at hindi inaasahang nagkatagpo sila sa gitna ng daan.
Habang ang ibang tao ay tumatawid, nakatayo sila Yasmin at Xian na nakaharap sa isa't isa. They were looking at each other.
At Marga's office, hindi mapakali si Marga sa opisina niya. Kinakagat niya ang kuko ng kanyang hinlalaki habang nag -iisip.
" Nakita kaya niya ako kasama si Arthur at hinalikan ang pisngi ko kanina?" tanong sa isip ni Marga.
May kumakatok.sa pinto.
"Pasok!"
" Ma'am Marga, may nagpapabigay sa yo nito. Kaibigan mo raw," sabi ng staff. Lumapit siya kay Marga at binigay ang paperbag.
" Nasaan siya?" tanong ni Marga.
" Umalis na po, " sagot niya.
At the park, naroon sina Xian at Yasmin nakaupo sa isang bench.
"Papunta talaga ako sa inyong opisina para ibigay ito," aniya ni Yasmin na binibigay ang paperbag kay Xian.
" Ano ito?" tanong ni Xian.
" Gumawa ako ng spaghetti kasi.. " sagot ni Yasmin.
Naghintay ng maliwanag na sagot si Xian mula kay Yasmin. Nahihiya tuloy si Yasmin.
"eh, kasi..." hindi matuloy tuloy na sabi ni
Biglang nagsalita si Xian, " Dahil ba kaarawan mo?"
Nabigla si Yasmin sa kanyang narinig. Alam ni Xian na birthday niya.
" Paanong.. " nagtatakang tanong niya.
"Alam ko dahil... "
Biglang nagtext si Marga.
" Hon, nasaan ka na? I'm hungry already! Pupunta ka pa ba rito" text ni Marga.
Tumayo agad si Xian.
" Happy birthday Yasmin!" nakangiting sabi ni Xian.
Hindi mapigilan na mamula si Yasmin at ang lakas ng tibok ng puso nito.
"Mamaya, may sorpresa ako. May ibibigay akong isang munting regalo!" sabi ni Xian.
" Talaga?"
" Ibibigay ko ito kapag maghihintay ka rito. Sa pagbalik ko, ibibigay ko ito!" pabirong sabi ni Xian.
" Talaga? Sige! Pangako maghihintay ako rito!" excited na sagot ni Yasmin. " Hindi ako aalis! Hihintayin kita!"
" Aasahan ko 'yan!" sigaw ni Xian.
" Mangako ka rin na babalik ka!" sigaw ni Yasmin.
" Pangako, babalik ako!" sagot ni Xian.
Umalis na si Xian sa park at pinuntahan si Marga.
--------
To be continued.
Hanggang saan ang pangako? Matutupad kaya? Hanggang saan kaya titiisin at maghihintay?
Ano naman ang sorpresa at regalo ni Xian kay Yasmin? Maibibigay kaya niya? O may kokontra??
Abangan!
drop your reactions thnx.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...