Chapter 58.5

432 24 4
                                    

Chapter 58.5
Hindi maiwasang di maluha si Yasmin habang nagsasalita si Leam. Binalik tanaw ni Leam ang mga nakaraan nila ni Yasmin na nagbabasakaling bumalik ang nararamdaman nito. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa nangyari noon at ang determinasyon ngayon.

"Yasmin, alam kong nagkamali ako noon. Noong mga panahong iyon ay wala akong magawa. Gulong-gulo ako at pinili ko ang bagay na sa tingin ko ay tama. Iniwan kita at iyon ay ang pinakamalaking desisyon ko sa buhay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. Nagdusa ka na mag-isa. Hindi kita naipaglaban. Nilayuan pa kita at nagpakasal kay Marga. Lahat ng iyon ay parang bangongot na palaging dumadalaw sa akin. Hindi ako pinapatahimik. Mas lalo akong nasasaktan."

"Napag-usapan na natin iyan diba noon. Nag-usap na tayo. Kaya wala ka ng dapat alalahanin pa. Kung nagsisisi ka at gusto mong humingi ng tawad, pinapatawad na kita. Hindi mo kailangan mabaon sa kahapon at pigilan na mag-move on. Kailangan natin harapin kung ano ang kasalukuyan. Nasaktan man tayo noon, ito naman ang dahilan kung bakit nagiging matatag tayo. Masakit pero humihilom din ang sugat. Dahan -dahan itong humilom at napunan ng isang tao. Naging buo ulit ang pusong bigo at nawasak."

Sa mga huling sinabi ni Yasmin ay napalingon siya kay Arthur na nasa likuran lang niya. Nakangiti itong nakatingin sa asawa. Napansin naman ito ni Leam at napakuyom ang mga palad. Nag-iinit sa galit kapag nakikita niya ang lalaking umagaw kay Yasmin sa kanya.
Napangiti rin si Arthur sa asawa na nakatingin sa kanya.

Nagpatuloy si Leam sa pagsasalita. "Paano mo nagustuhan ang lalaking iyan Yasmin?"

Pagkarinig ni Yas sa tanong ni Leam ay naging seryoso ito. Masinsinang nakinig ito sa mga sinasabi ni Leam at si Arthur naman ay napakunot noo ito.

"Ano ba ang meron ang Arthur na iyan na wala ako? Nauna ako sa kanya! Sa pagkakakilala ko sa kanya ay isa siyang babaero. Marami na siyang naging babae noon. Naging sila ni Marga at lihim na may relasyon sila. Muntik na silang magkaanak ni Marga. Baka nga may anak pa siya sa ibang babae, di lang natin alam. Ilang babae na ba ang naka-s*x mo? Pang-ilan ka Yasmin?"

Lumingon si Yas kay Leam na napakaseryoso ang mukha na may namunuong kuha sa mga mata. Nagkasalubong ang mga kilay ni Yasmin at naninikip ang dibdib sa bawat salitang binibitiwan ni Leam.
Nakangiti naman si Leam habang nagsasalita. Gusto niyang ipamulat kay Yas na masamang lalaki si Arthur. Gusto niyang masira ang imahe ni Arthur kay Yasmin.

"Ano ba si Arthur? Isang mayamang lalaki na nakikipags*x sa iba't ibang babae. Hindi seryoso sa buhay pag-ibig dahil habol lang niya ang makasipin ang mga nakakasama." Dagdag ni Leam.

Sinermunan ni Yas si Leam. "Tumigil ka na! Hindi mo siya kilala!"

Natigilan si Leam saglit.

Huminga ng malalim si Yasmin bago nagsalita. "Tama, babaero siya. Alam ko iyon. Tama, marami siyang naging babae at si Marga isa na roon. Alam ko iyon! Tama, marami siyang na-kama na mga babae, alam ko rin iyon. Alam kong maraming naghahabol sa kanya. Mayaman siya at maraming may gusto sa kanya. Mainitin ang ulo niya at madali siyang magalit. Pero, ang hindi ninyo alam kung anong klase siyang tao sa mahal niya. Handa siyang magbago para sa mahal niya. He is a caring man. Napaka-alaga niya at ramdam ko ang pagiging especial ko sa kanya. He was there when I need someone. Kahit anong pilit kong paalisin siya at pagtulakan, hindi siya sumuko. Nariyan siya sa tabi ko. Maraming mga pagsubok na dumaan, hindi niya ako iniwan. He is a loving husband. Uunahin niya ang kapakanan at kaligayahan ko lalo na sa anak namin. Ang lahat ay pwedeng magbago pati ang puso ng isang tao."
Hindi makapaniwala si Arthur sa mga sinabi ni Yasmin. Hindi niya inakala na masasabi niya ang mga iyon. Napapangiti tuloy si Arthur at ramdam niya ang saya.
Biglang nagsalita ulit si Leam, "Yasmin, tingnan mo nga si Arthur ngayon. Lumpo siya! Hindi na siya nakakalakad. Magugustuhan mo pa ba siya?"

"May dahilan ba para hindi ko sya magustuhan kahit lumpo siya?" tanong ni Yasmin.
Sumagot si Leam, "Magiging pabigat lang siya sa iyo. Gaya ko noon, naging bulag ako kaya awa lang ang natatanggap ko! Sigurado ako, awa lang din ang nararamdaman mo! Sumama ka Yasmin sa kanya dahil bulag ako. Gusto kong maging masaya ka kaya hindi na ako namilit pa. Magiging pabigat lang ako."

"Leam, tama na!" sermon ni Arthur. " Hayaan mo si Yasmin na magdesisyon kung sino ang pipiliin niya sa atin dalawa."

"Huwag ka ng magpapakaawa Arthur! Lumpo ka na ngayon! Magiging pabigat ka lang kay Yasmin!"

"Tumigil ka na Xian!" Galit na sabi ni Yasmin. Nanggigil na ito sa mga walang kwentang sinasabi ni Leam. "Tama na! Hindi kita pinili noon hindi dahil sa bulag ka. Dahil may iba ng laman ang puso ko. Kung hindi man nakakalakad si Arthur, hindi ibig sabihin na iiwan ko na siya."

"Anong ibig mong sabihin Yasmin? Siya ba ang pinipili mo?" mahinang tanong ni Leam na unti - unting nawawalan ng lakas.

"Leam, mahal ko si Arthur. Mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Mahal ko ang asawa ko. Noong araw na sinagot ko siya, iyon ang araw na sinabi ko sa sarili ko na siya ang lalaking mamahalin ko habambuhay. Kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan. Kung nagawa niyang manatili sa akin noon habang pilit ko siyang tinutulak palayo, ngayon ako naman ang manananatili sa tabi niya. Kailangan niya ako, hindi ko siya iiwan. Kahit lumpo siya, hindi ko siya ipagpapalit."

Natahimik si Leam sa mga oras na iyon. Pinagmasdan niya si Yasmin na pinuntahan si Arthur. Nakangiti ang dalawa pareho at nasaksihan niya ito. Bakas sa mag-asawa ang galak at kakaibang kaligayahan. Hindi niya inaasahan na hahantong ang lahat ng ganito.

"Leam, umaasa ako na balang araw, makakahanap ka ng babaeng mamahalin ka kung sino ka man. Tanggap ka kung ano ang nakaraan mo." Ani ni Yasmin habang tinutulak ang wheelchair ng asawa.

Natulala si Leam hanggang dumaan sila Yas at Arthur sa kanyang gilid. Ang hindi alam nila ay naroon pala si Tita Zita.
Hindi inaasahan ni Yasmin na makikita si Tita Zita roon na nakatayo sa may puno. Kanina pa pala siya naroon at nakikinig. Nang nakaharap na nila, napangiti si Tita Zita at binigyan ng ngiti rin ni Yas. Pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtulak ni Yas ang wheelchair hanggang makaalis sila sa hardin. Hinanap pala ni Arthur si Tita Zita para kay Xian at pinapunta sa lugar. Matagal na rin na hindi nakikita ni Xian si Tita Zita.
Dahan-dahan namang lumapit si Tita Zita kay Leam.

"Pamangkin ko.."

Lumingon si Leam. Nagulat siyang makita ang tita niya.
"Tita Zita?"

"Xian.."

"Tita..si Yasmin.."

"Hayaan mo na si Yasmin. Kung mahal mo ang isang tao, hayaan mo siya kung saan siya masaya. Pakawalan mo na siya. Kung sa piling ni Sir Arthur siya magiging masaya, maging masaya ka para sa kanila."

Napayuko si Leam at nag-iisip.
"Hindi mo ba dadalawin si Marga?" Tanong ni Tita Zita.

"Si Marga.." sambit ni Leam.

"Si Marga, nasa ospital."

Napaangat ang ulo ni Leam at gulat sa sinabi ng tita niya.

"Po?"

"Tama ang narinig mo, nasa ospital si Marga. Gusto ka niyang makita Xian.." balita ni Tita Zita.

Cut..

A/N. Bakit nasa ospital si Marga? Bakit niya gusto makita si Xian?

Bitin? Nagsusulat pa lola niyo.. 😅

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon