Chapter 27.3

1K 22 2
                                    


Nagulat si Andy sa dalawang tao na dumating. Pumasok ang tito niya at may kasama pa itong isang binatilyo.

Itinago niya agad ang pera sa ibaba ng mesa pero nakita parin nila ito.

" Anong ginagawa ninyo rito?" galit na tanong ni Andy sa tito nito.

Lumapit ang tito ni Andy sa kanya at biglang hinila ang buhok nito.

" Anong tinatago-tago mo sa ilalim? Akala mo ba hindi ko alam?" nagmumukhang demonyo ito na nakangisi.

" Aray!" pumipiglas si Andy sa kamay ng tito niya. " Bitawan mo ako!"

Ang isa nitong kasamang lalaki ay panay tingin sa mga paninda na nasa istante. Pumipili ito pagkatapos ay binubuksan niya ang mga chichiria at kinakain. Isa isa nitong tinitikman ang mga naka-display.

" Hmmm...masarap!"

Napansin ito ni Andy at sinermon ang lalaki," hoy, bayaran mo ang lahat ng kinain mo!"

Natawa lang ito at binalewala.

Napahila ang tito sa buhok ni Andy at sinabing, " Ibigay mo lahat ng pera na nasa iyo!" utos niya na medyo malumanay.

" Ayoko! Manigas ka!" matapang na sagot niya.

" Matapang ka na!?" galit na wika ng tito.
Tinitigan ng nakasalubong ang kilay ang dalaga. Naiinis siyang makita ang tito niya.

" Ang sabi ko, ibigay mo lahat ng pera mo!" pasigaw nitong sabi.
Nanggigigip sa galit si Andy at matapang pa rin itong hinarap ang tito niya.
" Hindi ko ibibigay!"

Inilabas na ng tito ang dalang kutsilyo.
" Heto, gusto mo ba ito?"

Nagsimula ng kabahan si Andy at nanahimik nalang ito.

Lumabas na rin si Yasmin mula sa storage.

Laking gulat niyang makita na tinutukan ng patalim si Andy ng lalaki. Nanlaki nag kanyang mga mata habnag nakatingin sa kanila.

" Anong nangyayari rito?"

Napalingon sila lahat kay Yasmin na nakatayo malapit sa kanila.
Lumapit agad si Yasmin kay Andy na kasama ang tito niya.

"Bitawan mo siya!"
Sinubukang iligtas ni Yasmin si Andy sa kamay ng tito niya. Hinahawakan ng tito niya ang kamay ni Andy habang pilit naman ni Yasmin na pakawalan siya.

" Let her go! Let her go!"
" Haist!"
Nagsimula ng uminit ang ulo ng tito ni Andy at itinulak si Yasmin. Napatapon si Yasmin pero nasalo naman siya noong isang lalaki kaya napasandal na ito. Nahawakan tuloy ng lalaki ang mga kamay ni Yasmin.

"Let me go!"
Mas hinigpitan pa niya ang hawak.

Napatitig ang tito ni Andy kay Yasmin. Nakasalubong naman nag kilay ng dalaga habang nakatingin sa lalaking patungo siya.

" Teka teka.."

Unti-unti ng kinakabahan ang dalawang dalaga.
Palapit ng palapit ang tito hanggang nasa harapan na ito.

" Teka, ikaw iyong girlfriend ng lalaking iyon. Boyfriend mo ang mayamang lalaking iyon na nagpapulis sa akin noon!"

Yasmin's mind: " Si Arthur kaya ang tinutukoy nila?"

"Ikaw nga!" nakangising wika nito. He had a demonic smile that time.

Yasmin's mind: " May binabalak siya! Nasa ano ang gagawin niya kay Arthur.?"

Hinawakan niya ang pisngi ni Yasmin ng mahigpit.

" Mapapakinabangan ka namin! Youre shining like a diamond!"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon